Forbidden Love Chapter 1



Forbidden Love
By: CatchMe


Chapter 1


Sa isang kaharian ng mga engkantong, Tempore Regis Edzyr (Latin for in the time of King Edzyr), ay namumuhay ang mag-asawang Edzyr at Kristine. Kasama ang nag-iisang anak nitong si Edzyr jr. din na isinunod ang pangalan sa mahal na hari. Ngayon ay isa ng binata ang nag iisang prinsipe, na may taglay na tangkad, matipunong katawan, as in macho at nakakalaglag panty sa kagwapohan.


Habulin ng lahat ng mga engkanta. Mapa matanda man o dalaga. Ay humahanga sa kanya. Pati nga batang walang muwang, ay tiyak na nagkakamuwang kaagad. Pag ang kagwapohan ng binata ang kanilang masilayan. (etchus lang)


Sa pag apak na edad biente ng binata ay ipinagkakasundo na itong ipakasal sa prinsesa ng kahariang "Tirapu Royeume de'Ex" Ang kahariang Tirapu ng Haring si Ex De Calibre. Isang kasunduan, na magiging dahilan ng pagsanib-pwersa ng dalawang kaharian na siyang ikinagagalit ng binata dahil sa walang pag-ibig siyang nararamdam para sa prinsesang si Donnie ng "Tirapu Royeume de'Ex".


Kasunduang dapat niyang harapin at sundin. Ngunit kaya ba niya talagang magpakasal sa prinsesang ni munting pag ibig ay wala siyang nararamdaman sa dalaga? Kaya ba niyang ipagkaloob ang kanyang puso, pag katao at kaluluwa sa nag iisang prinsesa?


Mga katanungan hindi niya kayang sagutan. Para malinawan ang nagugulohang isipan ay nagliwaliw ang binata sa kalawakan ng kagubatan sa kanilang kaharian.


Hanggang sa mapadpad sa isang batis, at masilayan ang isang dyosa sa kagandahan na katawan. Isang maputing babaeng masayang nagtatampisaw sa malamig na tubig. Tanging maliliit na saplot lamang ang nakatakip sa pribadong parte ng katawan ng dalaga. Ang babaeng dahilan ng pagpabilis ng tibok ng kanyang puso.



"Ma, payagan niyo na po akong mamasyal." ungot ni Janey sa inang si Sapphire. Wala ang ama niyang si Jon dahil sa may mahalagang pinuntahan sa bayan.


Bakasyunista sila sa lugar na iyon. Kung saan ay makikita mo ang mabeberding punong kahoy sa harap ng rest house. Ang kagubatang kinatatakutan ng lahat dahil umano sa may mga engkantong naninirahan sa kagubatan na iyon. Kaya may kung anong pwersang humahatak sa dalaga para puntahan ang kinatatakutang kagubatan ng lahat ng namumuhay sa lugar na iyon.


"Tumigil ka Janey. Mas mabuti na 'yung dito kalang sa bahay. Baka mapanu kapa pag lumabas ka ng bahay." ang kanyang mama.


"Pero ma, bakit dito pa tayo nagbakasyon kung bawal naman palang mamasyal dito sa paligid? Sana iniwan niyo nalang ako sa Maynila." nagtatampong wika ng dalaga. "Tsaka, sa ganda at tahimik ng lugar na ito, nanainiwala ka ring may masamang hininga ang naninirahan dito sa paligid ma?" dagdag pa ng dalaga.


Biglang natahimik ang ginang. Tama nga ang kanyang anak. Bakit ba naniniwala sila sa mga sabi-sabi ng mga tao paligid? Kung tutuusin 'eh masarap naman ang tulog nilang mag anak pag gabi. Wala naman silang nararamdamang kakaiba buhat sa paligid. Tila nga isang paraiso itong lugar na napili nilang pagbakasyunan. Napangiting binalingan ng ginang ang kanyang dalaga.


"Oh siya. Pinapayagan na kitang mamasyal. Pero huwag kang masyadong lumayo anak ha?"


"Talaga ma? Yes!" masayang niyakap ng dalaga ang ina at hinalikan sa pisngi.


"Oo." natatawang sagot ng ginang. "Mag ingat ka lang anak. Mabuti na 'yung nag iingat ka. Tsaka bumalik ka kaagad okay?"


"Yes ma." sagot niyang masayang tinungo ang kwarto.


Kumuha ang dalaga ng dalawang pakete ng nova. Dalawang bote ng mineral water. Isang t-shirt at extra short. Isinama na rin niya ang dalang digi-cam. Wala lang. Trip lang niyang magdala ng backpack para sa kaniyang adventure sa araw na iyon. Kung saan man siya dadalhin ng kanyang mga paa, ay wala siyang ideya. Basta ang alam niya ay excited na siyang mamasyal sa mala-paraisong kagubatan.


"Bye ma, balik ako kaagad." paalam niya sa ina na masaya pang kumaway.


Pagkalabas ng bahay ay agad siyang humakbang palapit sa kagubatan. Napahinto muna siya ng marating ang barbwire na nagsisilbing harang sa kung sino mang magnanais na pumunta sa kagubatan.


Dahan dahan niyang hinawi ang barbwire para magkasya ang kanyang katawan. Yumuko na ang dalaga at dahan dahang ipinasok ang katawan.


"Ouch!" mahinang ungol ng dalaga ng masabit ang kanyang damit at nasugatan ang kanyang braso. Muli niyang inayos ang sarili at dahan dahan itinuloy ang ginagawa hanggang sa tuluyang nakapasok sa sa nakaharang na barbwire patungong kagubatan.


"Welcome, Janey.." nakangiting bulong ng dalaga sa sarili at inumpisahan ng humakbang papasok sa kagubatan. Manghang mangha siya sa ganda nito. Kinukunan niya ng litrato lahat ng bagay na maganda sa paningin niya.


Hanggang sa mapagod at naisipang magpahinga muna. Naupo siya sa nakausling malaking ugat ng puno at inilabas ang kanyang baon. Kumain siya ng dala niyang nova at uminom ng tubig. Inikot niya ang mata sa paligid at hangang hanga pa rin siya sa kanyang mga nakikita.


Ilang minuto pa ay napasandal ang dalaga sa puno. Ng biglang napakunot noo ng may marining na tila lagaslas ng tubig. "Ano kaya 'yun? Siguro may water falls dito." aniyang eksayted na tumayo at hinanap ang naririnig na lagaslas ng tubig.


Ilang minuto pa siyang naglakad, habang papalapit ng papalapit ang ingay na kanyang naririnig. Hanggang sapitin niya ang sapa. At sinundan niya ng tingin kung saan nanggaling ang tubig.


"Wow! Perfect!" nanlalaki ang mga matang bulalas niya at nakaramdam ng panlalagkit ng katawan. Mabilis siyang kumilos papalapit sa batis. Inilapag niya ang kanyang bakpack at agad na lumusong sa tubig.


"Wooah!!" masayang nagtampisaw ang dalaga at lumangoy papalapit sa mas malalaim pang bahagi ng tubig. Ngunit bigla naman siyang lumangoy pabalik dahil sa nahihirapan siya sa kanyang suot na maong pants.


Nagpalinga linga muna siya at sinigurong walang tao. Hinubad niya ang basang damit at itinira ang kanyang maliit na undies. "Wala naman sigurong naliligaw na tao dito." kausap niya sa sariling napangiti. Muli siyang tumakbo pabalik sa sapa. Lumosong siya at dahan dahang naglakad papunta sa malalim. Tsaka lumangoy ng hindi na niya maapakan ang buhangin ng batis.


Masaya siyang nagfloat, habang nakapikit. Feel na feel nya ang preskong hanging nagmumula sa paligid. Tila siya isang batang ngayon lang naranasan ang mag enjoy sa ganito kagandang lugar.


Napadilat ang dalaga at muling lumangoy. Pinagsawa niya ang sarili sa malamig na tubig. Panay ang kanyang pagkampay at muling natatawa na tila may kalarong iba. "Whoah!!" matinis ang boses na sigaw ng dalaga dahil sa sobrang pagka enjoy. Ng biglang magsiliparan ang mga ibong nagmumula sa mabeberding puno ng kahoy.


Nangamba siyang may mabangis na hayop sa paligid. Kaya't nakaramdam siya ng takot sa isiping nag iisa lamang siya sa istrangherong lugar na iyon. Sandali muna siyang nagmatyag habang nakalubog ang katawan sa malinaw ba tubig ng batis. Ng walang marinig na ingay sa paligid ay nawala ang kanyang agam-agam.


Lumangoy siya papalapit sa dalampasigan. At agad na tumayo na maapakan ang buhangin. Masaya pa siyang pakanta-kanta na humahakbang papalapit sa kanyang gamit. Inayos niya ang mahabang buhok na sumabog sa kanyang likod. Marahan niyang ibinukod iyon at aakma na sanang kunin ang kanyang backpack ng muling makaramdam ng malamig na hanging humampas sa kanyang kahubaran.


Napatingin siya sa paligid ng makitang nagsisiliparan nanaman ang mga ibon. Kasabay ang nahuhulog na mga dahon ng punong kahoy. Napatayo siya ng tuwid ng may nagsilabasang iba't ibang kulay ng paro-paro. Tila may mga isip itong nag pa-ikot ikot sa kanya. Na parang may itinuturo sa kanya na hindi niya mahulaan kung ano.


"Hello," nakangiting bati ni Janey sa mga paro-paro na akala mo ay may kausap na tao.


Ganun na lamang ang kanyang pagtataka ng mabilis na lumipad ang mga paro-paro palayo sa kanya. Kasabay nun ay ang malakas na ungol ng isang mabangis na hayop! Bigla siyang napalingon sa kanyang likuran at mulagat ang mata sa kanyang nakita. Isang malaki at pangit na halimaw ang aakmang dukwangin siya!


"Aahhhh!!!!" malakas ang boses na sigaw ng dalaga. Ng makaramdam ng matigas na brasong humawi sa kanyang hubad na katawang tanging maliit na saplot lamang ang kasuotan.



Seducing Mr. Look-a-like (Book 1) FINALE



Seducing Mr. Look-a-Like
By: CatchMe

Book 1 Finale

NATATAWANG pinagmamasdan ni Cher ang mukha ng kasintahan. Isang linggo na silang magkasintahang dalawa. At ngayon ay nasa isang sikat na restaurant nanaman sila kung saan sila unang nag date ng kasintahan. And now, they were celebrating the first week of thier relationship as a boyfriend-girlfriend. Pero ang mukha ng binata ay hindi maipinta dahil sa balita ng dalagang sasama ito sa Haite. Para makita ng personal ang hinahangaan nitong singer.


"Di ka pa rin ba kuntinto sa'kin hon? Bakit kailangan ka pang umalis? Eh, magka-mukha naman kami Enrique Iglesias ah." ulit nanaman ng binatang nagtatampo na sa kasintahang tatawa-tawa pa rin.


"Hon, pati ba naman si Enrique, pinaseselosan mo?"


"Syempre. Baka mamaya niyan, kalimutan mo na ako." tila batang nagmamaktol na sambit ni Trance sa kasintahan.


Ewan nga ba niya sa sarili niya. Dati rati hindi naman siya ganun. Ngunit ng magsimulang maging kasintahan niya ang kinaiinisang sekretarya ay parang bumagsak na yata ang pagkatao niya. Na tila ba, lunod na lunod ang kanyang pagkatao sa sobrang pagmamahal na nararamdaman sa kasintahan. Malayong malayo na siya sa dating Trance De Vera na matigas ang puso. Na walang pakundangan pag dating sa mga babae. Na wala siyang sina-santo kung may puso man siyang nasasaktan. Pero ngayon, puno na ng takot ang kanyang puso. Takot na baka anumang oras ay mawala ang kasintahan sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang kanyang nararamdaman. Siguro nga, totoo ang sinabi ng kakambal niyang si France kagabi na baka ito na ang kanyang karma sa maraming babaeng kanyang pina-iyak.

Hindi niya napigilang marahas na napabuntong hininga habang hawak ang kamay ng kasintahan.


"Hon, tandaan mo. Kahit anong mangyari, ikaw lang ang number one sa puso ko." sensirong saad ni Cher sa malungkot na mukha ng kasintahan. "Tsaka, number two lang si Papa Enrique.." dagdag pa niyang napatawa ng mahina.


"Lagi mo nalang idinadaan ang lahat sa pag-bibiro. Minsan, natanong ko na rin sa sarili ko kung seryoso ka ba sa relasyon natin? Kasi ako, seryoso na ako sa relasyon natin hon. Unbelievable sa isang lalaking tulad ko, pero yun ang totoo. Sa loob lamang ng maikling panahon, ay natuklasan ko nalang na mahal na pala kita. Mahal na mahal na kita hon, sa maniwala ka at sa hindi pero totoo ang sinasabi ko.."


Nakangiting matamang tinitigan ng dalaga ang kasintahan. Minsan, napasok na rin sa kanyang isipan ang ginawang pang-gagayuma dito. Kasi baka epekto ng kanyang panggagayuma ang pagmahal na ipinapakita nito sa kanya. Yung halos gagapang na ito sa kanya. Yung mga pinagsasabi niya noon ay nagkakatotoo na. Pero, kung bunga naman ito ng pang gagayuma niya sa kasintahan ay hindi na niya pinagsisihan. Dahil, sobrang mahal naman niya ito. At thankful na rin siya at minahal din siya ng kasintahan tulad ng pagmamahal niya dito.


"Drama king ka rin pala hon, ano?" birong saad niyang pinisil ang kamay ng kasintahan. "Syempre, ikaw lang ang one and only sa puso ko. Ikaw lang ang itinitibok nito at wala ng iba. Promise, cross my heart hon. Kahit mamatay man ang mga babaeng lihim na naiinggit sa'kin dahil kasintahan na kita." birong dagdag pa ng dalaga.


"Puro ka nalang biro, tara na nga. Umuwi na tayo." yaya na lamang ng binatang hawak pa rin ang kamay ng kasintahan.


"Kita mo ang isang 'to. Di na talaga mabiro 'uh." napasunod na wika ni Cher habang mahinang natatawa.



DUMAAN muna ang dalawa sa condo ng binata. Masayang magkahawak-kamay ang magkasintahang nakasakay sa elevator. Pag dating sa floor kung saan naroon ang unit ng binata ay agad na hinila ni Trance ang kasintahan papasok sa unit nito. Agad niyang niyakap ng mahigpit ang dalaga, at hinalikan sa labi.


Buong pusong tinanggap ni Cher, ang halik na pinalasap ng kasintahan. She was happy, what she have right now. At wala na siyang mahihiling pang iba. Ang mapasa-kanya ang lalaking itinatangi ng kanyang puso ay sapat na para maging kuntinto siya. She kissed him back, the way he kissed her. Nang pumasok sa kanyang isipan ang minsang nagpapagulo sa kanyang utak. About the woman he's been with last week at the bar where she saw them together. Bigla siyang tumigil sa pag-ganti ng halik sa kasintahan.


"Why?" nagtataka ang mukhang hinawakan ni Trance ang malambot na pisngi ng kasintahan.


"Can I ask something?"


"Yeah sure, what is it?" sagot ng binatang muling niyakap ang kasintahan. He kiss her first, before they seat on his sofa. "What's bothering you, hon?"


"Kasi, nagugulohan yung isip ko 'eh. Last week ko pa sana 'to itatanong sayo, kaya lang.. Wala pa akong lakas ng loob 'nun."


"About what?"


"Nakita kitang may kasamang babae noong isang linggo sa bar. Tapos nagmamadali kayong lumabas at pumasok sa kotse mo, then umalis na kaagad kayo sa bar.. Saan kayo pumunta? Ha?"


Biglang napatawa ang binata sa kasintahan na kinabig ito at ikulong sa matitigas niyang braso. "Are you jelous?" aniyang hinalikan sa noo ang nobya.


"Oo.." amin ni Cher na yumakap din sa kasintahan. "Who is she? At umalis pa kayo ng bar? Siguro--" hindi na naipagpatuloy ng dalaga ang sasabihin ng salubongin ng binata ang kanyang labi. He held her, and they shared a sweetest kissed .


Nang tumigil ang binata sa kakahalik sa kanya ay muli siya nitong hinawakan sa magkabilang pisngi. He looked at her with love. Emphasizing her love to him. The way she show him, and feel him, how much she love him.


"She's nothing hon. I mean, she's a good friend of mine that I meet a months ago.. And she's the one who teach me how to court you. And I'm thankful that night, that we cross our path again. Cause through to her, I realized that my feeling for you is not an anger. But a love, that I keep avoiding myself to feel it with you. Cause I though, you were just the same women whose flirting with me all along. But, that was just a though. Cause as what I feel right now, is a love that I felt for the first time.." seryosong wika ng binatang titig na titig sa mga mata ng dalaga. "You should meet her. I know, you two will be a good friend." dagdag pa nitong napangiti sa kasintahan.


Wala ng masabi ang dalaga sa lahat ng binitiwan ng kasintahan. Her heart is full of joy. And she really feel his love to her. And no one can compare her happiness that she feel right now. Being with the man she love is good enough to her to be contented with him. Hindi na namalayan ng dalaga na tumulo na pala ang kanyang luha. It was a tears of joy, ika nga. Ni walang katagang lumabas sa kanya labi. Na tila ba, pag sinubukan niyang magsalita ay may kung anong bumabara sa kanyang lalamunan. Kaya napaiyak nalang siya na mahigpit na niyakap ang kasintahan.


"You're crying.." mahinang tumawa ang binatang hinahagod ang likod ng kasintahan.


When she look at him again, ay ang dalaga na ang kusang humalik sa kasintahan. She expressed her love through the kiss that she given to him. And Trance accept it with whole heartedly. With full of love.. And passion.. They we're kissing for a couple of minute. Until Cher feel that she wanted more. Something more deeper, na siyang kusang gumalaw ang sariling mga kamay. She caressed her soft palm through his back. Hanggang sa nag eexplore na ang mga kamay ng dalaga sa matitigas na abs ng kasintahan habang ang mga labi ay hindi pa rin naghihiwalay.


She admits that she feels like she's burning, and she wanted more from him. Ngunit biglang siyang pigilan ng binata. She look at him, with confusion on her face. Asking him why they stop.


Tiningnan ng maigi ni Trance sa mukha ang kasintahan. Like her, he wanted more from her. Gustong gusto niyang angkinin ang kasintahan. Ngayon mismo, to fulfill what they wanted. Pero hindi. Hindi niya pwedeng gawin 'yun.


"Why?" napahiyang tanong ng dalaga ng nakayuko. Wiling pa naman siyang ibigay dito ang kanyang pagmamahal. But to her surprise, he stop her. And she dont know why. "A-ayaw mo ba sa'kin?" dagdag pa niya sa kasintahan ng itaas nito ang kanyang mukha. Deep inside, she feel dissapointed. Something like he dont like her. Kaya napahiya siya sa sarili niyang kapangahasahan.


"It's not what like you think hon. Gustong gusto kita. Indeed, I wanted to make love with you right now. But I cant.."


Gusto ng tumulo ng luha ng dalaga. Parang sampal na dumapo sa kanyang mukha ang sinabi ng kasintahan. But she try to control her self. Baka may malalim lang na dahilan ang kanyang kasintahan. Unlike what she think, na hindi siya nito gusto..


"You seems like you're crying.. Come on hon, as what I said, this is not what like you think." muling wika ng binatang hinaplos ang malambot niyang pisngi..


"Then, why we stopped?" lakas loob ng isinatinig ng dalaga ang laman ng kanyang utak.


"Because, I wanted to marry you in the near future. At gusto kong malinis ka, sa araw ng ating kasal.."


Biglang bumukal ang mga luhang nag uunahang tumulo sa mata ng dalaga. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kasintahan. Ang katagang kasal na siyang inaasam ng mga babaeng magmumula sa labi ng lalaking kanilang mahal ay siyang narinig niya buhat kay Trance. Pailing siyang hindi makapagsalita. Habang si Trance naman ay mahinang natatawa sa reaksyon ng dalaga.


"T-trance, I did'nt expect it.." yun lang ang katagang lumabas sa labi ng dalaga. Muli siyang yumakap dito habang umiiyak. Gumanti naman ang kasintahan sa kanya.


Sobrang sobra na talaga ang pagmamahal niya sa binata. Ang pinakita nitong katatagan, ay nagpapatunay lamang na mahal nga siya ng kasintahan. Na handa itong magtiis, hanggang dumating ang araw ng kanilang kasal.


Talagang wala na siyang mahiling pa. Sobrang-sobra na talaga ang ibinigay ng diyos sa kanya.


"Hon, I promise, ikaw na talaga. As in ikaw na talaga ang mamahalin ko ng bonggang bongga. You'll my life hon. And always remember, and bear in your mind, that no matter what happen, I always love you. At Ikaw lang ang itinitibok ng may saltik kung puso. And I'll always feel your heartbeat. The same beat as mine.." maluha-luhang wika ng dalaga ng tumawa naman ang binata sa kanyang sinabi.


And once again, they seal their lips with a kiss.



-=__WAKAS__=-



Seducing Mr. Look-a-Like
Book 2 "Heartbeat"
By: CatchMe


True love will find the way back to the one you truly love..

And true love, will feel the heart beat of the one you loved..

Even if you lost your memory, and forget someone that you really love..

But your heart will never forget the one whose your heart beat with..


Seducing Mr. Look-a-like Chapter 25



Seducing Mr. Look-a-Like
By: CatchMe

Chapter 25

KINA-UMAGAHAN ay maagang nagising ang dalaga. Masaya niyang tinungo ang kanyang tokador at kinuha ang picture frame ng ini-idolong singer na si Enrique Iglesias.


"Good Morning papa Trance, mwaahh!" bati niyang hinalikan pa ang labi ng sikat na singer bago tinungo ang sariling banyo.


"Cher, kailangan mong maagang umuwi mamaya. Kakausapin ka ng papa mo." agad na salubong ng kanyang mama ng umupo na siya sa hapag-kainan.


Tila walang narinig na pakanta-kanta pang nagsandok ng kanin ang dalaga. Excited na siyang makarating sa opisina at makita ang kanyang nakakalaglag pangang boyfriend. Bigla siyang kinilig ng maalalang boyfriend na niya ang kanyang pinapangarap na hot papa. Tila nakalutang sa alapaap na kumakain ang dalaga ng biglang batukan ng kanyang kapatid na si Reneboy. Nagkanda ubo-ubo pa siya ng masamid ng kanyang kinakain.


"Walang hiya ka! At papatayin mo akong bakla ka!" inis na baling niya dito ng makainom ng tubig at mahimasmasan.


"Naka drugs ba you sistah? Kanina pa you tokey tokey ni mamskie 'eh tila wala kang na heard. You look like, flying without wings huh?" maarteng anong ng kanyang kapatid na naupo aa kanyang harapan.


"Ayusin mo ang pagsasalita mo kung ayaw mong puputolin ko yang dila mo, bakla!" nanliit ang mga matang tinapunan niya ng masamang tingin ang kapatid.


"Weeh, I'm scared! Siguro, di lang you nakapag drugs. Kundi na-overdose kana!" banat pa rin ng kanyang kapatid.


"Tigilan mo ako ah! Hindi ako nagda-drugs, walang hiya ka!"


"Ows? Kung hindi you nagda-drugs.. I'm sure inlavavo ka sistah!" muling sambit ni Reneboy. "Ma! Inlavavo na ang panganay mong dalaging-ging." tawag pa nito sa kanilang ina.


"Walang hiya--"


"Pwede bang umayos kayong dalawa. Nasa harap kayo ng hapag-kainan at nagtatalo nanaman kayo?"


Kapwa sila natahimik ng kapatid na ipinagpatuloy ang pagkain. Ng tapunan niya ng masamang tingin ang kapatid ay pinandilatan siya nito na siya namang ikina-highblood ng dalaga. "Ma, uh. Nag uumpisa nanaman si Reneboy!" tila batang pagsususmbong ng dalagang tinawanan lamang ng kapatid.


"Looser.." patuloy na pang-iinis ni Reneboy dahilan ng pagtayo ng dalaga at tinungo na lamang ang kusina.


"Uh, Cher. Tapos ka ng kumain?" ang kanyang mama na sinundan siya sa kusina.


"Opo ma."


"Kailangan mong maagang umuwi mamaya, sabi ng papa mo."


"Sige po." matipid na sagot ng dalagang nag sisipelyo na ng ngipin.

Pagkatapos niyang mag ayos ay nagpaalam na rin siya sa ina. Tinapunan muna niya ng masamang tingin ang kanyang kapatid na nakipag make-face pa sa kanya bago niya tinalikuran ito.



"Good Morning, everyOne." masayang bati ni Cher sa lahat ng makapasok sa opisina. Nakangiting naupo siya sa kanyang cubicle ng lapitan ng nagtatakang kaibigan na si Michelle.


"Uy, ilang million ba ang na jackpot mo sa lotto sissy? Pa burger ka naman diyan."


"Sister, hulaan mo." masaya ang mukhang lingon niya sa kaibigan.


"Chozz! At ginawa pa akong si madam Auring?"


Napatawang hinampas niya ng mahina ang kaibigan. "Hindi ka makakapaniwala sa sasabihin ko sister!" kinikilig ng saad niya dito.


"Sissy naman 'eh. Ano ba 'yun? At para kang naka jackpot sa lotto?"


"Kami na ni papa Trance.." mahina niyang bulong dito.


"What?! Oh my god! As in OMG! kayo na? Paano nangyari?" hindi maka-paniwalang bulalas ni Michelle.


"Shhh! Ang boses mo."


"Oppss, sorry. Nabigla lang ako." biglang hina naman ni Michelle sa boses nitong mas lalo pang lumapit sa kaibigan. "Paano nangyari sissy?" kinikilig na ring tanong muli nito sa kanya.


Agad na ikinuwento niya dito ang buong nangyari kahapon. Hindi makapaniwalang tutop ni Michelle ang sariling baba sa kanyang ikinuwento. "Sabi ko na nga sissy 'eh. Oh, diba? Effective ang laws natin. At napagapang mo ng maaga si papa Trance!" kinikilig na wika nito sa kanya na bahagya pang hinampas-hampas ang kanyang braso.


"Ouch, sister!" natatawang reklamo ng dalaga. "Take note lang sister ha? Papa Trance ko lang. Hindi mo siya pwedeng tawaging papa Trance. Dahil papa ko lang siya. As in TAKEN ko na si papa ko Trance. At kahit kunin mo pa ang letrang T, ay AKEN pa rin si papa ko Trance."


Malakas na tumawa si Michelle sa kanyang sinabi. "Okay fine! Ikaw na nga ang may saltik. Kawawang Mr. De Vera, may nobyang may saltik!" at muling tumawa ang dalaga.


"Tse! Inggit ka lang sister. At isa pa," patuloy ni Cher sa pag kwento. "Pagmamay-ari ko na nga si papa Trance, ay mahahaplos ko pa ang matigas na Abs ni papa Enrique Iglesias!" kilig na muling sambit niya sa kaibigan.


"Teka nga lang sissy." nagugulohang awat ni Michelle. "What do you mean na mahahaplos mo na ang abs ni papa Enrique?"


"Yes, sister. Hindi lang abs ni papa Trance ang mahahaplos ko, kundi pati abs ni papa Enrique! How lucky I am, sister!"


"Alam mo sissy, hindi kita maintindihan." si Michelle na nagugulohan pa rin.


"Bakit? Magulo ba?" pabirong tanong ng dalaga.


"Ang OA mo sissy ha."


"Kaw naman, di kana mabiro. Ganito kasi 'yun. Hindi matutuloy ang concert ni Noel, this coming end of the months. Instead, pupunta kaming Haite. Dahil si kuya ang napiling representative ng Philippines na mag pe-perform for re-making ng We are the world ni Michael Jackson." paliwanag niya dito. "An you know what sister? Kasama si papa Enrique sa re-make na 'yun! Gosh, so excited much ever na ako to gorah in Haite!" excited na dagdag pa ng dalaga.


"Wow! As in, wow na wow sissy. Ikaw na talaga ang inu-ulan ng abs. Grabe, inggit much ever ako sayo 'ah."


Napatawa na lamang ang dalaga sa kaibigan sa natamo niya swerteng dumating sa kaniyang buhay. Kung dati ay hanggang sa screen lang ng tv niya nakikita at nahahaplos ang mukha ni Enrique Iglesias. Pero sa katapusan ng buwan, tiyak na hindi lang haplos ang gagawin niya sa sikat na singer. Kundi hahalikan pa niya ito. "Waaahhh! Adik na talaga ako!"


Biglang natahimik si Michelle ng makitang papasok na ang kanilang substitute president na si Trance sa glassed door ng kanilang opisina. Lihim niyang kinalabit ang kaibigan bago tumalikod at pasimpleng bumalik sa cubicle nito. Nakangiti namang naiwan si Cher ng hindi tinapunan ng tingin ang kakarating lang na binata.


Ilang minuto lang ang dumaan ng tuluyang makapasok ang binata sa private room ng presidente ay agad niyang kinuha ang telepono at nag dial sa mesa ng dalagang nasa labas ng opisina.


"Morning hon, pasok ka muna dito please." agad niyang sambit ng sagutin nito ang telepono. Maya-maya pa ay nakangiting ibinaba ng binata ang awtibido ng telepono at napasandal sa inu-upuan niyang chivel chair. Habang nakatingin sa pinto para sa pagpasok ng kanyang sekretarya. Na ngayon ay girlfriend na niya.


"Hi," bati ni Cher ng makapasok na sa private room ng presidente.

Agad namang tumayo ang binata at sinalubong ang dalaga. Niyakap niya ito at ginawaran ng magaang halik sa labi. "You're not answering my call, hon." tila nagtatampo ang boses na sambit ni Trance sa nobya.


"Ha? Tumawag ka ba? Hindi ko yata narinig. Naka silent kasi ang cell phone ko."


"Hmm, na miss kita.." pag iiba na lamang ng binatang muling niyakap ang nobya.


Nakangiting gumanti ng yakap si Cher sa kasintahan. "So, gagawin pa nating lover's nest itong opisina nina Kuya Enrique?" natatawang saad ng dalaga.


Biglang napakalas ang binatang tiningnan sa mata ang kasinahan. "Bakit? Ayaw mo bang yakapin kita?"


"Hayst! Bilis namang mgtampo itong baby ko.." wika ni Cher na hinawakan sa dalawang pisngi ang binata.


"Teka lang. Bakit baby? Mukha ba akong baby sa paningin mo?" reklamo ni Trance sa kasintahang bahagyang napatawa ng malakas.


"Oh siya, uulitin ko nalang.." tatawa-tawa pa ring sambit ng dalaga na tumukhim muna. "Bilis naman magtampo ng papa Trance ko," ulit ng dalagang binuntotan ng malakas na tawa.


"At ngayon, ginawa mo pa akong ama??"


"Ano ba ang gusto mong itawag ko sa'yo? Ayaw mo naman ng baby, ayaw mo rin ng papa. Ano gusto mo? Tsung itawag ko sayo?" natatawa pa ring wika ng dalaga ng bigla na lamang siyang hapitin ng kasintahan sa kanyang bewang. Palapit sa katawan nito habang kapwa silang nakatayo sa malawak na private room ng opisina.


"Gusto ko, honey na lang.." si Trance na tinitigan ang kanyang magandang mukha.


"Ayaw ko. Gusto ko papa Trance." ani naman ng dalaga.


"Honey ang gusto.." pilit muli ng binata.


"Sa papa Trance ang gusto ko 'eh.." pilit din ng dalaga..


"Cher.?" pagbabanta ni Trance na mas lalong inilapit ang mukha nito sa mukha ng kasintahan.


"Okay, okay.." natatawa ng saad ng dalaga. "Baby na kung baby..choss." at mas lalong napatawa ng malakas ang dalaga ng makitang sambukol ang mukha ng kasintahan..


Seducing Mr. Look-a-like Chapter 24



Seducing Mr. Look-a-Like
By: CatchMe

Chapter 24

NABIGLA ang dalaga ng kabigin siya ng binata at halikan sa kanyang labi. Tila siya hindi makagalaw na hindi niya maintindihan. Natatakot siyang tila nagugulohan. Nanaginip nanaman ba siya? Pero hindi eh. Dahil nararamdaman niya ang mainit na labi nito sa kanyang labi. Lalo na ng unti unting gumalaw ang kamay nito. Pahaplos sa expose niyang braso sa suot niyang sleeveless blouse. Habang ang labi nito, ay patuloy lamang sa paghalik sa kanya. Hanggang sa gumanti na rin siya ng halik dito at kapwa nila hindi alam kung ilang minuto sila sa paghahalikang naganap sa loob ng kotse ng dalaga.


"T-teka, sandali lang.." pilit na inilayo ni Cher ang sarili sa binatang nagtataka.


"I'm sorry.." mahinang sambit ni Trance na inayos ang pagkaka-upo.


Bigla silang nakaramdam ng pagkailang sa isa't isa. Wala rin sa kanila ang nakapagsalita ukol sa halikang naganap, kani-kanina lang. Kapwa nila pinakiramdaman ang kanilang mga sarili. Maya-maya pa ay narinig ng dalaga ng marahas na huminga ang binatang naka-upo sa driver's seat. Kaya napilitan na rin siyang lingunin ito at kumpirmahin ang kanyang narinig.


"Trance--"


"Cher--"


Panabay na sambit ng dalawa na kapwa rin natigilan. Hanggang sa napatawa ng marahan ang dalaga. Ganun din ang binatang muling humarap sa kanya.


"Cher.." mahinang sambit nitong titig na titig sa mukha ng dalaga. "I.. I think, I like you.." anitong hindi inalis ang pagkatitig sa dalaga. Bagkos ay hinawakan pa nito sa kamay.


"Oh lord! Hihimatayin na yata ako. Is it real? As in real na ba talaga ito lord?" kausap niya sa sariling nakatitig din sa binata. Ni hindi na nga niya namalayang naka awang na pala ang kanyang baba dahil sa hindi makapag salita.


"Cher, hindi ka ba magsasalita?"


"Are you sure? I mean, alam mo ba kung ano ang pinag-sasabi mo Trance?"


"Ofcourse. I know what I said, and I can feel it.."


"Sigurado ka?"


"Ofcourse!"


"Promise?" muling tanong ng dalaga.


"Promise.."


"Cross your Heart?"


"Cross my heart and hope to die." si Trance na napailing na sa dalaga.


"Final answer?" hirit pa rin ng dalagang hindi na mapigilan ang mapangiti sa binata.


"Cher!?"


"Okay. Okay, okay." natatawang wika ng dalaga. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Na walang halong biro 'yun?"


"Yes."


Hindi pa rin makapaniwala ang dalaga sa pinagsasabi ng kaharap. Dapat ba niyang paniwalaan ang binata? Talaga bang seryoso ito sa kanya? Na hindi lang siya pinagloloko dahil gusto niya ito? "Bahala na. Ang importante gumapang na si Papa ko Trance." wika na lamang ng dalaga sa sarili.


"Ibig sabihin 'nyan.. M-mahal mo na ako?" muling tanong ng dalagang pinipigilan ang sarili sa samo't saring emosyon na lumulukod sa kanya. She was happy to know na may gusto rin sa kanya ang binatang kinababaliwan niya. Na heto ngayon sa harapan niya at sinasabing gusto siya? "Waahh! Ma de-deadbol na yata ako sa sobrang saya lord! Hahaha."


"I dont know. But I think I am." nakangiting sagot ng binata ng bigla nalang magulat ng yakapin ng dalaga.


"Papa Trance! Papa Trance! Sabi ko na nga 'eh." masayang sambit ng dalaga. Hindi na talaga niya mapigilan ang sarili. Kaya napayakap na siya ng wala sa oras dito. Bahala na kung anong sabihin nito sa kanya. Basta masaya siya at hindi na niya kayang itago ang naramdaman sa binata. Ayaw na niyang magpakipot pa. Mahirap na At baka magbago ang isip nito. Kaya ito 'sya. Mahigpit niyang niyakap ang binatang kanyang kinababaliwan. Ang buhay na imahe ng iniidolo niyang sikat na singer.


Malawak ang ngiting gumanti ng yakap ang binata dito. Hindi niya maipaliwanag ang naramramdamng lumukod sa kanyang pgkatao. Something like, may humaplos sa kanyang puso. Kahit nawe-wierdohan sa inakto ng dalaga, ay okay lang sa kanya. Ang importante, ay nasasayahan siya sa dalaga.


"Okay ka lang ba?" natatawang sambit ni Trance habang hinahagod ang likod ng dalagang nakayakap sa kanya.


"Sinasabi ko na ngang may gusto ka sa'kin 'eh. Pinapahirapan mo talaga ako." dagdag pa ng dalaga. Natatawa na lamang si Trance sa sinabi nito.



MAGKAHAWAK-KAMAY na pumasok sina Trance at Cher sa isang mamahaling restuarant. Pagkatapos nilang magdrama kanina ay inanyayahan ng binata ang dalagang mag-dinner muna sila. Syempre, excited namang sumang-ayon si Cher. At ayun pa sa kanya ay dapat lang na i-celebrate nila ang kanilang first date bilang pagiging instant-boyfriend-girlfriend. Masaya ang mukhang binati pa ng dalaga ang waiter na kanilang nakasalubong. Habang hindi bini-bitiwan ang kamay ng kanyang supah hot papa. Na halos mahigit dalawang linggo niyang pina-pangarap. At ngayon, ay instant boyfriend na niya. Bahala na ang ayaw at hindi maniwala na pag mamay-ari na niya ang binata. Basta, pag mamay-ari na niya ito. At makikipag-patayan pa siya sa lahat ng may gusto sa binata para huwag lang maagaw sa kanya ang kanyang mahal.


"Come on," baling ni Trance na pinaghila ng upuan ang dalaga.


Masaya naman siyang umupo na halos hindi na naalis ang matamis na ngiting kanina pa naka paskil sa kanyang masayang mukha. "Thank you,"


Agad na nag order ang binata ng kanilang dinner. Habang ang dalaga nama'y masayang nakatingin lamang sa binatang kinakausap ang waiter na lumapit sa kanilang table. Hindi pa rin siya makakapaniwalang ang lalaking kinababaliwan niya at galit sa kanya ay boyfriend na niya ngayon. Hindi kapani-paniwala, pero yun ang totoo. Kaya't talagang hindi maipapaliwanag ang kasayahang kanyang nararamdaman ngayon. Hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na ito. Na naging kanya ang lalaking itinatangi ng kanyang puso. Muli siyang napangiti ng humarap sa kanya at ngumiti ang binata.


"Hindi kaba napapagod?"


"Bakit?" nagtatakang sagot ng dalaga. Ngunit nakangiti pa rin sa binata.


"Kanina kapa nakangiti. Hindi ba nangangalay ang panga mo?" natatawang sambit ni Trance na siyang ikinatawa ng dalaga.


"Hindi. Hinding hindi ako magsasawa kapag ikaw ang kaharap ko." nakangiting sagot ng dalaga. "Pasinsya kana ha? Patay na patay talaga ako sayo." kagat ang labing pag aamin ng dalaga.


Mahinang tumawa si Trance sa sinabi ng dalaga. "I know.. And thanks for that." pakindat na sagot ng binatang ikina-pula ng pisngi ng dalaga.


"Waahhh! Kinikilig ako! Ako na talaga. Ako na talaga ang inlove! Yahoo! Shoot the ball.!" sigaw ng utak ng dalagang nag iinit ang mukha.


"Your blushing.." puna ni Trance ng nakangiti.


"Waahhh! Halata bang nagba-blush ako? Shakz! Di ko na talaga keri-balde ang feelings ko. Umaapaw na talaga!" napatikhim na inayos ng dalaga ang sarili. Ngunit hindi pa rin mapalis ang ngiting nasa kanyang mukha. "Natural lang sigurong magba-blush ako. Kasi nga, inlove ako sayo." deretsang sagot ni Cher. Ewan nga niya kung bakit ang lakas ng loob niyang aminin ang feelings niya sa binata. Ni wala man lang siyang itinira kahit kunting pakipot dito.


"Alam mo bang, ikaw pa lang ang kauna-unahang babaeng na incounter ko sa pag amin ng nararandaman ng harap-harapan?"


Biglang natahimik ang dalaga at tila nakaramdam ng pagkapahiya.


"And I won't regret that i know you. Cause you teach me how to appreciate someone like you Cher. Not only to appreciate you, but to like you,, and I think, to love you too.." patuloy pa ng binatang hinawakan ang nakapatong sa mesa na kamay ng dalaga.


"Waahh!! Wala na akong masabi lord. Kunin niyo na po ako. Dahil Sobra-sobra na ang kaligayahang nararamdaman ko lord.." ani ng dalaga sa sariling nakatitig din sa binata. Talagang sobra-sobra na ang kaligayahang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. At wala na siyang mahihiling pa. Ang magiging kanya ang lalaking tinitibok ng puso niya ay sobra-sobra ng kasayahan para sa kanya.


"T-Trance.." mahinang sambit ni Cher. Parang wala na yatang katagang lalabas sa kanyang lalamunan dahil sa sobrang kasayahan. "Siguro, baliw man ang paningin mo sa'kin. O isang despiradang naghahangad ng isang tulad mo. Pero inaamin kong, talagang nababaliw ako sayo." wika niyang sumeryoso ang mukha. "Kahit ilang beses man akong naging tanga sa paningin mo, o naging katawa-tawa man ako para sayo.. Nagawa ko lang 'yun dahil gusto kita." pagpapatuloy ng dalaga habang nakikinig lamang ang binatang na-aamuse sa kanya. "The first time I lay my eyes on you, sinabi ko sa sarili kong.. Ikaw na nga. Ikaw na nga ang katuparan ng aking pinapangarap na mamahalin, Trance. At hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit ganun nalang ako kabaliw sayo. Pero isa lang ang gusto kong malaman mo.. Na Minahal kita, simula ng araw na nagkabanggaan tayo."


Mas lalong humanga ang binata sa kaharap ng walang kahiya-hiyang inamin nito sa kanya ang tunay na nararamdam. At sa isang iglap lang ay mabilis siyang tumayo at lumipat sa upuan ng dalaga. Agad niya itong niyakap ng mahigpit habang umaapaw ang kasayahan sa kanyang puso.


Seducing Mr. Look-a-like Chapter 23



Seducing Mr. Look-a-Like
By: CatchMe

Chapter 23

"Where's the key?" lingon ng binata kay Cher ng marating nila ang kotse ng dalaga.


Nagugulohan namang hindi makapaniwala ang dalaga sa inaakto ng binata sa kanya. "Ano ba talaga ang nangyari dito?"


"Hey! Sabi ko nasaan na ang susi?" ulit ni Trance.


"Teka nga lang." sambit ng dalagang kinapa ang leeg at noo ng binata. "Wala namang lagnat 'to ah? Bakit bumaliktad na yata ang mundo? Baka... Oh my God!" napatutop sa sariling labing sambit ng dalaga na siyang ipinagtaka ng binata.


"Bakit?" ani nito sa inakto niya.


"Waaahh!!! Umepekto na ba ang aking panggagayuma kay papa Trance?" tanong nagdalaga sa sarili.


"Cher, kung tutunganga ka lang 'dyan, ibigay mo nalang sa akin ang susi okay?"


"Ha? Ahm, may kotse ka naman diba?"


"Oo. Pero ngayon, wala. Dahil kotse mo ang ginamit ko papunta dito." sagot ng binata.


Hindi na napigilang mapangiti ng dalagang kinuha ang susi ng kanyang kotse at inabot sa binata. Naamoy na niya. Naaamoy na talaga niya ang tagumpay na mapapa-ibig ang kanyang kinababaliwang papa. And this is it. Talagang this is it!


Agad siyang pinag-buksan nito ng pintuan ng kotse. Nakangiti namang pumasok ang dalaga at umupo. "Nyahaha! Nahulog na sa patibong ko si papa ko Trance! Ang twit twit niya. Pinagbuksan pa ako ng pintuan? At ipag-da-drive pa ako? Uhaa!!" lihim na kinikilig ang dalagang inayos ang sarili. Bigla niyang naisip ang laws nilang magkakaibigan. At para malaman kung nahuhulog na talaga sa kanya si papa Trance ay kailangan niyang maging seryoso at huwag itong kausapin. "Hmp! Pasubok nga ulit ang aking pagiging dramatist of the year. Laws # 1. huwag pansinin si papa Trance. Kaya Cher, easy ka lang. Pigilan mo muna ang kinikilig mong puso!" paalala niya sa sariling pina-seryoso ang mukha. But deep inside ay naiihi na yata siya nararamdamang kilig para sa binata.


Binuksan na ni Trance ang pintuan sa driver side. Kung saan naupo na rin ito. Tumingin muna ito sa kanya, ngunit mabilis niyang ibinaling ang mukha sa labas ng bintana. Hanggang sa buhayin na nito ang makina ng kotse at tuluyan na silang naka-alis sa malaking building ng kompanya ni Enrique De Silva.


Panaka-nakang lihim na napapangiti ang binata sa kanyang katabi. Pinakiramdaman niya ito mula pa kaninang makaalis sila ng kompanya. "Himala, at biglang bumait ang babaeng 'to." lihim niyang tinapunan ng sulyap ang dalagang nakatingin pa rin sa labas ng bintana.


"Baka ma stiff neck kana 'nyan."


Narinig ng dalagang wika ng katabi. Ngunit nagmamatigas pa ring sa labas nakatingin ang dalaga. Pigil pigil pa rin ang ngiti sa kanyang labi. Hindi niya kayang humarap sa binata at baka bigla na lamang niya itong yakapin. Masisira pa ang diskarte niya. Napailing na lamang ang dalagang pinanatili ang paningin sa labas ng bintana.


"Cher.." agaw ni Trance sa malalim na pag iisip ng katabing dalaga. Naninibago na talaga siya dito. Bakit biglang bumait ang sekretarya niyang may saltik? Bakit hindi na siya nito pinapansin tulad ng dati na halos yakapin na siya nito noon? Bakit hindi na siya nito iniimik? "Galit kaya siya sa'kin?" nag alalang tanong ng binata sa isipang muling tinapunan ng tingin ang dalagang bahagyang nakatalikod sa kanya.


"Galit kaba sa'kin Cher?"


"Hindi." Matipid na sagot ni Cher ng hindi pa rin lumingon sa binata.


Muling katahimikan ang namamagitan sa dalawa. Hanggang sa hindi nanaman mapakali ang binata at muling tinawag ang pangalan ng dalaga.


"Sorry nga pala kanina.."


"Hala. May kunsinsya din pala itong hot papa ko? Oh lalah. Huwag ka ng magsalita pa, baka di ko na 'to kiribols at bigla kitang mayakap at mapaligu-an ng halik papa. Nyahahaha!" kinikig na sambit ni Cher sa sarili. Nangangati na ang labi niya sa kakapigil na mapangiti at baka mahuli pa siya ng binatang nag iinarte lamang siya sa kanyang kaseryosohan. "Drama pa Cher. Drama pa. Pagapangin mo muna si Papa Trance sa mala-darna mong katawan!" muling sambit niya sa sarili ng marinig ang muling pagsalita ng binata.


"Cher, kung galit ka sabihin mo sa'kin. Huwag 'yung nanahimik ka 'dyan na parang walang kasama. You can slap me if you wan't." baling ni Trance sa dalaga. Ngunit wala pa rin siyang naririnig na sagot buhat dito.


"Cher, please talk to me. Huwag ka namang--"


"Trance, please." agaw ng dalaga. "Please huwag kang magsalita at baka mahalikan kita ng wala sa oras. Choss!" dugtong pa niya sa sariling pinipigilang mapangiti.


"K-kalimutan mo na yung kanina. Dapat pa nga akong magpasamat sa ginawa mong pag save sa'kin mula kay Robert. Iniiwasan ko nga yun, pero sadyang makulit lang talaga." seryoso ang mukhang sambit ng dalaga. Pero sa kaloob-looban niya ay lihim na nagdidiriwang ang kanyang pusong may saltik na rin yata dahil sa binata.


Napangiti ang binata sa narinig buhat sa labi ng dalagang katabi. "Sabi ko na nga 'eh. Malaki pa ang chance ko." mas lalo pang gumuhit ang nakakabaliw na ngiti ng binata sa kanyang labi.


"Anong nakakatawa sa sinabi ko?" puna ng dalaga na tila luluwag na yata ang garter ng suot niyang panty sa paraan ng pag ngiti ng kinababaliwan niyang supah hot papa.


"Nothing." biglang bawi naman ng binata. "Sorry din pala sa sinabi ko sa'yo kahapon. But, about what happened lastime at my office, hindi ko inihingi ng sorry 'yun.


Nagtatakang napaharap ang dalaga sa katabi at biglang nakadama ng pagkabog ng dibdib.


"W-what do you mean?" ani niyang sinalubong ng binata ang kanyang mga titig.


Napahinto sa pagmamaneho ang binata sa tabi ng kalsada. Napabuntong hininga muna siya bago nilingon ang dalagang bakas sa mukha ang pagtataka o nagugulohan.


"Cher, about that kiss.." panimula niyang nakatitig sa magandang mukha ng dalaga. I intend to kiss you Cher. And I'm sorry if I lied to you yesterday. Maniwala ka at sa hindi.." napabuntong hiningang napatigil ang binata. "..hinalikan kita dahil yun ang gusto ko. Dahil yun ang dikta ng utak.. And I'm sorry if sinabi kong wala lang yun. Pero ang totoo, sinadya ko talagang halikan ka."


Hindi makapaniwalang tila na estatwa ang dalaga sa narinig. Ang puso niyang sinlakas ng tambol ang kabog ay tila gusto na yatang tumalon. Tumalon papunta sa binatang itinatangi ng kanyang puso. Ang binatang kanyang pinapangarap. Ang binatang kanyang ginayuma. "Teka! Teka! Teka nga lang!" ulit ng dalaga sa sarili. Bahagya pa niyang kinatok ang kanyang ulo. Sinampal sampal pa niya ang kanyang mukha at baka nanaginip nanaman siya. "Bakit nakaramdam ako ng sakit? Talaga bang hindi ako nanaginip?" muling tanong ng dalaga sa sarili. "Hindi! Nanaginip lang ako.
Nanaginip lang ako! Teka nga." at kinurot ng dalaga ang sariling braso ng biglang mapasigaw.


"What are you doing?" pigil ni Trance sa dalaga. "Sinasapian ka nanaman ba?" ani niya ng katokin nito ang sariling ulo at tinampal-tampal pa ang pisngi. At hindi pa nakuntento at kinurot pa ang sariling braso dahilan ng pagsigaw nito. "Okay ka lang ba? Ano bang pumasok sa ulo mo at kinukurot mo yang braso mo tsaka sisigaw?" dagdag pa niya.


"Damn! Hindi nga ako nanaginip!" nakapikit na wika ng dalaga. Muli siyang nagmulat ng mata ng hawakan ng binata ang kanyang braso.


"Cher, okay kalang ba?" ulit nito.


"Ano nga 'yung sinabi mo? Nanaginip yata ako 'ah." mabilis na sagot ng dalaga.


Muling napabuntong hininga ang binatang napa-iling. Maya-maya ay gumuhit ang ngiting kinababaliwan ng dalaga sa labi nito.


"Your not dreaming Cher. What you heard a while ago, is true." sagot ng binatang nakangiti pa rin.


"Weehh? Di nga?"


"Cher--"


"Opss! Stop kidding me okay? Hindi porke't alam mong gusto kita 'eh, sasakyan mo na ang kabaliwan ko sayo. Aba! Huwag kang ganyan ah. Baka mamaya niyan maniwala ako, tapos tatawa ka ng malakas. Tapos sasabihin mong uto-uto ako dahil nga gusto kita. Kaya mo sinasakyan ang kabaliwan ko sa nakakatulo laway mong abs! Tapos yun pala ay wala lang pala sa'yo. Your just having fun with me lang pala. Kasi nga naba---"


"Cher, will you please stop over reacting?" si Trance na tila mababaliw na ata sa mga sinasabi ng dalaga.


"Hindi mo naman maalis sa'kin yun ah! Yesterday lang pinagtatawanan mo ako? Tapos ngayon, sasabihin mong---"


Hindi na natapos ng dalaga ang sasabihin ng bigla na lamang siyang hinila ng binata at hinalikan sa labi.


Seducing Mr. Look-a-like Chapter 22



Seducing Mr. Look-a-Like
By: CatchMe

Chapter 22


GANUN na lamang ang pananamlay ng binata ng hindi makita ang anino ng dalaga sa harap ng elevator. Mabigat ang mga hakbang na tinungo na lamang niya ang elevator at naghintay. Maya-maya pa ay bumukas na ito. Agad siyang pumasok na hungkag ang pakiramdam.


Kakalabas lang ni Cher ng elevator. Mag isa nanaman siyang bumaba dahil nag paiwan pa muna sina Michelle at Karen. Marahan siyang humahakbang ng manlaki ang kanyang mga mata ng makita ang kanyang manliligaw na si Robert sa lobby ng kompanya.


"Nyay! Anong ginagawa ng isang 'yan dito?" ani niyang mabilis na bumalik sa kanyang pinanggalingan. "Minamalas nanaman ako 'uh. Hanggang dito ba naman ay naamoy pa ako ng lalaking 'yan?" inis na kausap niya sarili. Nagkubli muna siya malapit sa elevator at nag isip kung paano makaiwas sa binatang manliligaw.


"Bahala na." ani niyang humakbang paiwas sa binata. Bahagya pa niyang iniyuko ang ulo at medyo itinaas ang hawak na bag at nag kukunyaring may tinitingnan sa bag nito. Inilagay pa niya ang mahabang buhok sa harapan para hindi nito mapuna ang kanyang mukha. Palapit ng palapit na siya sa binatang manliligaw ng bigla mapahinto ng marinig ang pamilyar na boses sa kanyang likuran. "Shooting star!" Pahamak talaga itong si papa Trance 'uh." inis niyang itinaas ang kanyang mukha.


"Cher!"


"Nyay!" nakangiwing napaharap siya sa binatang manliligaw ng mabilis itong lumapit sa kanya. Habang sa likod naman niya ay papalapit naman ang kanyang papa Trance na magkasalubong ang magandang korte ng kilay nito na tinawag din ang pangalan niya.


"Sino nanaman ang asungot na 'to?" mainit ang dugong wika ni Trance sa sarili habang humakbang palapit sa dalagang may kaharap na binata. Syempre, hindi naman siya magpapatalo sa asungot. Sa nakikita niyang ekpresyon ng mukha ng dalaga ay parang umiiwas ito sa binatang asungot! Aba! Pagkakataon na yata niya para iligtas ang kanyang sekretaryang may saltik sa isang asungot.


"Cher--"


"Cher--"


Panabay pang sambit ng dalawa.


"Robert.. Naligaw ka yata?" napilitang kinausap na lamang ng dalaga ang kanyang manliligaw. Lihim pa siyang napangiwi ng maramdamang may tumabi sa kanya. Ng itaas niya ang paningin ay nagtataka ang mga matang tiningnan niya ang kanyang papa Trance. Tila nagtatanong ang kanyang mga mata kung anong ibig sabihin nito sa pag tabi sa kanya.


"Ahm, Tumawag ako kanina sayo. May sira yata ang linya mo kaya di mo narinig ang sinabi ko. So pinuntahan nalang kita dito to invite you for a--"


"Excuse me?" biglang putol ni Trance sa binata. "She's not going with you. Cause we already set our date for tonight. Right honey?" matamis ang ngiting inakbayan ng binata ang natulalang dalaga.


"My god! Ano bang pinagsasabi ni papa Trance? May saltik na yata ito? Oh my holy gulay! Thank you lord. For showering me this kind of blessings." lihim niyang panalangin na hindi pa rin natanggal ang pagkasalubong ng kanyang kilay na nakaharap sa kanyang papa Trance.


"What do you mean?" takang tanong ni Robert na palipat-lipat ang tingin sa kaharap na binata at nili-ligawang dalaga na si Cher. "Are you a-- couple?" dagdag pa nito ng akbayan ng binata si Cher na hindi naman pumalag.


"Yes. You've got it pare. At kung ako ikaw, maghanap ka nalang ng liligawan mo dahil pag aari ko na ang liligawan mo sana." mababa ang tunong sagot ng binata na ina-akbayan pa rin ang dalaga.


"Is it true Cher?" si Robert na naghihintay ng kumpirmasyon mula sa dalagang hindi nakapagsalita.


"Ha? Ah.. O-oo. Oo, Robert. Tama ang narinig mo. Kasintahan ko nga si-- siya." nag aalinlangang sagot naman ng dalagang ipinulupot pa ang mga braso sa beywang ng binata. "Yay! As in, feel na feel ko talaga? Hahahaha!! Ay so lab it papa Trance. Sana real nalang na tayo na. Ayieehhh!"


"You heared her right?" muling sambit ni Trance na pinulupot rin ang matigas na kanang braso sa maliit na bewang ng dalaga. Naramdaman pa niya ng biglang napapitlag ang dalaga ng lihim niyang dinama ang maliit na bewang nito. Pinukol siya nito ng nagbabantang tingin, pero ginantihan na lamang niya ito ng matamis na ngiti at ibinalik ang paningin sa binatang kaharap nila.


"I though---"


"Your thought is wrong!" agaw ni Trance sa sasabihin pa sana ng binata. "Alam kong inakala mo rin na walang boyfriend ang honey ko." ani pa niyang pinagdidiinan ang salitang honey. "Pasinsya kana pare ha? Minsan kasi napa ka naughty nitong honey ko. She keep telling other people that she don't have a boyfriend. But the truth is, she already had. And that's no other than, yours truly."


Biglang nakaramdam ng inis ang dalaga sa pinagsasabi ng binatang nakapulupot ang braso sa kanya. "At pinapalabas pang hindi ako kuntinto sa kanya?! I mean, wala akong ka kuntintohan sa lalaki? Parang pinapalabas pang uhaw ako sa lalaki? At gumawa pa ng sariling kwento?" sambit ng dalaga sa sariling kinurot ang likod ng binata.


"Ouch! What?" napaigtad na wika ni Trance. Instead na sagutin siya ng dalaga ay tinaasan lamang siya nito ng kilay.


"Oh I'm sorry. I did'nt know. By the way, I'll go ahead. And sorry for disturbing both of you." si Robert ng makabawi sa pagkabigla.


"Yeah sure! No worries pare." nakangising sagot ni Trance.


"Cher, I'll go ahead." baling nito sa dalaga.


"S-sige Robert. Ingat ka.." pilit ang ngiting sambit ng dalaga ng akma ng talikuran sila ng kanyang manliligaw.


"Goodluck pare." pahabol namang saad ni Trance na ikina-baling ng binatang si Robert sa kanila.


Nagtatanong ang mga matang naghihintay ng sagot sa sinabi ng binatang kasintahan ng kanyang nililigawan. Samantalang pinanlakihan ng mata ng dalaga ang katabing pinapangarap na binata na naka ngisi pa rin ang mukha.


"Ang ibig niyang sabihin, ay ingat ka rin Robert." siya na ang kusang nag-paliwanag sa manliligaw.


"Hindi naman 'yan ang ibig kong sabi-- ouch!" biglang sambit ulit ni Trance ng muling kinurot ng dalaga ang kanyang likod.


Napatango na lamang ng wala sa oras ang binata at sinang-ayunan ang sinabi ng dalaga. Bigla siyang napangiti ng makaisip ng ganti sa pangungurot ng dalaga sa kanya. Bigla niyang hinapit padikit sa kanyang katawan ang katawan ng dalagang sekretarya. Dahilan para mag galawan ang bagang ng binatang manliligaw nito. Napatalikod na lamang sa kanila ng wala sa oras ang binata na tuloy tuloy na humakbang palabas ng building.


"Bitawan mo nga ako!" tulak ni Cher sa nabiglang binata. "Kung makapulupot 'yang kamay mo, 'eh daig mo pa ang sawa! Hindi ka na nahiyang maraming tao dito sa lobby ng kompanya?" nakataas ang kilay na wika ni Cher. Habang ang binata naman nakangising tila nanalo sa Jueteng.


"Ganyan ka ba mag pa thank you sa akin, honey?"


"Wahh!? honey?!" nanlaki ang matang ulit ng dalaga. "Hoy, Mr. De Vera--"


"Hep! Hep!" pigil ng binatang hinawakan siya sa kamay. "Wil you please, zip your mouth kahit ngayon lang? Tsaka, may utang ka pa sa akin. Kaya kailangan mo akong--"


"Excuse me!" agaw naman ng dalagang binawi ang mga kamay buhat sa pagkakahawak ng binata. "Huwag kang mag alala at babayaran ko ang pag pagawa mo sa kotse ko. Kaya ibigay mo na sa akin ang resibo para alam ko kung magkano ang utang ko sayo. Mahirap ng maipakulong mo pa ako."


Hindi muna nagsalita ang binatang tinitigan ang dalaga. Maya-maya pa ay basta na lamang niya itong hinawakan sa kamay. Hinila niya ito palabas ng building ng kanilang kompanya patungo sa kotse ng dalaga.


Seducing Mr. Look-a-like Chapter 21



Seducing Mr. Look-a-Like
By: CatchMe

Chapter 21


INIS na inilapat na lamang niya ang pinto at bumalik sa kanyang upuan. Padarag siyang naupo habang kinakamot ng kanyang kamay ang kanyang noo. Maya-maya ay napatayo nanaman siyang lumapit sa pinto. Hindi pa man niya nabuksan ay agad naman siyang bumalik sa kanyang mesa at muling naupo. Napabuga siya ng hangin, na nakatingala sa kisame. Muli ay napatayo nanaman siya at aakmang lalabas. Ngunit muli nanamang bumalik sa kanyang mesa at naupo. Nangangati na yata ang pwet niya sa kanyang kina-uupuan sa tagal ng dalagang pumasok sa private room.


"Damn!" paanas niyang wika na dinampot ang telepono. Mas mabuti pa sigurong tawagan na lamang ang dalaga sa pamamagitan ng telepono. Para naman maalala siya nito at pasokin sa private room. Pero, teka nga lang. Ano bang ikinaiinis niya? At para siyang inagawan ng kendi kung makaasta? O baka.. Takot siyang maagawan ng kendi? Bakit? Sino ba ang kendi na 'yun at parang sinaklot ang supladong puso niya? "Ah! Ewan." agad niyang idinayal ang teleponong nasa mesa ng sekretaryang may saltik. Hindi pa man ito nag ring ay agad naman niyang pinindot ang end button habang hawak pa rin ang awtibido.


Napatingin siya sa pintuan ng bumukas iyon. Lihim siyang nabuhayan ng dugo ng makita ang babaeng may magandang mukha na pumasok ng kanyang opisina. Agad siyang napangiting inilapag ang hawak na awtibido ng telepono. Teka lang. Bakit tila slow motion ang paglalakad ng dalaga palapit sa kanya? Hindi na yata niya nagawang huminga habang nakatingin sa magandang dyosa na pumasok sa kanyang opisina. Napadaku pa ang kanyang paningin sa mahabang buhok nitong malayang inilipad ng hangin. Tingin niya tuloy ay isa itong modelo na naglalakad sa isang catwalk ng fashion show.


"Sir?" ulit ni Cher sa binatang amo na dinaanan na yata ng anghel kaya't hindi na nakakurap. Tila naman ito nahimasmasan na tumingin sa kanya. "Sabi ko ito na po ang coffee niyo." ani niyang itinuro ang taza ng kape na kanyang inilapag sa harapan nito.


"Ha? Ah, okay. Thank you." napakibit balikat na lamang ang dalagang hindi na nagsalita. Pumuhit na lamang siya para lumabas ng opisina.


"Teka, sandali." si Trance na napatayo pang pinigilan ang dalaga.


"Yes sir? May kailangan pa kayo?" kunot ang no-ong baling ni Cher.


"Ahm..never mind. You can go."


"Okay." tipid na sagot ng dalagang pinagpatuloy ang paglakad palabas ng opisina.


Sinundan na lamang ng tingin ng binata ang sekretarya. Na-aalarma na yata siya. Ano bang nagyayari sa kanya? Bakit parang wierd na ang kanyang inaasta? Is there something wrong? "I don't know. I feel strange.." mahinang bulong ng binata.


He remember what happen last night. Ng lumabas sila ng magandang dalagang si Noor, ay pumunta sila baywalk. Sa may tabing dagat. Masaya silang nag uusap. Hindi niya rin maintindihan kung bakit biglang gumaan ang pakiramdam niya while with her. Para siyang nakakita ng kakampi. As a good friend. Or should he say..A little sister. Kaya malaya siyang nag open-up sa dalaga. Kung bakit nalang ganun ang pakiramdam niya sa kanyang sekretarya. In just two weeks ay iba na yata ang idinulot nito sa kanya. Para siyang baliw na hindi naman. "May saltik na rin kaya ako?" ani niya sa sariling napailing.


Naalala niya rin ang reaksyon ng dalagang si Noor. Ng marinig nito ang kanyang sinabi. Bigla itong natigilan na hindi humarap sa kanya. Bagkos ay tahimik lamang at nakatanaw sa madilim na parte ng karagatan.


"Noor, do you hear me?" pukaw niya dito.


Dahan dahan itong napabaling sa kanya ang mukha at pilit na ngumiti. "Oo naman."


He heard the pain on her voice. Ang masayang boses nito kanina ay biglang nawala. Na para bang may nakabara sa lalamunan nito. And he knew na nasasaktan ang dalaga. Dahil alam naman niyang may gusto sa kanya ang dalaga.


"Okay kalang?" mahinang tanong niya dito.


"Yeah.."


"I'm sorry Noor. I know na.. You like me. But, I think I love her? I don't know.. I was confuse." napahinga ng malalim na ibinulsa ng binata ang kanyang mga kamay sa suot na slacks. Namagitan muna ang katahimikan sa kanilang dalawa ng dalaga. Habang malaya nilang nasasamyo ang malamig na hanging nanggagaling sa dagat.


"Trance.. Do you really like her? I mean, do you love her?" maya-maya ay wika ng dalagang nakatingin na sa kanya.


"Maybe.. I don't know. Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko when I'm with her." sagot niya at muling namagitan ang katahimikan.


"You know what the woman's like with a man Trance?"


Napabaling ang binata ng muling magsalita ang katabing dalaga. Kunot ang noong napa-iling siya dito bilang sagot. Mahinang natawa ito sa kanya.


"Hindi mo alam kung ano ang gusto ng mga babae para mainlove sa iyo?"


"Nope. Hindi pa naman ako nakaranas ng panliligaw. Infact, ako na ang nililigawan ng mga babae.." natatawang wika ng binata.


"You mean, liligawan mo na ang babaeng nagpapatibok sa puso mo Trance?"


"I don't know. Maybe..yes. Or maybe, soon. I don't know what exactly my plan. As of now, Pinapakiramdaman ko muna if I really like her. Kung ano itong nararamdaman ko para sa kanya. Or baka na cu-curious lang ako dahil sa kakulitan niya."


"Dapat mo na nga sigurong ligawan ang girl na 'yun Trance." natatawang sambit ng dalaga. "I know, you like her. And I feel it." dagdag pa nito.


Unti-unting gumuhit ang malawak na ngiti sa labi ng binata. "You think I am?"


"Yeah. And she like you too. Oppss,, hindi lang gusto.. Mahal ka nga niya eh."


Napatawa na ng malakas ang binata sa sinabi nito sa kanya. "Paano mo naman nalaman?"


Biglang natigilan ang dalaga. "Ahm.. Binulong niya sa akin.." biro nitong natatawa.


"So, close pala kayo huh?" natatawa na ring sakay ng binata sa biro nito.


"Just kidding. Ahm, by the way.. Why don't you court her? Send her a bunch of flowers and chocolates. Invite her for a date as well." suggestion pa nito sa binata.


"Hmm, that a good idea. Thanks for that. I'll do that starting a day after tomorrow."


Muli siyang napabuntong hininga ng maalala ang usapan nila ng dalagang kasama niya kagabi. Paano pa niya maisasakatuparan ang plano niyang panliligaw kung may nauna na pala sa kanya? Sayang lang pala ang plano niyang naisip kagabi. Hindi pa naman siya nakatulog na mabuti dahil sa kanyang plano para sa dalaga. "Pero, di pa naman kasal ang dalaga. Flowers lang naman ang dumating para dito. Hindi naman wedding ring. May pag-asa pa." muling sambit ng binata sa sariling nabuhayan ng loob. "May the best man win!" ani pa niyang napangiti sa naisip.



Alas-singko na ng hapon. Mabilis na pinatay ng binata ang kanyang laptop at inayos. He planned na i-invite ang dalaga for an early dinner as a date. Isa pa, hindi naman siguro tatanggi ang dalaga pag sasabay siya sa kotse nito. Wala pa naman siyang dalang kotse dahil kotse nito ang ginamit niya papuntang opisina. Tsaka na niya yayaing mag dinner sila.


Lumabas na siya sa private room. Salubong ang kilay ng hindi makita ang dalaga sa cubicle nito. "Damn! Tinakasan na yata ako ng babaeng iyon ah?" lumapit siya sa kasunod na cubicle.


"Ay sir, may kailangan pa ba kayo?" si Jonalyn na ibinaba ang hawak na pressed powder.


"Kanina pa ba umalis si Ms. Arnaiz?"


"Kakalabas lang po sir. Ngayon lang. Baka nasa elevator pa po yun."


"Okay, thanks." at mabilis ang mga hakbang na tinungo ang glassed door palabas ng kanilang opisina.




Seducing Mr. Look-a-like Chapter 20



Seducing Mr. Look-a-Like
By: CatchMe


Chapter 20


Busy sa kakatipa ang dalaga ng mag ring ang teleponong nasa kanyang mesa. Inabot niya ito at inipit sa pagitan ng kanyang tenga at balikat habang patuloy sa pag titipa sa kanyang laptop.


"Monte--"


"A cup of coffee please.."


Salubong kaagad ng sa kabilang linya. Napilitan na lamang na huminto ang dalaga sa kanyang ginagawa at tinungo ang maliit na kusina. Panaka-naka'y tumitingin siya sa labas ng pintuan ng maisip nanamang lagyan ng laway ang kape ng mahal niyang binata.


Pero bigla naman siyang natigilan at tila nakukunsinsya. "Hmp! Huwag nalang. Baka kakarmahin pa ako. Kung talagang mamahalin ako ni papa Trance, ay mamahalin niya ako ng kusa. Pangit namang lawayan ko ulit ang coffee niya. Ha-y.. Ang sama ko talaga, ganun na ba ako ka disperada? Besides, may kasintahan na yata si papa Trance. Huhuhu! Ang saklap naman nitong natamo ng pag-ibig ko.." malungkot na wika ng dalaga sa sarili habang hinahaluan ng asukal ang kape para sa mahal niyang binata.


"Papa, sana ako nalang mahalin mo. Iwanan mo nalang kaya ang babaeng kasama mo kagabi at ako nalang ang ipalit mo papa, pleeeeaaaasssseee..!!" nag eemote nanamang napabuntong hininga ang disperadang dalaga.


"Pero bakit ganito? Mabait naman ako 'ah? Bakit inulan na yata ako ng problema? Lord, huwag ka namang ganyan. Wala naman akong kasalanan diba? Siguro, ang panggagayuma ko lang kay papa Trance ang kasalanan ko. Yun lang naman 'eh. Pero bakit niyo pa siya inilayo sa akin? Bakit mo ibinigay si papa Trance sa ibang babae? Bakit Lord? Hindi mo ba ako love? Hahayaan mo ba akong magpakasal sa lalaking sinasabi ni papa na magiging asawa ko? No, Lord. Please, wala naman sanang ganyanan 'uh.. Hindi ko na to keribols. Dapat sa akin lang talaga si papa ko Trance. Ayaw ko dun kay Mr. Garcia.. Ayaw ko po lord, please ayaw---"


"Uy! May tawag ka sa phone mo Cher."


Putol ni Jonalyn sa nag iinarteng pag iisip ng dalaga. Nagtataka namang lumapit si Cher hawak ang tinimplang kape para sa kanyang mahal na binata.


"Sino daw?"


"Robert daw."


"Ano?! Nyay naman 'uh. Dadagdag pa ang isang 'yun." inis na wika ng dalagang sumunod kay Jonalyn. Agad niyang sinagot ang telepono ng makarating sa kanyang cubicle.


"Hi, morning." bati niyang pilit na pinasaya ang boses. Mahirap na at baka magsumbong sa kuya Noel niyang pinagsusupladahan niya ito. At tiyak niyang uulan nanaman ng mga panibagong suitors para sa kanya. "Kainis naman itong si Kuya 'uh. Bakit kasi kung kani-kanino ako nirereto. Ha-y.."

"Musta kana my love?"


"Yuck! My love-in mo yang face mo!" sigaw ng utak niyang inilayo ang hawak na telepono sa kanyang tenga ng nakangiwi pa.


"My love? Andiyan kapa ba?"


"Waahhh!!! Ayokong magsalita! Huwag mo akong matawag tawag na my love at gigiliitin ko yang leeg mo!" kumikibot-kibot ang labing wika ng dalaga. Ngunit wala namang boses na lumalabas sa kanyang labi.


"Hello? Hello?" ulit ng binatang nasa kabilang linya.


"Yes? Hello? Hello, Robert? Hindi kita marinig. Chappy ka yata." ani na lamang niya dito. Kahit ang totoo ay inilayo niya lamang ang hawak na aparato.


"Susunduin kita mamaya my love?"


"Yuck!" nandidiring reaksyon ng dalaga na pigil-pigil ang mapa-duwal sa sinabi ng binata.


"Chappy ka talaga Robert. Hindi kita naririnig. Hello? Hello? Andyan kapa ba? Wala akong naririnig." muling sambit ng dalagang napakamot sa ulo.


Hindi na niya pinapakinggan ang pinagsasabi ng nasa kabilang linya ng biglang napangiti sa naisip. "Hmmm why not? Best actress yata ako. Tsaka nanalo pa yata akong dramatist of the year 'nung elementary pa ako 'ah. Masubukan nga ulit ang aking talent.."


Medyo inilayo niya ang aparato sa kanyang baba at mahinang nagsalita ng..


"Tot, tot, tot, tot." pag aarte niya at ginaya ang operator na nagsasalita sa telepono. "The number you are calling is now unattended. The number you are calling is now unattended." ani pa niya hanggang sa ibaba na lamang ng binatang nasa kabilang linya ang telepono. "Huh! Ang kulit!" napabuga ng hanging sambit ng dalaga at ibinaba na rin ang hawak na aparatong natatawa. Kinuha muli niya ang kapeng nasa kanyang mesa para sa kanyang amo.


Hahakbang na sana siya papasok sa private room ng presidente ng biglang may dumating na delivery boy.


"Ms. Cher Arnaiz?"


Napakunot ang noong muling binalik ng dalaga ang hawak na kape sa kanyang table. "Yes? Ako po 'yun kuya. Bakit po?" nagtatakang lumapit siya dito.


"Deliveries for you ma'am." magalang na sagot nitong inabot ang boquet ng bulaklak at mamahaling cartoon ng chocolates na Godiva at Chocopologie.


"Ha? Sigurado kang sa akin ito?" naninigurong tanong ng dalaga ng magsilapitan sina Karen at Michelle.


"Wow! Flowers and chocolates?" sabay na sambit ng dalawang nanalaki ang mga mata. Na tila naglalaway sa inaabot na chocolates ng delivery boy.


"Yes ma'am. For Cher Arnaiz, galing kay Mr. Vince Garcia." ano nitong inilahad ang hawak na bulaklak at tsokolate sa dalaga.


"Si Vince? Paano naman nito nalamang dito ako nagtatrabaho?" ani niyang tiningnan lamang ang inaabot ng delivery boy. "Sinabi siguro ni papa."

"Sissy, kunin mo na." si Michelle na excited na nakatingin sa chocolate.


"Oo nga naman girl, tsaka bigyan mo ako ng chocolate ha?" birong siko naman ni Karen.


"Ano ba kayo? Parang choc0lates lang 'eh, naglalaway kaagad kayo." mahinang sita niya sa mga kaibigan.


"Aba! Hindi lang kaya basta basta chocolates yan. Di mo ba alam kung magkano ang piraso niyang Godavi?" si Karen.


"Bakit? Magkano ba yan ha?" ani niyang inabot na rin boquet at chocolates mula sa delivery boy.


"Well, nagkakahalaga lang naman yan ng $117." sambit ni Karen.


"What? As in one hundred seventen U.S dollar?" mulagat ang matang reaksyon ng dalaga.


"Korak! Kaya't share mo naman ang blessings mo na 'yan," excited na muling wika ni Karen.


"Teka nga, sandali lang." at binalingan niya ang delivery boy. "Thank you po, kuya. Ito, sayo nalang ang flowers. Bigay niyo po sa misis niyo" balik niya sa bulaklak sa delivery boy.


"Naku ma'am, wala pa po akong asawa." natatawang sagot nito.


"Ay, wala ba? Pero nobya meron?" hirit pa ni Cher.


Nahihiya namang tumango ang kaharap. "Tanggapin mo na ito, bigay mo sa girlfriend mo para mas lalo kang mahalin." biro niyang binuksan ang box ng Godiva. "Ito pa, dagdag mo na ito." abot niya sa chocolate dito.


"Naku ma'am, baka pagahalitan na po ako ng sender nito?"


"Bakit ka pagagalitan? Eh ako naman nagbigay sayo niyan ah? Sige na, tanggapin mo na. Yan nalang ang tip ko sayo kasi wala pa akong sahod." muling biro niyang ikinatawa ng kaharap at ng dalawang kaibigan.


Nahihiya man ay napilitan na ring tanggapin ng delivery boy ang kanyang binigay at nagpasalamat. Tsaka umalis na rin ito agad.


"Bongga ka sissy ah? As in ganito ka rich ang suitors mo?" agad na wika ni Michelle na sumunod sa kanya kasama si Karen papunta sa kanyang cubicle


"I told you, di ko na kailangang mag hire ng lalaki, dahil marami naman talagang nababaliw sa alindog ko." natatawa niyang wika dito.


"Wow! Hanep, ang taas naman ng self esteem mo girl." natatawang biro ni Karen. "Pero, bakit mo binigay ang bulaklak sa delivery boy?"


"Oo nga sissy. Alam mo bang pwede na sana nating gamitin yun para pagselosin si papa Trance." segunda rin ni Michelle.


"Yan din naisip ko kanina 'eh." wika ni Karen. "Nahihiya lang akong pigilan ka kanina kasi baka mapahiya 'yung delivery boy."


"Hay.." napabuntong hiningang sambit ng dalaga sa dalawa. "Hindi na kailangan.. Hindi na eepekto ang law natin mga sister."


"Ha? Bakit?" sabay na wika ng dalawang dalaga.


"Kasi, may kasintahan na pala si papa ko Trance." malungkot ang mukhang sagot niya sa dalawang hindi makapaniwala.



Tumayo ang binata sa kanyang chivel chair. Hindi na siya makapaghintay na makapasok ang sekretarya sa private room ng presidente. Siya na lamang ang lalabas para masilayan kaagad ang mukha ng dalaga. Pagkabukas ng pintuan, ay hindi niya naituloy ang paghakbang papalabas ng pinto. Bagkos ay muli niyang isinara ng bahagya at sinilip ang nangyayari sa labas.


Ang dalagang dahilan ng hindi niya pagkatulog kagabi ay may special delivery? "Saan kaya nanggaling ang bulaklak na 'yun? At may chocolate pa?" bulong niya sa sariling sinisilip pa rin sa siwang ng pinto ang dalaga sa labas.

Seducing Mr. Look-a-like Chapter 19



Seducing Mr. Look-a-Like
By: CatchMe

Chapter 19



HUMANTONG ang binata sa isang kilalang bar. Agad siyang naupo malapit sa bartender at umorder ng paborito niyang inumin. Ang chivas. Maya-maya pa ay inabot ng bartender ang kanyang inorder.


Agad niyang nilagok iyon. Pagkalapag ng hawak na maliit na baso ay natigilan siya. Hanggang sa unti-unting gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. He took a deep breath ng maalala ang sekretaryang dahilan ng pagsilay ng kanyang ngiti. Bakit nga ba siya napapangiti tuwing naaalala ang dalaga? "Huh! Trance, you're crazy man." mahinang bulong niya sa sarili. Muli siyang umorder ng may tumabi sa kanya.


"Hey, small world huh?" nakangiting bati ng dalagang naupo sa kanyang tabi.


Tinapunan lamang niya iyon ng matipid na ngiti at nilagok ang bagong order na chivas ng ilapag ng bartender sa kanyang harapan. It was Noor. Ang magandang nilalang na nakilala niya last month sa isang kilala ring bar na pag aari nito. Hindi nga rin niya maintindihan kung bakit wala siyang kunting pagtingin sa dalaga. Obvious namang type siya nito. Siguro nga tama ang bansag sa kanya ng kanyang kakambal na si France. Na siya daw ay isang lalaking may pusong bato.


"Problem?" Puna ng dalaga sa kanya.


He shook his head, ng hindi tumitingin sa dalaga. Mahirap ng pag binigyan pa niya ito ng pansin, ay mas lalo pa siya nitong didikitan. He know his self. Allergic pa naman siya sa mga babaeng umaaligid sa kanya.


"Trance.. Dont hesitate yourself to share your problem with me. You can trust me.." ani pa nitong hinawakan sa braso ang binata.


Napatawa na lamang ng mahina ang binata sabay baling sa dalaga. "Gusto mo bang malaman kung ano ang pinu-problema ko Noor?"


"Well, if you wanna share it with me, i can assure you that I'm a good listener." mahinang mahinang wika ng dalaga.


Actually, magaan naman talaga ang loob niya sa dalaga. Yun nga lang, ayaw niyang pansinin ito dahil nga baka mas lalong magkagusto ito sa kanya. Iniiwasan lang naman niyang makapanakit ng damdamin ng mga babae. Kaya't mas maganda ng siya ang umiwas sa mga ito. Although sometimes, hindi niya rin mapigilan ang sarili. Lalo na pag sadyang magagandang dalaga ang umaakit sa kanya.


Pero iba si Noor. Iba ito sa mga babaeng nakilala niya. He admit, na nahihiwagaan siya sa pagkatao nito. Lalo na sa mga kapatid nitong nag mamay-ari ng bar. Kung saan ang mga ito nagtatrabaho. At iyon ang hindi niya kayang paglaruan ang damdamin ng dalaga. Alam niyang inosenti ito. Minsan na rin siyang natatawa dahil napaka naive ng dalaga.


"Trance.." pukaw nito sa kanya ng hindi pa rin siya nakapag salita. "Come on." hila nito sa kanyang braso ng tumayo na ang dalaga.


"Why? Saan tayo pupunta?" nagtatakang sagot ng binata na binayaran ang inorder.


"I'll show you something." nakangiting lingon ng dalaga habang hila hila ang binata. Nakipagsiksikan pa sila sa mga taong sumasayaw sa dance floor ng bar para makadaan. Tinungo nila ang ang exit, at humantong sa kotse ng binata.



Malapit na si Cher sa kanilang bahay ng makatanggap ng tawag mula sa pinsang si Noel. Pinapapunta siya nito sa isang bar, kung saan naroon ang binata. Pinagsabihan na lamang niya ang driver ng taxi na ihatid sa kanyang distinasyon.


Kaka-pasok lamang ng dalaga sa maingay na bar. Pinaikot niya ang tingin sa loob ng bar para hanapin ang pinsan. Ngunit nahagip ng kanyang paningin, ang itinatangi ng kanyang puso. Ang nag iisa niyang papa Trance! She stepped onward to his direction ng matigilan. Isang napaka-gandang dalaga ang lumapit at naupo sa tabi nito.


Biglang siyang nakaramdam ng galit. Galit para sa dalawa dahil sa kataksilan ng mahal niyang binata. Kataksilan? Bakit? May relasyon ba sila? Wala naman diba? O mas mainam ng tawaging, nagseselos siya dahil may katabing magandang dalaga ang kanyang hot papa.


Waaahhh! Kakalbuhin ko talaga ang babaeng 'yan! Naiinis na bulong ng dalaga sa sarili. Mas lalo pa siyang umalma ng hawakan ng dalaga ang matigas na brso ng kanyang papa Trance. Gusto niyang hablutin ang kamay ng babae at itulak palayo sa kanyang mahal! Peo wala siyang magawa. Dahil hindi nga niya pag aari ang binata.


Napapitlag pa siya ng tumayo ang dalawa. Matapos magbayad ng binata ay hinila na siya ng nakangiting dalaga papunta sa nagsisiksikang mga nagsasayaw sa dance floor. Sinundan pa rin niya ito ng tingin. Hanggang sa tuluyan ng makalabas ang dalawa sa bar. Tinungo ng mga ito ang bagong kotse ng binata at sumakay. Ilang segundo pa ay humarorot na ang kotse ng binata paalis ng bar.


Naiwang hindi makapaniwala ang dalaga at lihim na nasasaktan. "May nag mamay-ari na pala kay papa ko.." mahinang sambit niya sa sarili. "Huhuhu hindi ako makakapayag. Papa, akin kalang! Tandaan mo yan, para kalang sa akin!"


"Cher! Dito tayo!" biglang may humila sa kanyang kamay. Si Noel ang pinsan niyang singer na hinila siya palapit sa grupo nito. Ganun na lamang ang paglukot ng kanyang mukha ng makita ang kaibigan nitong nanliligaw sa kanya. Si Robert.



"Uy, sissy, matagal pa ang byernes santo 'ah?" salubong ni Michelle ng makarating siya ng opisina.


"Bakit?"


"Mukha mo kasi, parang byernes santo." natatawang sambit nito sa kanya na sinundan siya sa kanyang cubicle.


"Ha-y! Isali mo na ang holy week. At talagang hindi maganda ang araw ko." matamlay na sagot niya sa kaibigan.


"Why oh why sissy?"


"Huwag mo nalang akong pansinin. May dalaw lang ako kaya't tudo emote.com ako ngayon."


"Hayst! Ang O.A mo sissy ah. Sige, sa cubicle ko muna ako." paalam nito.


Matamlay siyang naupo at nangalumbaba. Sinong tao naman ang magiging masaya? Kung wala kang tulog dahil sa kakaisip mo sa nakita mo kagabi? Dagdagan pa ng makulit niyang manliligaw na si Robert. Sasalubongin pa siyang ng agahan ng sermon ng kanyang ama. Aba! Sasabog na yata ang braincells niya sa mga problemang kinakaharap niya.


Napaayos siya ng upo ng dumating ang kanilang president. Napayuko lamang siya at hindi ito tinapunan ng tingin. Dahil sa naaalala niya ang nakita kagabi. "Saan kaya pumunta ang mga ito kagabi?" ani niya ng mapunang may nakatayong tao sa harap ng kanyang cubicle.


Napaangat siya ng tingin dito. At nagtataka sa tamis ng ngiting isinalubong ng binata sa kanya. "Here's your key. Nasa baba na ang kotse mo."


"Ha? Ah, eh sino nagdala dito?"


"Syempre ako. Alangan namang ikaw! Kaya kita pinapasakay sa kotse ko kahapon para ihatid ka sa casa ng makuha mo na ang kotse mo." ani ng binatang inilapag sa kanyang mesa ang susi.


"Ay, ganun ba? Thank you." matipid na sagot niya ditong yumuko at kinuha ang susi. "By the way, where's my reciept? Paano ko babayaran ang pag pagawa sa kotse ko?" muli siyang napataas ng tingin sa binata.


"I paid it, already. Just pay me, later." nakangiti pa ring sagot ng binatang akma ng tatalikod sa kanya. "After work." dagdag pa nitong kinindatan ang dalaga bago tuluyang tumalikod sa kanya.


Napaawang ang labing sinundan ng dalaga ng tingin ang binata. "Anong nangyari 'dun?" nagtatakang tanong niya sa sarili. "Umepekto na ba ang aking panggagayuma kay papa Trance?" napangiti na rin ang dalaga sa naisip. "Hala! Uy! Naiinlababo na yata si papa ko. Yahoo! Hahahaha! Akin kana ba papa.?" masayang tanong ng dalaga sa sarili. Ng maalala ang nakita kagabi, ay biglang nagbago ang nanaman ang ekpresyon ng kanyang mukha.


"Yuck!! Baka 'yun ang epekto ng ginawa nila ng babaeng kasama niya kagabi? Yuck!! You're so yuck! Ayaw ko na sayo, papa. Ayoko na sayo. Yuckie ka!!" tila nandidiring napangiwi pa ang dalaga.


Seducing Mr. Look-a-like Chapter 18



Seducing Mr. Look-a-Like
By: CatchMe

Chapter 18


PARA siyang binuhusan ng malamig na tubig at napabalik sa reyalidad. Ang reyalidad na imaginasyon lamang pala niya ang tumatakbo. Habang ang binata ay patuloy sa pagtawa. Gusto niyang tumakbo at itago ang sarili buhat sa kaharap na sa tingin ay sinapian ng masamang espirito sa paraan ng pagtawa nito.


Nangangapal na rin ang kanyang mukha at tila ng iinit pa dahil sa kahihiyan. At dahil sa walang maisip na sasabihin ay ubod lakas niya itong itinulak dahilan ng pagka-out balance ng binata at natumba sa sofa.


"Sige, tumawa ka pang walang hiya ka! Akala mo kung sino kang gwapo. Hoy! Para malaman mo, wala ng ga-gwapo sa paningin ko maliban lang kay Papa Enrique ko." ani niya ng walang maisip na sasabihin dito.


Ngunit bigla nanamang tumawa ang binata, at dahil sa pagkapahiya at inis na nararamdaman para dito ay hinablot niya ang isang throw pillow sa sofa at pinaghahampas ang binatang patuloy lang sa pagtawa.


"Hey, ano ba? Masakit na 'yan ah." sambit ni Trance na sinasalo ng matigas niyang braso ang panghahampas ng dalaga sa kanya.


Sino ba naman ang hindi matatawa sa dalaga? Habang titig na titig siya dito kanina ay hindi niya napigilang dampian ng halik ang labi nito. Ngunit hindi pa man naglapat ang kanilang labi ay biglang nag iba ang ekpresyon ng mukha ng dalaga. Hindi niya maiintindihan kung natatawa ito, o nagtataka. Tila na eexcite, na nag aalinlangan. Hanggang sa lumawak ang ngiti nito habang nakapikit. Na tila ba may kahalikang tao, na wala naman. Kaya't hindi niya napigilang mapahagalpak sa tawa sa pag iba-iba ng ekpresyon ng mukha nito. Dahilan ng pagkagulat ng dalaga dahil sa lakas ng kanyang tawa.


"Sige pa, tumawa ka pa!" ulit nitong pinagpatuloy siyang hinahampas. Kahit anong pigil ng binata na hindi matawa ay hindi niya mapigilan ang sarili. Kaya sa sobrang inis ng dalaga ay ibinato nito sa kanya ang throw pillow at aakmang tatalikuran na lamang siya.


Pero mas maagap siyang hinawakan ang kamay ng dalaga para pigilan ito. "I'm sorry, Cher. Hindi ko lang mapigilang hindi matawa." aniya.


Tiningnan lamang siya ng masama ng dalagang pilit binabawi ang mga kamay mula sa kanyang pagkakahawak.


"I said, I'm sorry." ulit niyang pilit iniharap ang dalaga sa kanya. "Ikaw kasi 'eh. Lahat naman siguro ng makakakita sayo ay matatawa. Hindi ko lang talaga mapigilang matawa sa --"


"Stop it, please.. Tama na. Huwag mo ng ulit ulitin at ipamukha sa akin na---"


"Hindi naman sa ganun." agaw naman ng binata. "You look cute nga 'eh." napangiti pang saad nito na muling ikana-pula ng pisngi ng dalaga.


"Sige, utuin mo pa ako."


"Ofcourse not! Totoo naman ang sinabi kong cute ka nga sa mukha mo kanina. Para kang..."


Bigla namang napawi ang inis ng dalaga at unti-unti ng gumuhit ang pinipigil na ngiti sa kanyang labi. "Hmmmm, cute daw ako. Ayieeh baka type mo na ako papa Trance. Hahahaha". Kinikilig na sambit ng dalaga sa sarili. "Parang ano? Ha?" kunyaring inis na tanong ni Cher sa binata na bahagya pang itinaas ang kanang kilay para magmukha siyang galit. Ngunit hindi naman niya mapigilan ang sariling kiligin sa maaring isagot ng binata sa kanya.


"Para kang..."


"What?"


"Para kalang namang sinapian ng masamang espirito ns may saltik!" at muling napahagalpak sa tawa ang binata.


"Ahh!! Wlaang hiya ka! Hayop! Hayop! Hayop kaa!!!" hinablot niya ang makapal na magazine at pinag-hahampas sa binata bago padabog na iniwanan ito palabas ng opisina.


"Hey! I'm just kidding!" pahabol ng binata na parang nahahapo na sa kakatawa. "Kita mo 'tong babaeng to, ang daling magalit." napailing na sambit ni Trance sa sarili ng tuluyan ng makalabas ng private room ang dalaga.


Hindi pa rin mawala sa kanyang labi ang ngiting nakasilay sa kanya. Napatayo na lamang siya sa sofa at bumalik sa kanyang chivel chair ng natatawa pa rin. "Huh! She's really crazy." ani niyang kinuha ang taza ng kape. "But she made you laugh Trance. Baka mahulog kana sa babaeng may saltik?" ani ng kabilang isipan ng binata. Para naman siyang natigilan at nawala ang ngiti sa labi. "Am i?" kunot ang no-ong tanong niya sa sarili. Napakibit balikat na lamang ang binata at muling uminom ng kape na kanyang hawak.



Nag aayos na si Cher ng kanyang gamit para umuwi ng lapitan siya ni Michelle. "Sissy, hindi na ako makasabay sayo pag uwi ha? SusuNduin kasi ako ni Rufino. May dadaanan pa kasi kaming simbahan para sa kasal namin." kumikinang ang mga matang wika ng kaibigan.


"Okay lang yun sister, huwag kang mag alala sa akin. Hindi naman ako bata." birong sagot niya dito.


"Sabay nalang tayong bumaba. Tara na." si Michelle.


"Taralets sister." sang ayun naman niya dito. "Si Karen pala? Nasaan na?"


"Huwag mo ng hanapin sissy. Kanina pa yun nawala. Alam mo namang may inilihim sa atin ang lukaret na 'yun." natatawang wika ni Michelle.


"You mean sister, sila na talaga ni Dave?"


"Tinanong mo pa? Obvious naman diba? Siya na kaya ang nagmana sa pagka denial queen ni sissy Rebecca." sambit ni Michelle. "Ya'an mo mabubunyag din iyang lihim nilang pagmamahalan." dagdag pa nito habang patungo na silang dalawa sa elevator.


Pagsapit sa baba ay sabay pa silang lumabas ng building. Agad na may tumigil na kotse sa kanilang harapan at kapwa silang napangiting dalawa. "Sabay kana sa amin sissy." yaya ng kaibigan.


"Naku huwag na, magta-taxi nalang ako." Nahihiyang tanggi ng dalaga.


"Sure ka?"


"Yup! Sige na sister, gora na kayo. Okay lang naman me here." biro pa niya sa kaibigan. Nagbeso-beso muna silang dalawa bago sumakay ang kaibigan sa kotse ng fiancee nitong si Rufino.


"Bye sissy, ingat ka."


"Ahehehe.. sila ang mag ingat sa akin, sister." pakindat na tumawa ang dalaga sa kaibigan at nag byebye sign pa sa mga ito hanggang sa makaalis ang kotse ng magkasintahan. "Ang swerte naman ni Michelle. Ang pogi na ng kanyang fiancee, at sobrang bait pa. Hayy, sana ako din.. Kailan pa kaya mainlove sa akin si papa ko Trance?" pabuntong hiningang wika niya sa sarili.


"Taxi!" tawag niya sa paparating na taxi. Ngunit hindi pa man ito tuluyang nakalapit sa kinatatayuan ng dalaga ay may humintong kotse sa kanyang harapan. "Waaahh!! Speaking of the super duper handsome hot devil, si papa Trance ang dumating?"


"Hop in!" silip ng binata sa bintana ng kotse nito.


"Law # 1. ignore him." naisip ng dalaga. "Nevermind, I can manage myself." irap niya sa binata.


"Come on, Cher. Huwag ka na ngang maarte diyan, sumakay kana pwede?"


"Aba! At ang kapal naman ng gwapong mukha nito. Hindi porke't ayaw kung sumakay 'eh maarte na kaagad? Hindi ba pwedeng, nahihiya lang ako dahil sa nangyari kanina?" muling sigaw ng kanyang utak. "Huwag mo akong pagsabihang maarte ha! Dahil may tinawag na akong taxi. At pwede ba? Umalis ka 'dyan? Tingnan mo at dahil nakaharang ka dyan ay hindi na tuloy huminto ang taxi na tinawag ko." inis na sambit niyang muling kinawayan ang paparating nanamang bagong taxi.


Mula sa kabilang pinto ng kotse ay sumenyas si Trance sa taxing paparada na sana sa hulihan ng kanyang kotse. Kaya tumuloy na lamang ito at di na nagawang huminto sa gilid para pasakayin ang dalaga.


"Ano ba? Iniinis mo ba talaga ako?!"


"Look, Cher. Hindi naman sa iniinis--"

"Taxi!" muling sigaw ng dalaga na tumakbo sa hulihan ng kotse ng binata.


"hey! Sandali nga Cher." biglang binuksan ng binata ang kotse nito para pigilan ang dalaga. Pero hindi na niya ito naabutan ng mabilis na sumakay ito sa taxi at ini-lock ang pintuan.


"Kuya, takbo na!" utos ni Cher sa driver ng taxi. Binalingan muna niya ang binatang kinakatok ang binatana ng taxi na sinasakyan niya. "Tse!" nag make face pa siya dito at bahagyang pinadilatan. "Oh ano? Hinabol mo na ang kagandahan ko? Manigas ka papa.!"


"Damn! May saltik nga ang utak ng babaeng 'yun!" inis na sinundan na lamang ni Trance ng tingin ang sinasakyang taxi ng dalaga.

CatchMe

Note: please pag may nakita kau
Sa ibang page nang story na ito paki inform po ako..