Seducing Mr. Look-a-like Chapter 18



Seducing Mr. Look-a-Like
By: CatchMe

Chapter 18


PARA siyang binuhusan ng malamig na tubig at napabalik sa reyalidad. Ang reyalidad na imaginasyon lamang pala niya ang tumatakbo. Habang ang binata ay patuloy sa pagtawa. Gusto niyang tumakbo at itago ang sarili buhat sa kaharap na sa tingin ay sinapian ng masamang espirito sa paraan ng pagtawa nito.


Nangangapal na rin ang kanyang mukha at tila ng iinit pa dahil sa kahihiyan. At dahil sa walang maisip na sasabihin ay ubod lakas niya itong itinulak dahilan ng pagka-out balance ng binata at natumba sa sofa.


"Sige, tumawa ka pang walang hiya ka! Akala mo kung sino kang gwapo. Hoy! Para malaman mo, wala ng ga-gwapo sa paningin ko maliban lang kay Papa Enrique ko." ani niya ng walang maisip na sasabihin dito.


Ngunit bigla nanamang tumawa ang binata, at dahil sa pagkapahiya at inis na nararamdaman para dito ay hinablot niya ang isang throw pillow sa sofa at pinaghahampas ang binatang patuloy lang sa pagtawa.


"Hey, ano ba? Masakit na 'yan ah." sambit ni Trance na sinasalo ng matigas niyang braso ang panghahampas ng dalaga sa kanya.


Sino ba naman ang hindi matatawa sa dalaga? Habang titig na titig siya dito kanina ay hindi niya napigilang dampian ng halik ang labi nito. Ngunit hindi pa man naglapat ang kanilang labi ay biglang nag iba ang ekpresyon ng mukha ng dalaga. Hindi niya maiintindihan kung natatawa ito, o nagtataka. Tila na eexcite, na nag aalinlangan. Hanggang sa lumawak ang ngiti nito habang nakapikit. Na tila ba may kahalikang tao, na wala naman. Kaya't hindi niya napigilang mapahagalpak sa tawa sa pag iba-iba ng ekpresyon ng mukha nito. Dahilan ng pagkagulat ng dalaga dahil sa lakas ng kanyang tawa.


"Sige pa, tumawa ka pa!" ulit nitong pinagpatuloy siyang hinahampas. Kahit anong pigil ng binata na hindi matawa ay hindi niya mapigilan ang sarili. Kaya sa sobrang inis ng dalaga ay ibinato nito sa kanya ang throw pillow at aakmang tatalikuran na lamang siya.


Pero mas maagap siyang hinawakan ang kamay ng dalaga para pigilan ito. "I'm sorry, Cher. Hindi ko lang mapigilang hindi matawa." aniya.


Tiningnan lamang siya ng masama ng dalagang pilit binabawi ang mga kamay mula sa kanyang pagkakahawak.


"I said, I'm sorry." ulit niyang pilit iniharap ang dalaga sa kanya. "Ikaw kasi 'eh. Lahat naman siguro ng makakakita sayo ay matatawa. Hindi ko lang talaga mapigilang matawa sa --"


"Stop it, please.. Tama na. Huwag mo ng ulit ulitin at ipamukha sa akin na---"


"Hindi naman sa ganun." agaw naman ng binata. "You look cute nga 'eh." napangiti pang saad nito na muling ikana-pula ng pisngi ng dalaga.


"Sige, utuin mo pa ako."


"Ofcourse not! Totoo naman ang sinabi kong cute ka nga sa mukha mo kanina. Para kang..."


Bigla namang napawi ang inis ng dalaga at unti-unti ng gumuhit ang pinipigil na ngiti sa kanyang labi. "Hmmmm, cute daw ako. Ayieeh baka type mo na ako papa Trance. Hahahaha". Kinikilig na sambit ng dalaga sa sarili. "Parang ano? Ha?" kunyaring inis na tanong ni Cher sa binata na bahagya pang itinaas ang kanang kilay para magmukha siyang galit. Ngunit hindi naman niya mapigilan ang sariling kiligin sa maaring isagot ng binata sa kanya.


"Para kang..."


"What?"


"Para kalang namang sinapian ng masamang espirito ns may saltik!" at muling napahagalpak sa tawa ang binata.


"Ahh!! Wlaang hiya ka! Hayop! Hayop! Hayop kaa!!!" hinablot niya ang makapal na magazine at pinag-hahampas sa binata bago padabog na iniwanan ito palabas ng opisina.


"Hey! I'm just kidding!" pahabol ng binata na parang nahahapo na sa kakatawa. "Kita mo 'tong babaeng to, ang daling magalit." napailing na sambit ni Trance sa sarili ng tuluyan ng makalabas ng private room ang dalaga.


Hindi pa rin mawala sa kanyang labi ang ngiting nakasilay sa kanya. Napatayo na lamang siya sa sofa at bumalik sa kanyang chivel chair ng natatawa pa rin. "Huh! She's really crazy." ani niyang kinuha ang taza ng kape. "But she made you laugh Trance. Baka mahulog kana sa babaeng may saltik?" ani ng kabilang isipan ng binata. Para naman siyang natigilan at nawala ang ngiti sa labi. "Am i?" kunot ang no-ong tanong niya sa sarili. Napakibit balikat na lamang ang binata at muling uminom ng kape na kanyang hawak.



Nag aayos na si Cher ng kanyang gamit para umuwi ng lapitan siya ni Michelle. "Sissy, hindi na ako makasabay sayo pag uwi ha? SusuNduin kasi ako ni Rufino. May dadaanan pa kasi kaming simbahan para sa kasal namin." kumikinang ang mga matang wika ng kaibigan.


"Okay lang yun sister, huwag kang mag alala sa akin. Hindi naman ako bata." birong sagot niya dito.


"Sabay nalang tayong bumaba. Tara na." si Michelle.


"Taralets sister." sang ayun naman niya dito. "Si Karen pala? Nasaan na?"


"Huwag mo ng hanapin sissy. Kanina pa yun nawala. Alam mo namang may inilihim sa atin ang lukaret na 'yun." natatawang wika ni Michelle.


"You mean sister, sila na talaga ni Dave?"


"Tinanong mo pa? Obvious naman diba? Siya na kaya ang nagmana sa pagka denial queen ni sissy Rebecca." sambit ni Michelle. "Ya'an mo mabubunyag din iyang lihim nilang pagmamahalan." dagdag pa nito habang patungo na silang dalawa sa elevator.


Pagsapit sa baba ay sabay pa silang lumabas ng building. Agad na may tumigil na kotse sa kanilang harapan at kapwa silang napangiting dalawa. "Sabay kana sa amin sissy." yaya ng kaibigan.


"Naku huwag na, magta-taxi nalang ako." Nahihiyang tanggi ng dalaga.


"Sure ka?"


"Yup! Sige na sister, gora na kayo. Okay lang naman me here." biro pa niya sa kaibigan. Nagbeso-beso muna silang dalawa bago sumakay ang kaibigan sa kotse ng fiancee nitong si Rufino.


"Bye sissy, ingat ka."


"Ahehehe.. sila ang mag ingat sa akin, sister." pakindat na tumawa ang dalaga sa kaibigan at nag byebye sign pa sa mga ito hanggang sa makaalis ang kotse ng magkasintahan. "Ang swerte naman ni Michelle. Ang pogi na ng kanyang fiancee, at sobrang bait pa. Hayy, sana ako din.. Kailan pa kaya mainlove sa akin si papa ko Trance?" pabuntong hiningang wika niya sa sarili.


"Taxi!" tawag niya sa paparating na taxi. Ngunit hindi pa man ito tuluyang nakalapit sa kinatatayuan ng dalaga ay may humintong kotse sa kanyang harapan. "Waaahh!! Speaking of the super duper handsome hot devil, si papa Trance ang dumating?"


"Hop in!" silip ng binata sa bintana ng kotse nito.


"Law # 1. ignore him." naisip ng dalaga. "Nevermind, I can manage myself." irap niya sa binata.


"Come on, Cher. Huwag ka na ngang maarte diyan, sumakay kana pwede?"


"Aba! At ang kapal naman ng gwapong mukha nito. Hindi porke't ayaw kung sumakay 'eh maarte na kaagad? Hindi ba pwedeng, nahihiya lang ako dahil sa nangyari kanina?" muling sigaw ng kanyang utak. "Huwag mo akong pagsabihang maarte ha! Dahil may tinawag na akong taxi. At pwede ba? Umalis ka 'dyan? Tingnan mo at dahil nakaharang ka dyan ay hindi na tuloy huminto ang taxi na tinawag ko." inis na sambit niyang muling kinawayan ang paparating nanamang bagong taxi.


Mula sa kabilang pinto ng kotse ay sumenyas si Trance sa taxing paparada na sana sa hulihan ng kanyang kotse. Kaya tumuloy na lamang ito at di na nagawang huminto sa gilid para pasakayin ang dalaga.


"Ano ba? Iniinis mo ba talaga ako?!"


"Look, Cher. Hindi naman sa iniinis--"

"Taxi!" muling sigaw ng dalaga na tumakbo sa hulihan ng kotse ng binata.


"hey! Sandali nga Cher." biglang binuksan ng binata ang kotse nito para pigilan ang dalaga. Pero hindi na niya ito naabutan ng mabilis na sumakay ito sa taxi at ini-lock ang pintuan.


"Kuya, takbo na!" utos ni Cher sa driver ng taxi. Binalingan muna niya ang binatang kinakatok ang binatana ng taxi na sinasakyan niya. "Tse!" nag make face pa siya dito at bahagyang pinadilatan. "Oh ano? Hinabol mo na ang kagandahan ko? Manigas ka papa.!"


"Damn! May saltik nga ang utak ng babaeng 'yun!" inis na sinundan na lamang ni Trance ng tingin ang sinasakyang taxi ng dalaga.

CatchMe

Note: please pag may nakita kau
Sa ibang page nang story na ito paki inform po ako..


Seducing Mr. Look-a-like Chapter 17




Seducing Mr. Look-a-Like
By: CatchMe

Chapter 17



Kakaupo lang ni Cher ng biglang tumunog ang telepono sa kanyang mesa. Napabuga muna siya ng hangin bago sinagot ang aparato. "Montero-De Silva's financial and holdings Inc., good morning.."


"Please bring me a cup of coffee." bungad kaagad ng binata ng sagutin ng dalagang sekretarya ang telepono.


"Moment, sir." sagot nitong ibinaba agad ang telepono.


Napakibit balikat na lamang si Trance ng hindi makarinig ng reklamo sa dalaga. Ini-expect pa naman niyang sasalubongin nanaman siya nito ng pagtataray. "Baka good mood na." ani niya sa sariling napangiti. Muli niyang kinuha ang kakapatong lang na folder at binasa. Habang pangiti-ngiting naka tingin sa pagbubukas ng pintuan ng private room.


"Mag aalas onse na, tapos magkakape pa?" bulong ni Cher sa sarili habang nilalagyan ng asukal ang pinapatimplang kape ng kanyang iniibig na amo. Ng biglang matigilan at napangiti sa naisip.


"Paano kaya kung gagayumahin ko si papa Trance? Tama! Lalagyan ko ng laway ang coffee niya para mabaliw siya sa akin!" natatawang saad pa niya sa sariling nagpalinga-linga muna sa paligid. Ng masigurong walang taong papasok sa maliit na kusina ng opisina ay dinala niya sa kanyang baba ang kutsaritang may lamang kunting kape. Tinikman muna niya iyon.


Muli siyang lumingon sa pintuan bago nilagyan ng kunting laway ang kutsarita at inihalo sa kape. "Effective kaya ito?" tanong niya sa sariling napangiwi. "Ah, ewan! Yun naman ang naririnig ko sa iba. Para daw mainlove yung taong gusto mo ay lawayan mo ang pagkain niya? 'Eh di subukan ko nga kung totoo."


Inilapag na niya ang kutsarita at kinuha ang platitong may taza ng kape. Humakbang na siya palabas ng maliit na kusina at pumasok sa private room ng presidente.


Seryoso ang mukhang ililapag niya ang hawak na taza ng kape sa mesa ng binata ng mag angat ito ng mukha sa kanya. "Thank you Ms. Arnaiz." nakangiting wika ng gwapong binata, ngunit hindi muna siya sumagot dito.


"Huh! Ano kaya ang nakain nito at biglang ngumiti sa akin? Effective na ka-agad ang gayuma ko? Kahit hindi pa niya nainom ang coffee?" aniya sa sariling pinanatili ang kaseryosohan sa mukha. "Your welcome sir! May ipag-uutos pa ba kayo?"



Nagtataka ang binata sa kaseryosohan ng dalaga. Halos wala siyang mabasang iba sa mukha nito. Tila itong isang balankong papel na hindi niya maintindihan. "Galit ba talaga siya sa akin?" nag alalang wika niya sa sarili. Kaya't nginitian niya ito ng pagkatamis-tamis sa pagba-baka sakaling mapangiti niya ang dalaga. Ngunit hindi manlang ito natinag sa kanyang matamis na ngiti na bihira lang niyang ipakita sa ibang tao. Lalo na ng tanungin siya nito kung may kailangan pa siya sa dalaga.


"Maupo ka muna." ani na lamang niya dito. Ngunit nanatiling nakatayo ang dalaga.


Hindi natinag ang dalaga sa kinatatayuan. Bagkos ay seryoso ang mukha at tikom ang labing nakatitig lamang siya sa tinimplang kape. Napapitlag siya ng kunin ng binata ang taza at dinala malapit sa baba nito. Hinipan muna niya iyon bago pakunti-kunting ininom.


"Yuck!" napangiwi at mahinang sambit ng dalaga sa isiping may laway ang iniinom na kape ng binatang kanyang kaharap. "Hayan, magsisimula ka ng gumapang sa mala-dyosa kong kagandahan. Titingnan natin kung hindi ka luluha ng dugo para lang mapansin ko. Hmp! Yuck ka, papa Trance! May laway ko 'yang kape mo! Yuck ka talaga!"


"Why?" nagtatakang puna ng binata ng mapagmasdan ang reaksyon ng dalaga. "Ano nanaman kaya ang naisip nito? At tila nandidiri ang reaksyon?"


"Nothing!" tipid na sagot ng dalagang ibinalik ang pagkaseryoso ng mukha. "Law # 1. Huwag kang pansinin papa. Kaya bahala ka muna sa buhay mo. Magpakasarap ka sa laway ko. Hahaha!"


"Nothing? Alam kong meron, sa paraan ng pagbabago ng ekpresyon ng mukha mo? I know may tinatago ka. Or should I say.. May ginawa kang kalokohan?" panghuhuli nito.


"Hindi ah! Ano akala mo sakin? Mangkukulam?" mulagat ang matang dipensa ng dalaga sa sarili.


"See? Defensive kaagad? May ginawa ka ano?" nanghihinala ng wika ng binata. Inilapag muna niya ang taza ng kape sa mesa at pinag aaralangn mabuti ang inaakto nito na tila hindi mapakaling sekretarya.


"Wala! Wala akong ginawa. Bakit ka ba ng aakusa? Inosenti kaya ako, kaya't huwag kang nambibintang diyan. Kung wala kang ebidensiyang ipapakita na may ginawa ako. D'yan kana nga."


Napatayo bigla ang binatang sinundan ang dalagang nagmamadaling lumabas ng private room. Hindi pa man ito nakarating sa pintuan ay nahawakan na niya ito sa braso at iniharap sa kanya. "Tell me, may ginawa ka ano?" ani niya sa hindi na mapakaling dalaga.


"Wala nga. Wala akong ginawa.."


"Kung wala kang ginawa, bakit ka nate-tense? Hmmm?" saad pa niyang inilapit ang mukha sa mukha ng dalaga.


"Diyos ko! Ganito ba umepekto ang gayuma ko? Waaahhhh, naiinlove na yata si Papa Trance sa akin. Ang galing naman.." lihim na wika ng dalaga sa sariling tikom ang labing tinitigan lang ang binata.


"What? Hindi ka ba aamin?" ulit ni Trance sa dalaga.


"Wala akong dapat aminin dahil wala naman akong ginawa. Promise, cross my heart.. Mainlove ka man sa akin ay okay na okay lang sa akin." mabilis na sagot ng dalaga. "I mean, joke lang.." pilit na napangiting bawi niya ng titig na titig ang binata sa kanya.


"Hala! Oh, hala, plus oh lalah.. Natulala kana papa? My god lord! Patawarin niyo po ako sa aking munting kasalang pangagayuma kay papa.. Tumalab na nga yata, at bigla na siyang natulala.."


"Hoy! Maganda na ba ako?" mahinang sambit niya sa hindi pa rin natinag na binata. "Nakakatakot naman ito, ganito ba umipekto ang gayuma? My god! Papa, magsalita ka nga."



Bigla nanamang natigilan ang binata ng mahawakan ang braso ng sekretarya niyang may saltik. Lalo na ng mapatingin siya sa mapupulang labi nito. Naalala nanaman niya kung gaano kalambot ang labi ng dalaga. Kung gaano katamis ang mapupulang labi nito na tila nang aanyaya sa kanya para halikan ito.


Tila siya naestatwa sa kinatatayuan, habang hawak pa rin ng kanyang kamay ang braso ng dalaga. Hindi na niya naiintindihan kung ano ang pinagsasabi nito dahil hindi maalis ang kanyang paningin sa labi ng dalaga. Gusto niya muling madampian ang nakakapanabik na labi nito. Kaya wala sa sariling unti-unti na palang lumalapit ang kanyang mukha sa mukha ng dalaga.


"Dyos ko! Ano ba ito? Hahalikan nanaman ba ako ni papa Trance? Shit! Malapit na ang labi niya sa labi ko uh. Sasampalin ko ba siya?" mga katanungang sumisiksik sa utak ng dalaga. "Pero, baka ito na nga ang bunga ng aking gayuma? Oh, Lord! Patawarin niyo po ako, please.. Patawarin niyo po ako. Kasalanan man ang manggayuma, ay patawarin niyo nalang ako.." muling sambit niya sa sarili bago napapikit ng kanyang mga mata.


Ilang segundo pa, ay naramdaman na ng dalaga ang mainit na labi ng binata sa kanyang labi. Marahang inangkin nito ang kanyang labi. Kusa naman siyang gumanti ng halik sa binata. "Hahahaha! Akin kana papa!" sigaw ng kayang utak habang gumaganti ng halik dito.


Muli niyang naramdaman ang kamay ng binata, na humagod sa kanyang likod. Tulad ng ginawa nito sa opisa nito sa la'De Vera Motors. Mga haplos nitong paakyat sa kanyang balikat. Habang hindi maalis ang labi nito sa kanyang labi.


Napayakap na ang dalaga dit0. Habang nakaramdam na rin siya ng pag iinit ng kanyang katawan. Bahala na kung anong isipin ng binata sa kanya, basta ang alam lang niya ay na eexcite siya sa kanyang bagong pakiramdam.


Sa kanyang bagong karanasan. Karanasang mahalikan ng lalaking itinatangi ng kanyang puso't isipan. Ang lalaking napag pasaltik umano sa kanyang utak.


Bigla siyang napangiti ng maramdaman ang kamay ng binata na mahinang pinisil ang kanyang pwet. Tila siya nababaliw sa pakiramdam na kanyang naranasan ng bigla na lamang siyang magulat ng mapahalakhak ng malakas ang kanyang kaharap na binata. At huli na niya na-realize na hindi naman pala siya hinahalikan ng kanyang papa Trance. Maliban na lamang sa mahigpit pa rin nitong hawak ang kanyang braso.



"Nanaginip ka nanaman ba Ms. Arnaiz?" maya maya ay wika ng binata ng makabawi sa malakas na pagtawa. "Huwag mong sabihin na malayo nanaman ang narating ng utak mo? Kung ako sayo, mag patingin kana sa espesyalista. Bago pa mahuli ang lahat at tuluyan ng masiraan ka ng bait." dagdag pa nitong binitawan ang kanyang braso.