Young Mom

"E-erick.." mahinang tawag ni Ashley sa kasintahan. Nasa boarding house niya silang dalawa at kanina pa siya hindi mapalagay sa kina-uupuan. Kaya't lakas loob na niyang kinalabit ang kasintahang busy pa rin sa pagbabasa sa hawak na libro.

Young Mom
By CatchMe

"Bakit? May problema ba? Kanina pa kita napapansing hindi mapakali 'ah." baling ng binatang ibinaba ang binabasang libro.



Ga-graduate na kasi ito ngayong taon sa kursong Chemical Engineering. Habang ang kasintahang si Ashley ay nasa second year pa lamang sa kursong Office Administration. Magkaiba ang paaralang kanilang pinapasukan. Ngunit magkalapit lamang ang kanilang boarding house. Minsan kasi ng ginabi siya ng uwi ay nadaanan niyang binabastos ng mga lasing na tambay ang dalaga. At hindi siya nagdalawang isip na tulungan ito. At simula ng insidenting iyon ay naging magkalapit silang dalawa. Ilang buwan pa ang lumipas at naging magkasintahan sila.



"Kasi ano 'eh." nag alala ang boses na mas lalong hindi mapakali ang dalaga.



"Anong ano?"



"Buntis ako." kagat labing napayuko ang dalaga.



Mahina lang ang pagkakasabi ng dalaga. Ngunit tila bombang sumabog naman sa tenga ng binata ang sinabi nito. Napaharap siya bigla dito para siguradohin kung nagsasabi ito ng totoo. Pero nakayuko ang kanyang kasintahan na tila pinipigilan ang sariling mapaiyak. "You're kidding me, right?"



Napailing ang dalagang pigil-pigil ang sariling mapaiyak. Alam niyang ayaw ng kasintahang mabuntis siya. Dahil sa pangarap nitong makatapos muna sa pag-aaral. "Erick, totoong buntis ako. Dalawang buwan na. Nagbunga ang ginawa nating--"



"No! Ash, no! Hindi pwede!" biglang protista nito.



"Pero, Erick--"



"Alam mo namang nag aaral pa ako diba? Paano na tayo pag hindi ako nakapagtapos? Paano kita bubuhayin? Paano ang kinabukasan ng anak natin? Saan tayo pupulitin? Ash, please, intindihin mo naman ako." sunod sunod na wika ng binatang ikinabigla ng dalaga.



Ano ang ibig sabihin ng kanyang kasintahan? Nagugulohang bumagsak na ang pinipigil na luha ng dalaga. "What do you mean, Erick?" garalgal ang boses na muling napayuko ang dalaga.



"Huwag mong ituloy ang pagbubuntis mo Ashley."



"Ano?! Erick--" mas lalong napaiyak ang dalagang hindi makapaniwala sa narinig buhat sa kasintahan. "Gusto mong ipalaglag ko ang bata? My god Erick. Hindi ko kaya." aniya. Paano nito makakayang ipalaglag ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan? Wala na ba itong puso? Para patayin ang sariling dugo at laman nito na nasa kanyang sinapupunan?



"Listen hon, ayoko man sana itong mangyari. Pero hindi pa pwede, at indi pa ako handa. I mean, hindi pa natin kaya. Dahil wala pa tayong trabaho." pilit na paliwanag ng nagugulohan ring binata.



"Pero--"



"Please Ashley, makinig ka naman sa akin 'uh." agaw ng binatang tumaas na ang boses. "Hindi mo ba naiintindihang hindi pa ako handa! Shit! Kung bakit kasi nagpabuntis ka 'eh. Diba nag pi-pills ka?"



"Erick, I'm sorry. Pero itinigil ko na kasi ang pagpi-pills kasi nahihilo ako." paiyak pa ring sagot ng dalaga.



"Yan! Tingnan mo 'yang ginawa mo at nagkaka-problema pa tayo dahil sa kapabayaan mo. Damn!" mahinang mura nitong napatayo.



Agad na napatayo na rin ang dalaga at pinigilan ang kasintahan. "Erick, s-saan ka pupunta? Please Erick, huwag mo naman akong iwanan. Kailangan kita ngayon. Kailangang kailangan kita Erick, please don't leave." patuloy sa pag iyak na yumakap sa nakatalikod na kasintahan.



Napilitang humarap ang binata sa kanya at naaawang inangat ang mukha ng kasintahan. "Hon, I'm sorry..nabigla lang ako. I'm really sorry hon." mahinang sambit niya.



Gamit ang kanyang dalawang hinlalaki, ay pinunasan nito ang basang mukha ng dalaga. Napayakap naman ng mahigpit ang dalaga sa kasintahan. Habang hinahayaan lamang ng binatang umiyak ang kasintahan sa kanyang palapad na dibdib. Para gumaan ang pakiramdam nito. Marahan niyang hinagod ang likod ng dalaga hanggang sa tumahan. Maya-maya pa ay hinalikan niya ito sa noo, at muling niyakap.




Tatlong araw na ang nakalipas ng aminin ni Ashley sa kasintahan ang kanyang kalagayan. Napagkasunduan nilang ipagpatuloy na lamang niya ang kanyang pagbubuntis. Masaya siya ng pumayag ang kasintahan at humingi ng paumanhin sa inakto nito sa kanya. Ayon dito ay nabigla lamang ito at nagugulohan para sa kanilang kinabukasan.



Maagang pumasok sa paaralan ang dalaga. Sa edad niyang bente ay nasa second year college pa rin siya. Dahil sa hirap ng buhay, ay hindi niya nagawang mag aral ng tuloy tuloy. Ilang beses na rin siyang napatigil sa pag aaral dahil sa kakulangan ng pera. Napaisip siya sa kanyang kalagayan ngayon. Tiyak nanaman niyang titigil nanaman siya ng pag-aaral dahil siya ay buntis. Napabuntong hininga siya habang naglalakad sa pasilyo patungo sa computer room.



"Ashley, namumutla ka. Masama ba ang pakiramdam mo?" pansin ng kaibigan niyang si Alesa.



"Ha? Ahm, hindi naman." kaila niyang napayuko.



Sa totoo lang kanina pa siya pinagpawisan ng malagkit. Hindi naman siya nasusuka, pero nakakaramdam siya ng pagkahilo. Lalo na pag masyadong maingay ang kanyang mga kaklase pag wala pa ang kanilang instructor. Gusto niyang lumabas para maka-sagap ng preskong hangin. Dahil sa halo-halong amoy sa loob ng kanilang classroom.



Mariing napapikit ang dalaga ng maalala ang kasintahang si Erick. Napangiti siyang kinuha ang kanyang cellphone para tingnan. Baka merong mensahe ang binata para sa kanya. Ngunit nakaramdam siya ng pananamlay ng wala man lang ni isang mensahe na nanggaling sa binata. Muli siyang napabuntong hininga at ibinalik ang cellphone sa kanyang bag ng dumating na ang kanilang instructor. Dumaan ang maghapon ay hindi manlang nagparamdam sa kanya ang kasintahan.



Bali-baligtad ang dalaga sa kanyang higaan. Habang malalim ang iniisip. Kanina pa niya kino-kontak ang binata pero palaging patay ang cellphone nito. Nakaramdam na siya ng pag alala. Baka may masamang nangyari sa kanyang kasintahan na hindi niya alam. "Diyos ko, huwag naman po sana." mahinang sambit ng dalagang niyakap ang unan.



Kinabukasan ay maagang nagising si Ashley. Napagpasyahan niya kagabi bago matulog na puntahan na lamang ang binata sa boarding house nito. Sukbit niya ang kanyang bag, at may hawak na libro ang mga kamay na tinahak ang daan patungo sa boarding house ng binata.



"Magandang umaga po ate Rona, nan'dyan pa ba si Erick?" bungad niya ng makita ang anak ng land lady ng boarding house ng kasintahan.



"Uy Ashley, ikaw pala. Musta kana?" masayang wika nito ng makita siya.



"Okay naman 'te. Si Erick pala, nan'dyan pa ba?"



"Ha? Diba dalawang araw na siyang umalis dito? Lumipat na daw ng boarding house sabi ni mama."



"Po? S-saan po siya lumipat 'te?" nag alalang tanong niya dito. Nabigla siya sa kanyang nalaman at biglang nilukob ng kaba ang kanyang dibdib na hindi niya maintindihan.



"Naku Ash, 'yan ang hindi ko alam. Bakit? Hindi ba nagpasabi sayo si Erick?"



Napailing na lamang ang dalagang napayuko. "Sige po 'te. Mauna na lang po ako." paalam na lamang niya dito.



Mabigat ang mga paang tinahak muli ng dalaga ang daan pabalik sa kanyang boarding house. Pigil-pigil niya ang sariling mapaiyak na mas lalo pang binilisan ang paglakad. Samo't saring mga katanungan ang umiikot sa kanyang isipan. Kung bakit umalis ang kanyang kasintahan sa boarding house nito. Kung bakit hindi na ito nagpakita sa kanya. Kung bakit hindi na nagparamdam. O tumawag manlang. Kaya ba palaging naka off ang cellphone nito? Dahil sa iniiwasan na siya ng binata?



Agad na bumulwak ang luha ng dalaga pagkapasok sa kanyang inuukupang kwarto.
Isinubsob niya ang kanyang mukha sa unan habang patuloy sa pag daloy ang kanyang mga luha.



Paano na siya ngayon? Paano na ang kanyang anak? Ano nalang ang sasabihin ng kanyang ina? Ng kanyang pamilya? Mas lalo pang bumuhos ang kanyang mga luha sa maaring mangyari sa kanya at sa batang nasa kanyang sinapupunan. Patuloy lamang siya sa pag iyak hanggang sa mapagod. At hindi na niya namalayang nakatulog na pala siyang may luha sa mga mata.



Pagkalam ng sikmura ang nagpagising kay Ashley. Pagdilat ng kanyang mga mata ay agad na napatingin siya sa maliit na orasan sa kanyang bedside table. Mag aala-una na pala ng hapon. Ni hindi manlang siya nagising dahil sa pagod. Pagod sa kakaiyak dahil sa awa sa kanyang kalagayan.



Muling nag iinit ang mata ng dalaga ng maalalang wala na ang lalaking mahal niya. Ang lalaking sinukuan niya ng kanyang pagkababae. Ang lalaking ama ng kanyang anak, ay iniwan na siya. Namalisbis ang mainit na luha sa kanyang pisngi. Inilagay niya ang kanyang dalawang palad sa pipis niyang puson. Marahan niyang hinahaplos iyon.



"Baby, I'm sorry.. Wala ka ng ama. Wala na tayong makakasama. Iniwan na niya tayo." bulong niyang patuloy sa pagmamalisbis ang mainit na luha sa kanyang pisngi. "Bakit ganun baby? Mahal ko naman si papa mo diba? Pero bakit niya tayo iniwan? Bakit baby? Bakit? Hindi ba niya tayo mahal?" mas lalong napahagolgol ang dalaga habang patuloy na hinagod ang pipis na puson.





"Sigurado kaba friendship? Isipin mo muna ng isanda-ang beses ang plano mo. Baka nabigla kalang." si Alesa.



Nakapag-desisyon na siyang ipalaglag ang sa kanyang sinapupunan. Hindi niya kayang buhayin ang bata. Lalong lalo na nag iisa lamang siya. Hindi pa niya kayang harapin ang kanyang pamilya. Hindi niya kayang salubongin ang galit ng mga ito pag nalaman ng pamilya niya ang kanyang sitwasyon. Napayuko siya sa kaibigang pinipigilang mapahikbi, masakit man para sa kanya ang gagawin ay wala na siyang magawa. Mas mainam ng ipalaglag niya ang batang nasa kanyang sinapupunan. Para hindi na siya mahirapan.



Gusto pa niyang makatapos sa pag aaral. Tulad ng pangarap ng kanyang ina sa kanya. Dahil gusto niyang iahon sa hirap ang kanyang pamilya. Kaya't naisipan niyang ipalaglag na lamang ang nasa kanyang sinapupunan para ipagpatuloy ang kanyang pangarap.



"Alam mo friendship, hindi ka naman nag iisa 'eh. Nandito pa ako, handang tulungan ka para sa anak mo." pag aalo ng kanyang matalik na kaibigan. "Tsaka, akala mo ba ganun lang kadali ang mag pa abort? My god, friendship! Hindi mo ba alam na pati buhay mo ay pwedeng kunin ni kamatayan? Hindi lang ang bata ang maaring mamatay. Pwede ring pati ikaw!" dagdag paliwanag pa nitong sa kanya.



Nakaramdam ng pangingilabot si Ashley buhat sa sinabi ng kaibigan. Napakagat labi siyang napahaplos sa kanyang tiyan at hindi napigilang tumulo ang kanyang mga luha.



"Friendship, hindi naman sa tinatakot kita. Pero totoo ang sinasabi ko. Bakit mo pa ipalaglag ang iyong anak? Kung nagkasala ka man, ay huwag mong idamay ang batang nasa sinapupunan mo. Ipakita mo sa mundong kaya mong buhayin ang anak mo. Kausapin mo si nanay. Alam kong maiintindihan ka niya, dahil isa din siyang ina. Huwag kang sumuko agad friendship. Alalahanin mong hindi ka nag iisa. Nandito pa ako, handa akong tulungan ka at sa magiging anak mo. Isipin mo rin ang pamilya mo. Tiyak na hindi ka nila pababayaan."



Mas lalo pang napahagolgol ang dalaga sa sinabi ng kanyang kaibigan. Mahigpit niya itong niyakap habang lumuluha. "Thank you, friendship. Thank you sa lahat ng paliwanag mo sa akin. Tama ka nga. Kakayanin ko ang lahat para sa aking anak." umiiyak na wika ng dalaga habang yakap yakap ang matalik na kaibigan.



Matapos makipag-usap sa kaibigan, ay humarap si Ashley sa kanyang pamilya. Katakot-takot na sermon ang natanggap niya buhat sa mga ito. Kahit nagalit man ang kanyang pamilya, ay bukas palad pa rin siyang tinanggap dahil sa kanyang kamalian.



Simula noon ay ipinangako niya sa sarili na maging matapang sa pagharap sa buhay. Bubuhayin niya ang kanyang anak sa abot ng kanyang makakaya. Siguro nga, hindi talaga para sa isa't isa ni Erick. Na hindi sila itinadhana. At tanggap na niya iyon. Kung maging isang dalagang ina ang kanyang kapalaran, ay taos puso niya itong tinanggap.




"Aahhh!" may kalakasang sigaw ng dalaga. Pinagpawisan na ang kanyang mukha at hirap na hirap pa rin siyang ilabas ang nasa kanyang sinapupunan.



"Isa pa, okay? One, two, and push!" Ulit ng midwife na naka assign kay Ashley.



Agad naman niyang sinunod at ubod lakas na napasigaw dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Tila mapupugto na ang kanyang hininga ng maramdaman ang mainit na likido sa kanyang pagkababae kasabay nito ang pag labas ng bata. Ang kanina lang ay sigaw niya ang uma-alingawngaw sa loob ng delivery room, ngayon ay napalitan na ng iyak ng sanggol.



Nanghihinang pilit idinidilat ni Ashley ang kanyang mata. Gumuhit sa kanyang labi ang ngiti ng masilayan ang malusog na sanggol na inilapag ng midwife sa kanyang puson. Hanggang sa kusang napapikit na ang kanyang mga mata dahil sa sobrang pagod.



"Tulog na, baby.." mahinang pagheheli ang nagpagising kay Ashley. Ang kanyang ina, habang masayang pinagheheli ang kanyang anak. "Uh Ashley, gising kana pala. Tingnan mo ang anak mo 'uh. Ang pogi pogi. Mana sa akin ang mata." natatawang sambit ng kanyang ina.



"Pati ilong kamo." agaw ng kuya niyang natatawa.



"Ate, ate, ang cute cute ng baby mo. Ang ganda ng mata. Parang mata ni Dao Ming Zu." sambit naman ng nakakabatang kapatid niyang si Jenny. Ang tinutukoy nito ay isang taiwanese na actor.



Natatawa na lamang niyang kinuha ang kanyang anak ng iabot ng kanyang ina sa kanya. Bigla tumulo ang kanyang luha sa mata ng masilayan ang kabuu-an ng kanyang anak. Marahan niya itong itinaas at dinampian ng magaan na halik sa magkabilang pisngi. "Baby ko.. Love ka ni mama, tandaan mo 'yan palagi ha?" naluluhang kausap niya sa maliit na sanggol. Para namang may isip ang sanggol na biglang napangiti habang nakapikit. Natatawa siyang na-iiyak sa ginawi ng kanyang anak. "Ma, naririnig ako ng baby ko." lumuluhang baling niya sa ina. "Ngumiti siya sa sinabi kong mahal ko siya ma."



"Hush, tama na nga 'yang pag iyak mo anak. Baka mamaya sisimangot na iyang munting anghel mo sige ka." napatawa na lamang siya sa biro ng ina.



"I love you baby." muling sambit niyang hinalikan ulit ang kanyang munting anghel.



Kung saan man ngayon ang ama ng kanyang anak, ay pinapatawad na niya ito. Sa kasalanang pang iiwan nito sa kanila. Ayaw niyang magtanim ng galit dito, bagkos ay malaking pasasalamat pa ang ibinulong niya. Dahil sa munting anghel na kanyang kayakap

No comments:

Post a Comment