Ang Katarayan.. bow!





Dahil sa KATARAYAN, may bigla akong may naalala noong COLLEGE ako.. Hahaha..

Sa totoo lang, hindi naman ako ganoon kataray.. nagtataray lang naman ako pag may sinabi ako, o may sinaway ako na sa tingin ko ay mali ang ginawa niya.. 

(In short, lumalabas ang pagka-MATARAY ko pag may naaaping tao.. Kumbaga, DEHADO..)

Di ko alam kung MATARAY ba talaga ako, o SADYANG PRANGKA lang akong tao kaya lumabas na MATARAY AKO..

(Hindi ako MATARAY pag alam kong TAMA, dahil alam ko kung saan ko ilagay ang sarili ko, kung mali ako)

Scene: Nasa School ako..

Sa classroom, tahimik lang akong nakaupo habang naghihintay kami sa next teacher namin.. Pasukan noon at One week palang yun kaya di pa namin masyado ka close ung mga kaklase namin kasi bago lang..

Medyo aloof sakin mga kaklase ko kasi tahimik akong tao, at pag di ko feel ang usapan di ako nakikisali..

Dagdag pa siguro sa Maldita kong katauhan ay yung..

Pag naglalakad daw ako ay para daw akong walang pakialam sa paligid dahil nakataas noo daw ako kung maglakad.. Ika nga nila para daw akong nasa CATWALK..

(yan ang tawag sakin since HS na ginagaya ng ibang kaklase ko.. Hahaha)

Balik tayo sa eksena..

May kaklase akong tahimik, mahiyain at parang walang self confidence..

Yung isa naman ay maingay, maarte, sossy at maraming kaibigan kasi puro paganda lang ang ginagawa palagi..

So itong si Ms Sossy, ay binato ng Wrapper ng kendi itong si Ms. Shy.. Tapos tumawa silang lahat..

Pero si Ms. Shy, napayuko lang at nanainimik parin.. Di man lang nagreact..

So, si Ako naman na pakialamera sinita ko si Ms. Chossy.. Medyo uminit ang braincells ko, kaya napatayo ako at nilapitan siya..

"Ba't mo siya binato? Kung ikaw kaya ang batuhin, masaya ka?" Mahina kong sabi sa kanya..

"Di ko naman siya binato. Tinapon ko lang yung plastic," Sagot niya.

"Talaga? Sa tingin mo, basurahan siya?" Seryoso ang mukha na tanong ko ulit..

"Sorry.." Aniya at pinulot yung plastik ng kendi na ginawa niyang parang bola-bola..

"Sa kanya ka magsorry, dahil siya ang binato mo.." Ani ko..

Nagsorry nga siya.. Kaya bumalik na ako sa upuan ko..

----------

Pagkalipas ng ilang araw.. Nakipagkaibigan sakin si Ms. Chossy.. Na tinanggap ko naman..

Dahil di naman ibig sabihin na pag nagalit ka sa isang tao, ay forever ka ng magagalit.. Syempre, meron talagang time na maiinis ka nalang sa maling ginawa niya..

Na hindi porke't hindi lumalaban yung inaapi mo ay gagawin mo siyang laughing stuffed for your own happiness..


Lessons:

Matoto tayong rumespito ng kapwa natin..

Di porket sikat ka ay aapakan mo nalang iyong ibang tao na walang kalaban laban sayo..

Isipin lagi na:

Kung ayaw mong gawin sayo, huwag mong gawin sa iba..

(Pero dapat nasa lugar naman ang katarayan mo.. Hihihi)

--------

Ang unang EKSPRESYON ng makakita sakin ay isa akong, MALDITA at MATARAY..

Dahil daw sa Nakita nilang panlabas kong ANYO..
(May sariling mundo daw ako kung maglakad)


Pero pag nakilala at nakasama na nila ako ito na ang sinabi nila:


"Kalog karin pala, akala ko suplada ka, ayos, ah.." Blah blah blah -JB (boy)

"Akala ko noong una Me, maldita ka.. Di pala.." Blah blah blah -Kent (boy)

"Noong una, kala ko suplada ka kasi astig mong maglakad. Ginagaya nga kita.." -Jonalyn (girl)
(Natawa talaga ako dito)

"Mukha kang suplada, pero ugali mo lukaret.." -Maya (girl)

At marami pang iba..
Hahahaha! Wala lang, share ko lang,. Hahahaha.. Wala kasi akong maipost kaya mga ka-eklatan nalang ang pinopost ko.. Lol..








Photo Model are:





CatchMe


Noorell


SimSimi





hahahahahahahahaha

2 comments:

  1. talagang kasama si simsimi ah hehehe! walang masamang magtaray kung nasa lugar hehehe...

    ang mahalaga di ka nagpapa api hehehe lumaban kung kinakailangan hehehe

    Si Ms Shy naging kaibigan mo ba? buti di na siya ulit binato hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naging magkaibigan narin kami.. hahahahaha..
      etchusera lang talaga ako.. hahahahaha

      Delete