Young Mom

"E-erick.." mahinang tawag ni Ashley sa kasintahan. Nasa boarding house niya silang dalawa at kanina pa siya hindi mapalagay sa kina-uupuan. Kaya't lakas loob na niyang kinalabit ang kasintahang busy pa rin sa pagbabasa sa hawak na libro.

Young Mom
By CatchMe

"Bakit? May problema ba? Kanina pa kita napapansing hindi mapakali 'ah." baling ng binatang ibinaba ang binabasang libro.



Ga-graduate na kasi ito ngayong taon sa kursong Chemical Engineering. Habang ang kasintahang si Ashley ay nasa second year pa lamang sa kursong Office Administration. Magkaiba ang paaralang kanilang pinapasukan. Ngunit magkalapit lamang ang kanilang boarding house. Minsan kasi ng ginabi siya ng uwi ay nadaanan niyang binabastos ng mga lasing na tambay ang dalaga. At hindi siya nagdalawang isip na tulungan ito. At simula ng insidenting iyon ay naging magkalapit silang dalawa. Ilang buwan pa ang lumipas at naging magkasintahan sila.



"Kasi ano 'eh." nag alala ang boses na mas lalong hindi mapakali ang dalaga.



"Anong ano?"



"Buntis ako." kagat labing napayuko ang dalaga.



Mahina lang ang pagkakasabi ng dalaga. Ngunit tila bombang sumabog naman sa tenga ng binata ang sinabi nito. Napaharap siya bigla dito para siguradohin kung nagsasabi ito ng totoo. Pero nakayuko ang kanyang kasintahan na tila pinipigilan ang sariling mapaiyak. "You're kidding me, right?"



Napailing ang dalagang pigil-pigil ang sariling mapaiyak. Alam niyang ayaw ng kasintahang mabuntis siya. Dahil sa pangarap nitong makatapos muna sa pag-aaral. "Erick, totoong buntis ako. Dalawang buwan na. Nagbunga ang ginawa nating--"



"No! Ash, no! Hindi pwede!" biglang protista nito.



"Pero, Erick--"



"Alam mo namang nag aaral pa ako diba? Paano na tayo pag hindi ako nakapagtapos? Paano kita bubuhayin? Paano ang kinabukasan ng anak natin? Saan tayo pupulitin? Ash, please, intindihin mo naman ako." sunod sunod na wika ng binatang ikinabigla ng dalaga.



Ano ang ibig sabihin ng kanyang kasintahan? Nagugulohang bumagsak na ang pinipigil na luha ng dalaga. "What do you mean, Erick?" garalgal ang boses na muling napayuko ang dalaga.



"Huwag mong ituloy ang pagbubuntis mo Ashley."



"Ano?! Erick--" mas lalong napaiyak ang dalagang hindi makapaniwala sa narinig buhat sa kasintahan. "Gusto mong ipalaglag ko ang bata? My god Erick. Hindi ko kaya." aniya. Paano nito makakayang ipalaglag ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan? Wala na ba itong puso? Para patayin ang sariling dugo at laman nito na nasa kanyang sinapupunan?



"Listen hon, ayoko man sana itong mangyari. Pero hindi pa pwede, at indi pa ako handa. I mean, hindi pa natin kaya. Dahil wala pa tayong trabaho." pilit na paliwanag ng nagugulohan ring binata.



"Pero--"



"Please Ashley, makinig ka naman sa akin 'uh." agaw ng binatang tumaas na ang boses. "Hindi mo ba naiintindihang hindi pa ako handa! Shit! Kung bakit kasi nagpabuntis ka 'eh. Diba nag pi-pills ka?"



"Erick, I'm sorry. Pero itinigil ko na kasi ang pagpi-pills kasi nahihilo ako." paiyak pa ring sagot ng dalaga.



"Yan! Tingnan mo 'yang ginawa mo at nagkaka-problema pa tayo dahil sa kapabayaan mo. Damn!" mahinang mura nitong napatayo.



Agad na napatayo na rin ang dalaga at pinigilan ang kasintahan. "Erick, s-saan ka pupunta? Please Erick, huwag mo naman akong iwanan. Kailangan kita ngayon. Kailangang kailangan kita Erick, please don't leave." patuloy sa pag iyak na yumakap sa nakatalikod na kasintahan.



Napilitang humarap ang binata sa kanya at naaawang inangat ang mukha ng kasintahan. "Hon, I'm sorry..nabigla lang ako. I'm really sorry hon." mahinang sambit niya.



Gamit ang kanyang dalawang hinlalaki, ay pinunasan nito ang basang mukha ng dalaga. Napayakap naman ng mahigpit ang dalaga sa kasintahan. Habang hinahayaan lamang ng binatang umiyak ang kasintahan sa kanyang palapad na dibdib. Para gumaan ang pakiramdam nito. Marahan niyang hinagod ang likod ng dalaga hanggang sa tumahan. Maya-maya pa ay hinalikan niya ito sa noo, at muling niyakap.




Tatlong araw na ang nakalipas ng aminin ni Ashley sa kasintahan ang kanyang kalagayan. Napagkasunduan nilang ipagpatuloy na lamang niya ang kanyang pagbubuntis. Masaya siya ng pumayag ang kasintahan at humingi ng paumanhin sa inakto nito sa kanya. Ayon dito ay nabigla lamang ito at nagugulohan para sa kanilang kinabukasan.



Maagang pumasok sa paaralan ang dalaga. Sa edad niyang bente ay nasa second year college pa rin siya. Dahil sa hirap ng buhay, ay hindi niya nagawang mag aral ng tuloy tuloy. Ilang beses na rin siyang napatigil sa pag aaral dahil sa kakulangan ng pera. Napaisip siya sa kanyang kalagayan ngayon. Tiyak nanaman niyang titigil nanaman siya ng pag-aaral dahil siya ay buntis. Napabuntong hininga siya habang naglalakad sa pasilyo patungo sa computer room.



"Ashley, namumutla ka. Masama ba ang pakiramdam mo?" pansin ng kaibigan niyang si Alesa.



"Ha? Ahm, hindi naman." kaila niyang napayuko.



Sa totoo lang kanina pa siya pinagpawisan ng malagkit. Hindi naman siya nasusuka, pero nakakaramdam siya ng pagkahilo. Lalo na pag masyadong maingay ang kanyang mga kaklase pag wala pa ang kanilang instructor. Gusto niyang lumabas para maka-sagap ng preskong hangin. Dahil sa halo-halong amoy sa loob ng kanilang classroom.



Mariing napapikit ang dalaga ng maalala ang kasintahang si Erick. Napangiti siyang kinuha ang kanyang cellphone para tingnan. Baka merong mensahe ang binata para sa kanya. Ngunit nakaramdam siya ng pananamlay ng wala man lang ni isang mensahe na nanggaling sa binata. Muli siyang napabuntong hininga at ibinalik ang cellphone sa kanyang bag ng dumating na ang kanilang instructor. Dumaan ang maghapon ay hindi manlang nagparamdam sa kanya ang kasintahan.



Bali-baligtad ang dalaga sa kanyang higaan. Habang malalim ang iniisip. Kanina pa niya kino-kontak ang binata pero palaging patay ang cellphone nito. Nakaramdam na siya ng pag alala. Baka may masamang nangyari sa kanyang kasintahan na hindi niya alam. "Diyos ko, huwag naman po sana." mahinang sambit ng dalagang niyakap ang unan.



Kinabukasan ay maagang nagising si Ashley. Napagpasyahan niya kagabi bago matulog na puntahan na lamang ang binata sa boarding house nito. Sukbit niya ang kanyang bag, at may hawak na libro ang mga kamay na tinahak ang daan patungo sa boarding house ng binata.



"Magandang umaga po ate Rona, nan'dyan pa ba si Erick?" bungad niya ng makita ang anak ng land lady ng boarding house ng kasintahan.



"Uy Ashley, ikaw pala. Musta kana?" masayang wika nito ng makita siya.



"Okay naman 'te. Si Erick pala, nan'dyan pa ba?"



"Ha? Diba dalawang araw na siyang umalis dito? Lumipat na daw ng boarding house sabi ni mama."



"Po? S-saan po siya lumipat 'te?" nag alalang tanong niya dito. Nabigla siya sa kanyang nalaman at biglang nilukob ng kaba ang kanyang dibdib na hindi niya maintindihan.



"Naku Ash, 'yan ang hindi ko alam. Bakit? Hindi ba nagpasabi sayo si Erick?"



Napailing na lamang ang dalagang napayuko. "Sige po 'te. Mauna na lang po ako." paalam na lamang niya dito.



Mabigat ang mga paang tinahak muli ng dalaga ang daan pabalik sa kanyang boarding house. Pigil-pigil niya ang sariling mapaiyak na mas lalo pang binilisan ang paglakad. Samo't saring mga katanungan ang umiikot sa kanyang isipan. Kung bakit umalis ang kanyang kasintahan sa boarding house nito. Kung bakit hindi na ito nagpakita sa kanya. Kung bakit hindi na nagparamdam. O tumawag manlang. Kaya ba palaging naka off ang cellphone nito? Dahil sa iniiwasan na siya ng binata?



Agad na bumulwak ang luha ng dalaga pagkapasok sa kanyang inuukupang kwarto.
Isinubsob niya ang kanyang mukha sa unan habang patuloy sa pag daloy ang kanyang mga luha.



Paano na siya ngayon? Paano na ang kanyang anak? Ano nalang ang sasabihin ng kanyang ina? Ng kanyang pamilya? Mas lalo pang bumuhos ang kanyang mga luha sa maaring mangyari sa kanya at sa batang nasa kanyang sinapupunan. Patuloy lamang siya sa pag iyak hanggang sa mapagod. At hindi na niya namalayang nakatulog na pala siyang may luha sa mga mata.



Pagkalam ng sikmura ang nagpagising kay Ashley. Pagdilat ng kanyang mga mata ay agad na napatingin siya sa maliit na orasan sa kanyang bedside table. Mag aala-una na pala ng hapon. Ni hindi manlang siya nagising dahil sa pagod. Pagod sa kakaiyak dahil sa awa sa kanyang kalagayan.



Muling nag iinit ang mata ng dalaga ng maalalang wala na ang lalaking mahal niya. Ang lalaking sinukuan niya ng kanyang pagkababae. Ang lalaking ama ng kanyang anak, ay iniwan na siya. Namalisbis ang mainit na luha sa kanyang pisngi. Inilagay niya ang kanyang dalawang palad sa pipis niyang puson. Marahan niyang hinahaplos iyon.



"Baby, I'm sorry.. Wala ka ng ama. Wala na tayong makakasama. Iniwan na niya tayo." bulong niyang patuloy sa pagmamalisbis ang mainit na luha sa kanyang pisngi. "Bakit ganun baby? Mahal ko naman si papa mo diba? Pero bakit niya tayo iniwan? Bakit baby? Bakit? Hindi ba niya tayo mahal?" mas lalong napahagolgol ang dalaga habang patuloy na hinagod ang pipis na puson.





"Sigurado kaba friendship? Isipin mo muna ng isanda-ang beses ang plano mo. Baka nabigla kalang." si Alesa.



Nakapag-desisyon na siyang ipalaglag ang sa kanyang sinapupunan. Hindi niya kayang buhayin ang bata. Lalong lalo na nag iisa lamang siya. Hindi pa niya kayang harapin ang kanyang pamilya. Hindi niya kayang salubongin ang galit ng mga ito pag nalaman ng pamilya niya ang kanyang sitwasyon. Napayuko siya sa kaibigang pinipigilang mapahikbi, masakit man para sa kanya ang gagawin ay wala na siyang magawa. Mas mainam ng ipalaglag niya ang batang nasa kanyang sinapupunan. Para hindi na siya mahirapan.



Gusto pa niyang makatapos sa pag aaral. Tulad ng pangarap ng kanyang ina sa kanya. Dahil gusto niyang iahon sa hirap ang kanyang pamilya. Kaya't naisipan niyang ipalaglag na lamang ang nasa kanyang sinapupunan para ipagpatuloy ang kanyang pangarap.



"Alam mo friendship, hindi ka naman nag iisa 'eh. Nandito pa ako, handang tulungan ka para sa anak mo." pag aalo ng kanyang matalik na kaibigan. "Tsaka, akala mo ba ganun lang kadali ang mag pa abort? My god, friendship! Hindi mo ba alam na pati buhay mo ay pwedeng kunin ni kamatayan? Hindi lang ang bata ang maaring mamatay. Pwede ring pati ikaw!" dagdag paliwanag pa nitong sa kanya.



Nakaramdam ng pangingilabot si Ashley buhat sa sinabi ng kaibigan. Napakagat labi siyang napahaplos sa kanyang tiyan at hindi napigilang tumulo ang kanyang mga luha.



"Friendship, hindi naman sa tinatakot kita. Pero totoo ang sinasabi ko. Bakit mo pa ipalaglag ang iyong anak? Kung nagkasala ka man, ay huwag mong idamay ang batang nasa sinapupunan mo. Ipakita mo sa mundong kaya mong buhayin ang anak mo. Kausapin mo si nanay. Alam kong maiintindihan ka niya, dahil isa din siyang ina. Huwag kang sumuko agad friendship. Alalahanin mong hindi ka nag iisa. Nandito pa ako, handa akong tulungan ka at sa magiging anak mo. Isipin mo rin ang pamilya mo. Tiyak na hindi ka nila pababayaan."



Mas lalo pang napahagolgol ang dalaga sa sinabi ng kanyang kaibigan. Mahigpit niya itong niyakap habang lumuluha. "Thank you, friendship. Thank you sa lahat ng paliwanag mo sa akin. Tama ka nga. Kakayanin ko ang lahat para sa aking anak." umiiyak na wika ng dalaga habang yakap yakap ang matalik na kaibigan.



Matapos makipag-usap sa kaibigan, ay humarap si Ashley sa kanyang pamilya. Katakot-takot na sermon ang natanggap niya buhat sa mga ito. Kahit nagalit man ang kanyang pamilya, ay bukas palad pa rin siyang tinanggap dahil sa kanyang kamalian.



Simula noon ay ipinangako niya sa sarili na maging matapang sa pagharap sa buhay. Bubuhayin niya ang kanyang anak sa abot ng kanyang makakaya. Siguro nga, hindi talaga para sa isa't isa ni Erick. Na hindi sila itinadhana. At tanggap na niya iyon. Kung maging isang dalagang ina ang kanyang kapalaran, ay taos puso niya itong tinanggap.




"Aahhh!" may kalakasang sigaw ng dalaga. Pinagpawisan na ang kanyang mukha at hirap na hirap pa rin siyang ilabas ang nasa kanyang sinapupunan.



"Isa pa, okay? One, two, and push!" Ulit ng midwife na naka assign kay Ashley.



Agad naman niyang sinunod at ubod lakas na napasigaw dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Tila mapupugto na ang kanyang hininga ng maramdaman ang mainit na likido sa kanyang pagkababae kasabay nito ang pag labas ng bata. Ang kanina lang ay sigaw niya ang uma-alingawngaw sa loob ng delivery room, ngayon ay napalitan na ng iyak ng sanggol.



Nanghihinang pilit idinidilat ni Ashley ang kanyang mata. Gumuhit sa kanyang labi ang ngiti ng masilayan ang malusog na sanggol na inilapag ng midwife sa kanyang puson. Hanggang sa kusang napapikit na ang kanyang mga mata dahil sa sobrang pagod.



"Tulog na, baby.." mahinang pagheheli ang nagpagising kay Ashley. Ang kanyang ina, habang masayang pinagheheli ang kanyang anak. "Uh Ashley, gising kana pala. Tingnan mo ang anak mo 'uh. Ang pogi pogi. Mana sa akin ang mata." natatawang sambit ng kanyang ina.



"Pati ilong kamo." agaw ng kuya niyang natatawa.



"Ate, ate, ang cute cute ng baby mo. Ang ganda ng mata. Parang mata ni Dao Ming Zu." sambit naman ng nakakabatang kapatid niyang si Jenny. Ang tinutukoy nito ay isang taiwanese na actor.



Natatawa na lamang niyang kinuha ang kanyang anak ng iabot ng kanyang ina sa kanya. Bigla tumulo ang kanyang luha sa mata ng masilayan ang kabuu-an ng kanyang anak. Marahan niya itong itinaas at dinampian ng magaan na halik sa magkabilang pisngi. "Baby ko.. Love ka ni mama, tandaan mo 'yan palagi ha?" naluluhang kausap niya sa maliit na sanggol. Para namang may isip ang sanggol na biglang napangiti habang nakapikit. Natatawa siyang na-iiyak sa ginawi ng kanyang anak. "Ma, naririnig ako ng baby ko." lumuluhang baling niya sa ina. "Ngumiti siya sa sinabi kong mahal ko siya ma."



"Hush, tama na nga 'yang pag iyak mo anak. Baka mamaya sisimangot na iyang munting anghel mo sige ka." napatawa na lamang siya sa biro ng ina.



"I love you baby." muling sambit niyang hinalikan ulit ang kanyang munting anghel.



Kung saan man ngayon ang ama ng kanyang anak, ay pinapatawad na niya ito. Sa kasalanang pang iiwan nito sa kanila. Ayaw niyang magtanim ng galit dito, bagkos ay malaking pasasalamat pa ang ibinulong niya. Dahil sa munting anghel na kanyang kayakap

First Love Never Dies?

First Love, Never Dies?
By: CatchMe


"Ano ba ang ayaw mo sakin Nic? Gagawin ko lahat, para sayo. Para sagutin mo ako! Para maging tayo, dahil mahal kita!"


Teaser



Isang transferee si Janrae. At unang kita palang niya sa dalagitang si Nica ay agad ng tinamaan ang kanyang puso ng pana ni Mr. Kupido. Pangako niya sa sariling gagawin ang lahat mapapaibig lamang ang dalagitang si Nica.


Pero, paano kung laging umiiwas ang dalagita sa kanya? At pilit na itinutulak palayo ang sarili sa kanya. Susuko nalang ba siya ng basta basta? Para siya'y huwag kasuklaman ng dalagita?


Ngayong araw ng mga puso, ay inihahandog ang kwentong pag-ibig na nabuo sa buwan ng pebrero at sa araw mismo ng mga puso.




UNANG ARAW ng pasukan sa
Eskwelahan. At Isang dalagita ang nakatayo sa second floor ng Gorrecita building ng P.N.H.S At ang dalagitang iyon ay ako! Ako, si Nica. Nica G. Yoon, at nakatanaw ako sa ibaba habang pinag mamasdan ang paroo't parito ng mga kapwa ko estudyante. Nasa third year na ako, at habang wala pa ang aming guro ay minabuti ko na lamang na magpahangin sa labas. Halos kilala ko na rin ang mga mukha ng aking mga school mate. Ng bigla akong mapabaling at Napatingin sa taong tumabi sa akin na tumanaw rin sa baba ng building. Nginitian niya ako ng mapatingin siya sa akin.


"Hi,"

"Hello."

Palitan namin ng salita ng biglang akong kinilig. Aysus! Sino ba naman ang hindi kikiligin eh, kamukhang kamukha siya ng Ultimate Crush kong si Alvin. Yes! Si Alvin B. Yun lang ang maibigiay kong impormasyon sa crush ko. Hahahaha Ang sikat na myembro ng Anix na dancer sa aming school.


"Transferee ka?" nakangiting tanong ko sa kanya nang muling akong tumingin sa baba.


"Oo. Section G ka rin diba?"


"Oo, bakit? Section G ka rin?" gulat kong balik tanong sa kanya.


"Yup! Nakita kita kaninang pumasok sa room. By the way, ako pala si Janrae." nakangiting inilahad nito ang kamay sa akin.


At syempre, bumilis ang tibok ng echusera kong puso! "Nica" ani kong inabot ang kamay ng binatilyong si Janrae.


"Yay! Ang lambot ng kamay!" kinikilig na sigaw ng utak ko, ng matanaw ko ang aming adviser. "Nandito na pala si ma'am. Tara na sa loob." yaya ko na lamang sa kaklase kong pogi at binawi ang aking kamay at nagpatiuna na akong pumasok sa aming classroom.


Habang nag le-lecture ang adviser naming si Mrs. Jumayao ay hindi ko mapigilang tapunan ng tingin ang bagong kong kaklase. At ganun na lamang ang pamumula ng aking pisngi ng magtama ang aming mga mata dahil naka tingin din pala siya sa akin.


"Hoy, puso! Umayos ka!" biglang saway ko sa dumagundong kong puso ng magtama ang mata namin ni Janrae.


"Nic, kanina kapa tinitingnan ni Janrae." bulong ng katabi kong si Anna Soriano. Kaklase ko siya mula first year. Kasama rin namin sina Jessel Greta, Patchi Bayaran, Vergie Nachon, at Recie Flores.


Kaming anim ang palaging
Magkakasamang mag lakwatsa. Oppss, balik muna ako sa pamumula ng aking pisngi.


"Ha? Ahm.. Hayaan mo siya." sagot ko kay Anna na kunyari ay di ko siya pinapansin. Pero deep inside parang naiihi na ako sa kilig. Hanggang sa natapos ang ang dalawang subjects namin at nagkaruon kami ng breaktime. O recess ika nga.


Naiwan akong mag isa na nakatayo sa pinto ng classroom ng lumapit si Janrae. Hindi ko nga alam kung bakit mag isa lang ako noon. Matagal na kasi kaya nakalimutan ko na kung saang lupalop pumunta ang magagaling kong mga friendship hahaha.


"Hi, Nic. Meryinda tayo." yaya sakin ni Janrae. Syempre, nahiya naman ako. Eh kabago-bago palang naming magkakilala eh, yayain kaagad ako. Aba, pakipot muna akitch.


"Ay, huwag na! Busog pa kasi ako. Tsaka wala akong ganang kumain." sagot ko na lamang. Pero ang totoo, nagugutom na ako.


"Ganun ba?" kunyari nalungkot naman itong si Janrae.


"Ay, oo nga pala, kapatid mo ba si Alvin?" bigla kong natanong sa kanya. Kasi hindi talaga mapuknat sa isip ko ang supah crush kong si Alvin. Maliban kasi sa Dancer ito, eh sumasali pa ito sa Gymnastic.


"Hindi. Hindi ko siya kilala."


"Oh? Di nga?"


"Totoo. Di ko siya kilala." ulit pa ni Janrae.


"Kung hindi mo siya kilala, bakit magkamukha kayo?" pilit ko pa rin sa kanya. Medyo at ease na rin ako sa kanya at naoovercome ko na rin ang tinatawag na kilig at pinatay ko na rin si mr. hiya sa aking katawan.


Natawa na lamang si Janrae sa akin. Hindi ko nga rin alam kung bakit siya tumawa. Nang bigla siyang magsalita.


"Bakit? Kaano-ano mo si Alvin?"


Natigilan ako. At napaisip. Oo nga ano? Kaano ano ko ba talaga? Hahahah siya lang naman ang ultimate crush ko na kinababaliwan ko ehhh.


"Yung totoo?" wika ko sa ka ya na napatango naman ito. "Crush ko yun." nakangiting sambit ko sa kanya at bigla siyang natigilan. Maya-maya pa ay may gumuhit na ngiti sa kanyang labi. At hindi ko alam kung bakit.


Marami pa kaming pinag usapan pero nakalimutan ko na rin kung ano yun. Kaya fast forward ko nalang. Doon na nagsimula ang lahat. Medyo close na rin kami ni Janrae. May sarili na rin itong kabarkada na kakalase rin namin. Sina Diego, Romar, Joemar, Judy, at marami pa. Nakalimutan ko ulit yun lang ang naalala ko.


Dahil magaan naman ang loob ko kay Janrae, naging mabuti kaming magkaibigan. Magkaibigan lang as in Friendship lang talaga. At dahil sa sobrang close namin ay hindi na talaga ako nailang sa kanya. Ah, ewan! Feeling ko Nawala yata ang crush ko sa kanya! Dahil hindi na dumadagundong ang puso ko pag magkalapit kami sa isa't isa.


At take note: mas lalong dumami ang nagkakagusto kay Janrae dahil sa edad nitong 18 ay macho na itong tingnan.


Oo! 18 na siya, dahil nag stop pala siya ng dalawang taon
O tatlo. Hindi ko alam kung anong dahilan hindi naman niya naikwento eh. Oh, siya! Doon na tayo sa maraming nagkakagusto kay Janrae.


Dahil nga may itsura si Janrae at halata ang abs nito sa katawan ay maraming kababaihang nagkagusto sa kanya. Lalong lalo na isa itong varsity. Napili itong isa sa the best na basketball player sa school namin. Ako naman ay deadma. Etchus!!! As in deadma!


Pero infairness, dahil feeling ko, isa akong prensisa. Hahahaha. Kasi pagdating ko sa school, may nakareserba nang upuan para sa akin. Agawan kasi ng upuan dati eh. Sa sobrang dami ng estudyante kinulang na kami ng silya. Yung
Monobloc ba. Hahahaha


May taga-buhat na rin ng bag ko, libro at pati payong! Wow! Ha! Ganun ba ako ka espesyal para dito at sa barkada nito? Kasi nasa akin ang atensyon nilang magka barkada. Hindi ko nga rin alam kung bakit. Hindi naman ako ganun kaganda para maging ganun sila sa akin. Ay ewan!


Lalo na pag exam, nagbabayad muna kami ng tatlong piso para sa test paper. Aba! Lagi akong libre. Samantalang sina Jessel Greta, Patchi Bayaran, Vergie Nachon, Recie Flore at Anna Soriano ay nagbabayad. Ako always libre. Hahaha


Pagwala rin akong ballpen, ibibigay ni Janrae yung ballpen niya sa akin at manghiram sa mga barkada niya. Basta! Ang bait ni Janrae. Fast forward ulit...


Isang hapon, bago kami umuwi...


"Nic, sama ka naman mamaya. May laro kami sa gym." yaya ni Janrae sa akin. Pero ewan ko nga ba kung bakit tamad akong manood lagi ng laro nila na kahit anong pilit niya ay hindi ako sumasama.


"Cleaners ko eh! Tsaka nalang. Maraming laro pa naman siguro ang malalaro mo diba?" sagot ko kay Janrae na nginitian ko pa.


"Palagi ka nalang ganyan. Ni minsan di ka naman nanuod eh." Biglang tampo nito.


"Cleaners ko nga eh! Tsaka marami pa kaming lilinisin dito sa classroom. Promise sa susunod manunuod na ako." muling sagot ko sa kanya. "Kung hindi ko lang cleaners ngayon, manunuod ako." dagdag ko pa.


"Tutulungan nalang kita para, matapos agad!" pilit pa rin ni Janrae na tila nabuhayan ng dugo. Ay este ng loob pala.


"Ay huwag na. Kayang kaya na namin ito." kaila ko nanaman. Hanggang dumaan sina Diego, Romar, at Judy.


"Tara na, Jan! Alis na tayo para makapag praktis pa tayo." yaya ni Diego sa kaibigang si Janrae.


"Tulungan muna natin sina Nica, para sabay na tayong pumunta sa gym." baling ni Janrae sa mga kaibigan at binalingan ako.

"Tangkuloy ka talaga Jan! O siya, kunin mo na ang walis dun at magwalis ka!" inis na sambit ko kay Janrae.


Minsan naiinis na ako sa sobrang lapit namin ni Janrae. Yung sobrang pangingialam niya sa akin. Yung lahat andun siya. Laging nakasunod, magkatabi ng upuan and so on. Ayon mabilis ring gumalaw yung barkada nj Janrae. Ang mga loko-loko at sila ang naglinis ng class room hahaha.


Samantalang kaming mga tamad ay kunyari papunas punas lang ng book shelves. Hanggang dumaan ang labin limang minuto eh super clean na ang class room. Kaya napasunod na rin ako sa gym para manuod ng laro nina Janrae.


Nang mag umpisa ang laro aysus! Sobrang ingay ng hiyawan ng mga kababaihan. Yung, naririndi ka sa sobrang lakas. At mabilis akong napabaling nang tingin sa ibabang hanay ng gym, dahil sa sobrang lakas ng tili ng isa kung kaklase.


"Janrae!!!! Shooootttt!! Go go go!!!!!" bigla akong nakaramdam ng inis kay Nalyn. Kasi, halos mapugto na ang hininga niya sa kakasigaw kay Janrae. Ano? Papansin? Hayst! Ewan ko sayo Nalyn.
Natapos ang laro at masaya kaming umuwi dahil panalo nanaman sina Janrae.




Dumaan pa ang mga araw at lagi kong nahuhuling nakatingin sa akin si Janrae. Hindi ko naman alintana ang mga titig niya kasi parang bestfriend na rin kami eh. Parang no malice na yun sa akin. Kasi comfortable naman ako sa kanya. Tsaka simula ng maging magkaibigan kami ay nawala na yata ang paghanga ko sa kanya. Di tulad ng 1st month naming magkakilala at maging mag kaibigan na lagi akong kinikilig pag mag kasama kami. Ayun nagbago nga ang feelings ko sa kanya. Biglang nawala ang tinatawag na spark.



Ilang buwan pa ang dumaan at sumapit ang christmas. Kinausap ako ng masinsinan ni Janrae.


"Nic, pwede ba kitang ligawan?"


"Ha?! Ano?" gulat na reaksyon ko.


"Kung pwede ba kitang ligawan. Kasi, matagal na kitang gusto eh."


"Uy! Janrae! Huwag ka ngang magbiro sa akin ng ganyan.! No! No! A big NO!"


"Bakit ayaw mo?"


"Oo! Ayaw ko! Tsaka friendship lang tayo. No more no less."


Sus! Masyado naman yata akong prangka. Ayun nasaktan si friendship Janrae. Pinilit pa rin ako. Pero, nagmamatigas pa rin ako na ayaw ko. Hanggang sa parang nailang na ako sa kanya. Medyo, iniiwasan ko na rin siya. Kasi iba na eh. Ayaw kong umasa siya sa akin. Kasi feeling ko, hindi ko na siya gusto at ayaw ko na siyang makasama. Nag disappear ang paghanga ko sa kanya noon. Ay ewan sa sarili ko!


Pilit pa rin siyang lumapit sa akin at naiinis ako kasi bunto't siya ng buntot sa akin. Nakakairita! Nakakasakal! Napupuno na ako sa kanya! Hanggang sa..


"Nic, hatid kita mamaya sa bahay niyo."


"Huwag na! Marunong naman akong umuwi."


"Sige na Nic, ihahatid kita."


"Huwag na na sabi eh! Ano ka bingi!?"


"Ah, basta.. Ihahatid kita!" pinal na sambit ni Janrae.


Tumaas ang dugo sa sinabi niya. Heto nanaman at pinapangunahan nanaman ako. Ito yung ayaw ko talaga sa isang lalaki.


"Subukan mong ihatid ako, at ipapahabol kita kay Dalmatian!" mataas ang boses kong sinagot sa kanya yun.


"Eh di, ipahabol mo. Basta ihahatid kita"


Sh*t hindi siya natakot sa aso kong malaking dalmatian. Pinagpilitan pa rin ang gusto kaya nadagdagan ang galit ko.


"Subukan mo akong ihatid, at sisigiraduhin ko sayong hinding hindi kana makakalapit sa akin. At huwag na huwag mo na akong kausapin!" sigaw ko kay Janrae at tinalikuran.


Napatingin sa amin ang iba pa naming kaklase. Pati yung mga kabarkada niya. Sinundan ako ng mga kaibigan at nagpupuyos talaga ako sa galit.


Hindi ko nga rin alam kung bakit ako nagagalit sa kanya! May deperensya yata ako! Ah, ewan! Kaya yun.


Medyo, lumayo ang loob namin sa isa't isa. Pero lagi ko pa rin siyang nahuhuling nakatingin sa akin. At iniiwas naman siya ng tingin pag nahuhuli ko siya.


Kahit ganun, hindi pa rin nagbago yung pakikitungo ng barkada niya sa akin. Opppsss, di ko pala nabanggit na kaklase din namin ang kapatid niya. Pero di ko na babanggitin kong sino yun. :D


Lagi akong pinagsasabihan ng mga barkada niyang lagi daw si Janrae naglalasing. Laging ako daw ang bukam bibig nito. At Laging sinasabing ako lang daw ang mamahalin niya. Hala! Bakit ganun?


Kinausap ako ng kapatid nya. And shoot! Totoo nga ang sinasabi ng kabarkada niya. Na mahal talaga ako ni janrae. Pero ewan! Kung bakit parang naiilang ako. Parang merong something na hindi ko alam. At sinasabi ko sa sarili kong hindi! Hinding-hindi pwede na maging kami!


Pero yun pala ang pagkakamali ko. Dahil umeksina si Che-che. Ang kaklase naming over sa lahat ng ka-overan. Yung over sa lakad. Over sa pananamit. Over sa paghawak sa mga bagay bagay na nasa paligid. In short O.A. (Ang sama ko namang mag describe kay che-che )


"Nic, alam mo bang may gusto
Si Che-che kay Janrae?" siko sakin ni Patchi. Syempre nabigla ako. Parang merong something akong nararamdaman na iniignore ko na lamang. Kunyari deadma lang ako.


"Huh? 'Eh, ano ngayon?" balik tanong ko kay patchi.


"Wala lang. Pinapaalam ko lang sayo."


"At bakit mo naman sa akin pinapaalam? 'Eh hindi ko naman boyfriend si Janrae."


"Aw! Malay ko. Baka may feelings ka sa kanya." sagot niya sakin.


"Ay ewan ko sayo! Huwag mo ngang mabanggit-banggit sa akin yan!" inis kong wika kay Patchie. Kaya ayun natahimik.


Isang hapon, habang nakatayo ako sa 2nd floor at nakatanaw sa baba ay muli akong kinausap ni Janrae.


"Nic.." mahinang sambit niya. Kaya't napilitan akong lingunin siya.


"Ano nanaman ba?"


"Pwede naman nating subukan diba? Mahal talaga kita Nic.."


Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano isasagot ko. Parang naawa ako sa kanya ng makita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Yung pilit itinatago yung sakit..


Napabuntong hininga akong tinalikuran siya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Natatakot akong, baka hindi ko siya mahal at kung sasagutin ko lang siya dahil sa naawa ako pangit naman diba? Kaya minabuti ko nalang na prangkahin siya.


"I'm sorry Jan. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo." ani kong nakatingin sa kawalan at hindi lumingon sa kanya.


"Ano ba ang ayaw mo sakin Nic? Gagawin ko lahat, para sayo. Para sagutin mo ako! Para maging tayo, dahil mahal kita!"


Nagulat ako sa sinabi ni Janrae. Parang binundol yung puso ko at napatingin ako bigla sa kanya.


"Alam mo bang sinasabi mo Jan? Ayaw ko nga! Bakit mo ba ipinipilit ang sarili mo? Hindi kaba makakaintindi at nagpapaka tanga ka sa akin?!" sagot ko sa kanya. Di ko nga rin alam kong bakit ganun yung lumabas sa labi ko. Gusto kong bawiin pero huli na kasi nasaktan ko na siya.


"Hindi ko alam kung bakit ka ganyan Nic. At kahit ano pang sabihin mo, hinding hindi ako susuko. Itulak mo man ako palayo, andito pa rin ako.. Patuloy na nagma-mahal sayo." Mabigat ang loob na sagot ni Janrae sabay talikod sa akin.


Naiwan akong naguguluhan at hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman. Nasasaktan ako, pero pilit kong inaalis sa isip kong.. Hindi kami. Na hindi pwedeng magiging kami.


Dumaan pa ang mga araw. Pilit ko pa ring iniiwasan si Janrae. Hanggang sa umeksina si Nalyn.


Hindi ko alam bakit naiinis ako tuwing lumalapit si Nalyn kay Janrae. Kaklase din namin siya. Kung dati rati ay lahat ginagawa sa akin ni Janrae. Ngayon bumaliktad na.


Si Nalyn na ang laging bumubuntot kay Janrae. Siya rin ang laging tumatabi dito. Nililibre ng bayad sa test paper. Ginagawan pa niya ng assignments si Janrae. Hindi ko man maamin eh, nagseselos akong may babaeng umaaligid kay Janrae.


Pero nasayahan din naman ako. Kasi, kahit na anong gawin ni Nalyn ay ako pa rin ang mahal ni Janrae. Ayun sa kwento ng mga barkada nito at kapatid.



Napaaga ako ng dating sa school. Habang wala pa ang aming teacher ay nagbasa muna ako ng aking aklat. Lumapit sa akin ang kapatid ni Janrae.


"Nic, may sasabihin sana ako sayo.." ani nitong naupo sa bakanteng silya na nasa tabi ko.


"Ano yun?" nagtatakang napatingin ako sa kanya.


"Alam mo bang ang lakas ng tama ng utol ko sayo?"


Hindi ako nakapagsalita. Kasi, hindi ko naman alam ang sasabihin ko eh. Kaya tumahimik nalang ako.


"Hindi ko nga rin alam kung anong nakain ni Utol. Pag umiinom kami ng grupo, lagi ka niyang binabanggit. Ikaw lagi ang bukam bibig. Palaging umaasa na kayo ang magkakatuluyan. At alam mo bang... Napaiyak pa siya nung araw na sinigawan mo?"


Nabigla ako sa sinabi ng kapatid niya. Nang init ang aking mukha. Alam kong namula ako at hindi mapalagay sa kinauupuan ko. Gusto kong magsalita, pero walang lumalabas na salita sa aking baba. Parang may nagbabara sa aking lalamunan na hindi ko maintindihan.


"At nabasa namin ng grupo ang sulat niya." pagpatuloy ng kapatid ni Janrae. "Alam mo ba kung ano ang nakasulat?"


Hindi ako makatingin ng deretso sa kapatid ni Janrae. Kinakabahan ako.


"A-ano?" ani kong hindi siya tinitingnan. Ngunit hindi na siya nakasagot. Napailing na lamang na tumayo.


"Kalimutan mo nalang ang sinabi ko Nic. Sige, labas muna ako." at lumabas nga ito. Naiwan akong nagugulohan at hindi makapag concentrate sa binabasa ko.


Hanggang sa mag umpisa na ang klase at nag le-lecture si ma'am sa harap. Hindi ko maiwasang mapabaling sa upuan ni janrae. At bigla kong binawi ang aking paningin ng malaman kong titig na titig pala siya sa akin.


Heto nanaman ako. Nagreregodon nanaman ang puso ko. Ano bang nangyari at bigla nanaman akong kinakabahan pag tinitigan ako ni Janrae? Ahh! Ewan! Deadma nalang ako..



Isang hapon, habang naghihintay kami ng teacher namin sa next subject, lumapit sa akin si Roemar. Barkada ni Janrae.


"Nic, alam mo, nabasa namin ang sinulat ni Janrae sa notebook niya, puro pangalan mo. Ikaw pala ang first love niya."


Napabaling ako kay Roemar at nagtatakang napakunot ang nuo.


"At, nakasulat pa doon, first love never dies daw. Maswerte ka kay Janrae, dahil ikaw ang nagustuhan niya. Malas lang niya dahil di mo siya gusto." ani nitong napabuntong hininga.


"Di naman sa ganun Roem, di ko lang talaga maintindihan ang nararamdaman ko kasi--"


"Nica, si ma'am andiyan na."


Sabay kaming napabaling kay Recie. Di ko tuloy nasabi ang dapat kong sabihin kay Roemar. Bumalik kami sa loob ng classroom.


Hanggang sa makauwi na kami, dala dala ko pa rin sa aking isipan ang mga sinasabi ng barkada ni Janrae. Alam kong mahal niya ako. At di ko maipapaliwanag yung nararamdaman ko. Lagi nalang yun ang iniisip ko. Naging absent minded na rin ako. Pilit ko man siyang dini-deadma, pero hidi naman siya maalis sa isip ko. Mahal ko na rin ba siya? Di ko alam.



February 14, araw ng mga puso, pagpasok ko ng classroom sinalubong ako ni Janrae.


"Happy Valentines Nic," at nakangiti siyang binigay sa akin ang three long stem red rose.


Syempre, gulat ako. With matching nagba-blush pa ang face ko. Yay! Deep inside, kinilig na naman ako. Hahaha :)


"Thanks, wala akong ma-ibigay sayo." ani ko sa kanya.


"Okay lang yun, matanggap mo lang yung roses, masaya na ako." nakangiting wika ni Janrae.


Yung buong klase naman ay kinilig sa amin. Oh siya, dahil valentines, pagbigyan ko muna si Janrae para sumaya naman. Per0, hindi lang pala valentines ang special day sa araw na yun. Dahil birthday niya rin pala ang february 14.


Inaanyayahan niya kaming lahat na pumunta sa bahay nila. Excited ang buong klase. Kasama na sina Nalyn at Che-Che. Sino naman ang di ma eexcite? 'Eh, uulan ng mga gwapo sa bahay nina Janrae. Lahat ng barkada nila, at varsity sa school sasama sa bahay nina Janrae.


Pero, di pa rin ako makapag decide kong sasama ba ako o hindi. Dumating ang hapon at naghihintay nalang kami ng last subject namin. Habang ang iba ay excited na para pumunta sa bahay nina Janrae.


"Pats, ayaw kong sumama, kayo nalang." siko ko kay Patchie na nabigla.


"Ha? Bakit naman?"


"Basta! Di ako sasama."


"Sigurado ka Nic? Alam ba ni Janrae na hindi ka sasama?"


"Hindi niya alam." sagot ko kay Patchie. Bigla siyang tumayo at lumapit kay Janrae na masayang nakikipag kwentohan sa mga barkada nilang basketball player.


"Uy, Patchie! Balik ka nga dito." tawag ko sa kanya pero tuloy tuloy pa rin itong lumapit kay Janrae at bahagyang hinila sa tabi.


Maya-maya pa ay napakunot ang nuo ni Janrae na lumapit sa akin.


"Nic, hindi ka daw sasama?" nakakunot ang no-ong wika niya sa akin.


"Hindi. Kayo nalang."


"Bakit? Akala ko ba sasama ka?"


"Basta, sila nalang ang isama mo." turo ko sa ibang kaklase namin.


"Bakit nga? Ano bang dahilan at hindi ka sasama?" ulit nitong magkasalubong ang kilay. Pero hindi na ako sumagot kaya't nainis siyang nagsalita ulit.


"Kung hindi ka sasama, walang may pupunta sa bahay." wika ni Janrae at tinalikuran akong bumalik sa barkada nito.


"Kitam mong taong to." inis na sinundan ko siya ng tingin at napakibit balikat.



Pagkatapos ng klase ay nag aayos na ako para umuwi ng muli akong pilitin ng mga kaklase namin na sumama na sa bahay nina Janrae. Simula kasi kaninang sinabi ko na hindi ako sasama ay hindi na ako tinantanan ng mga kaklase ko.


"Sige na Nic, pumayag ka na. Sayang din yun noh? Libre haponan na yun. Aba! Mahal na yata ang baboy ngayon." wika ni Jessel na tinawan ng kakalase namin.


"Lukaret ka talaga. Baboy lang ba ang habol mo dun?" natatawang sabad ni Vergie.


"Eh, ikaw? Anong habol mo? Pancit?" biro naman ni Anna kay Vergie.


"Pwede ba umayos nga kayo." saway ni patchie sa mga kaibigan. "Oh ano na Nic? Sumama ka na kasi para makapasyal tayo kina Janrae."
Dagdag ni Patchie na niyogyog ang aking balikat.


"Ano bang problema ni Janrae at kailangan pa akong sumama? Pwede namang kayo lang diba?"


"Ay ewan. Sumama kana kasi, dahil sayo nakasalalay ang bunganga ng buong klase." pabirong sagot ni Jessel.


"oo nga, Sige na Nic, sumama kana. Minsan lang naman yun eh. Isang beses sa isang taon. Tsaka Valentines naman ngayon at birthday pa ni Janrae. Pagbigyan mo na." pilit pa ni Anna.


Napaisip muna ako ng ilang segundo. Tama nga naman sila. Minsan lang naman mangyayari yun so, bakit di ko pag bigyan diba? Tsaka baka isipin pa nilang, masyado nan akong nagpapa-imp0rtante. Kaya't pumayag na rin ako.


"Yes!" sabay sabay na sambit nina Anna, Jessel, Patchie, Vergie at Recie. Agad nilang tinawag si Janrae at pinaalam na sasama na ako. Ayun, ang lawak ng ngiti ni Janrae na lumapit sa amin. At niyaya na ang buong klase para pumunta sa bahay nila.



Nauna sina Janrae sa kanilang bahay, kasama ang ibang kaklase namin. Nag paiwan muna kami dahil may dinaanan pa kami ng aking mga kaibigan sa bayan. At tulad ng pangako kong susunod kami, ay heto ako at nag uurong sulong sa pag pasok sa gate ng bahay nina Janrae.


"Halika na Nic, dami ng bisita nila uh." baling ni Recie. Kaya napilitan na rin akong pumasok sa gate ng bahay nina Janrae.


Agad kaming sinalubong ng masayang mukha nito
Kasunod ang mga kabarkada nitong kasali sa basketball.


"Buti, nakarating kayo. Akala ko nag backout ka nanaman." ani nitong sa akin nakatingin.


"Nangako akong susunod diba?" nakangiting sagot ko, na pilit binabaliwa ang pagkailang na aking nararamdaman.


"Dito na sina Nica." narinig kong sambit ng kapatid ni Janrae. Di ko alam kong sinong pinagsabihan nito. Nakita ko nalang na sinalubong kami ng mama, at papa ni Janrae. Pati na rin yung dalawang kapatid niya.


Nang makalapit na kami sa magulang ni Janrae, ay masayang niyakap ako ng mama ni Janrae na ipinagtataka ko. Pero ngumiti na lamang ako at isinantabi ang aking pagtataka.


"Buti, nakarating ka Nica." masayang wika ng mama ni Janrae.


"Musta po, tita? Sorry po, late na nga kami. May dinaanan pa kasi kami sa bayan." nahihiyang sagot ko sa ginang.


"Siya ba yun? Kay gandang bata pala." ani ng papa ni Janrae.


"Oo, siya nga pa. Si Nica Yoon." pakilala naman sa amin ng kapatid ni Janrae na kaklase namin.


"Aba'y papasukin mo muna sila anak." sabad ng mama nito.


"Tara, pasok na muna kayo." masayang yaya ni Janrae sa amin. Agad naman kaming sumama dahil sa nakakaramdam na ako ng awkwardness sa ikinikilos ng magulang nina Janrae.


Asikasong-asikaso kami ng magulang ni Janrae habang kumakain sa mesa. Kasama ang mga kapatid nitong hindi mapuknat ang mga ngiti sa labi habang nakatitig sa akin. Hanggang sa hindi na ako makatiis at hinila ko si Janrae, palabas ng kanilang bahay mg matapos na kaming kumain.


"Bakit ganun ang ina-akto ng pamilya mo? Naiilang na ako sa kanila." agad kong tanong kay Janrae ng nasa puno na kami ng mangga.


"Huwag ka ng magtaka. Alam kasi nilang..." hindi nito natuloy ang sinasabi na napabuntong hininga. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot. At hindi ko maipapaliwanag kung bakit parang dinudurog ang aking puso ng masilayan ang kalungkotan sa mata nito.


"Jan.." hinawakan ko siya sa balikat at humarap ito sa akin. Ngunit, hindi naman ako makapagsalita dahil walang katagang lumalabas sa aking labi. Matagal muna kaming natahimik, hanggang sa narinig kong bumuntong hininga ito bago nagsalita.


"Nic, alam ng pamilya kong mahal kita, na seryoso ako sa nararamdaman ko sayo. Alam din nilang ikaw lang ang iniyakan ko." seryosong sambit nito sa akin habang tinitigan ako sa mata. Habang ako naman ay tila may naghahabolang mga daga sa dibdib ko, dahil sa sinabi nito sa akin.


"Siguro nga nagmumukha na akong tanga. Na kahit ilang beses mo pa akong itulak palayo, ay hindi ko pa rin matanggap at maialis sa aking puso na ikaw lang minahal ko ng ganito." wika nitong hinawakan ang aking dalawang kamay.


"Jan--"


"Nic.." agaw nito sa sasabihin ko sa kanya. "Please, bigyan mo naman ako ng pagkakataong, ipakita at maipadama ko ang pagmamahal ko sayo. Please, Nic." pagsusumamo nitong ng biglang may kumislap na butil ng luha sa mata nito.


"Jan.." tanging nabanggit ko lamang dahil sa hindi ako makakapgsalita. Pakiramdam ko ay merong nakabara sa aking lalamunan na hindi ko maintindihan.


Masaya ako sa narinig ko mula sa labi ni Janrae. Hindi ko man maamin sa sarili ko, eh mahal ko na yata si Janrae. Siguro pilit ko lang sinisikil yung nararamdaman ko. Yung nagseselos ako sa ibang babaeng umaaligid dito. At ngayon, ngayong nakita ko at napatunayan kong mahal talaga ako ni Janrae, ay may kung anong nagtulak sa akin. Na bigla na lamang akong napayakap dito. And to his surprise sa ginawa ko, ay niyakap niya rin ako.


"I'm sorry, Jan. I'm sorry, kung nasaktan kita. Sorry kong pinahiya kita. Sorry kong---"


"Sshhhh.. Bakit ka nagso-sorry?" natatawang wika nito sa akin na bahagyang inilayo ang sarili at tiningnan ako sa mukha.


"Kasi.. Siguro.. Ano.."


"Kasi, siguro, ano, what?" natatawang ulit ni Janrae sa akin.


"I think.. I'm falling inlove with you.." nakayukong wika ko kay Janrae ng bigla na lamang akong magulat dahil sumigaw ito.


"Hoy! Ano ba! Tumahimik ka nga." pigil ko dito na bakas sa mukha nito ang kasayahan sa sinabi ko.


"Ano nga yung sinabi mo?" malawak ang ngiting ulit ni Janrae. Ako naman ay todo hiya to the max.


"Sige na, ano nga yung sinabi mo?" pangungulit pa nitong hawak ang aking kamay.


"I think, I'm falling inlove with you."


"Yes!!" malakas na sigaw ulit ni Janrae at mas lalong namula ang aking pisngi dahil sa amin na nakatingin ang lahat. "Yes!!" ulit ni Janrae na bigla akong niyakap.


"Ibig sabihin, sinasagot mo na ako?"


Nahihiyang napayuko nalang ako bilang sagot sa tanong niya. Pero sadyang makulit nga si Janrae at ayaw niyang yuyuko lang ako.


"Say it." ani nito.


"Ha? What do you mean?"


"Say it. That you love me." nakangiti pa ring wika nito na hindi na naalis ang kasayahan sa mukha nito.


"Ang arte mo ah! Mamaya babawiin ko pa yun sige ka," at napatawa na rin ako sa kanya.


"Sige na please, sabihin mo na. Gusto kong marinig galing mismo sa labi mo na mahal mo na ako."


Nakangiti akong napabuntong hininga. May kakulitan talaga itong si Janrae. Kaya tiningnan ko siya sa mukha.


"Oo, mahal kita. Siguro, bulag lang itong puso ko. O di kaya'y nag bubulag bulagan lang dahil hindi ko maamin sa sarili ko noon, na mahal pala kita. Mahal kita, Janrae Mendoza, maniwala ka. Promise." mahabang sagot ko sa kanya na napalundag pa ito sa narinig. Kasabay nun ay masayang nagsilapitan ang mga kaklase namin na may ngiti sa labi. Maliban kina Nalyn at Che-Che na tahimik lang na nakatingin sa amin.


"Teka, sandali lang. May itatanong ako." bulong ko sa kanya na muling hinila palayo sa kaklase naming nakisaya rin sa amin.


"Ano yun?" nakangiting tanong ni Janrae.


"Totoo ba ang nabasa ng mga kaibigan mong--"


"Ang sulat ko para sayo na First Love Never Dies?" agaw nitong nakangiti pa rin. Napayuko na lamang ako bilang tugon dito.


"Yes." napatingin ako sa mukha niya ng marinig ko yun.


"First Love Never Dies?" sambit ko sa aking sarili na niyakap si Janrae na may ngiti sa labi.



--=__Wakas__=--