Seducing Mr. Look-a-like Chapter 11


Seducing Mr. Look-a-Like
By: CatchMe

Chapter 11


NAPATAWA ng malakas ang dalaga sa reaksyon ng binatang nasa kabilang linya. "Oh, na-miss mo talaga ako no? Hindi mo rin pala matiis na hindi makita ang kagandahan ko, at napatawag ka agad?"


"What the heck!" kagat labing sambit ng binata na pilit pinagtitimpi ang sarili sa sinabi ng dalaga sa kanya. "Ako? Si Trance De Vera, ay nami-miss ang babaeng may saltik?" Ngunit ng biglang matigilan. "Am i? No. No no,"


"Excuse me Ms. Arnaiz, tumawag ako sayo hindi dahil sa na miss kita."


"Eh kung hindi dahil sa na miss mo ako, bakit ka napatawag? Ha?" taas ang kilay na nagpipigil sa muling pagtawa ang dalaga.


"Hinahanap ko ang files na pinagawa ko sayo kahapon. At hindi ko alam kung saan mo iyon inilagay." palusot na wika ng binatang lihim na napabuga ng hangin habang hinihimas ang sariling sentido.


"Hmmm, sigurado kang files ha?"


"Ofcourse!" defensive na sagot ng binata.


"Are you sure?" paniniguro pa ng dalaga.


"Yes!"


"Final answer?"


"What the--" nanggigil na mas lalo pang napakunot ang no-ong gustong bagsakan ng hawak na telepono ang dalaga. "Pwede bang sagutin mo nalang ako?!" singhal niya dito ng marinig ang malakas na halakhak ng dalaga sa kabilang linya.


"Damn, she's really crazy!"


"Hindi! Hindi ko sasabihin kong nasaan ang files na yun, kung hindi mo aamining nami-miss mo ako." habol ang hiningang tatawa-tawa ang dalaga.


"Inaatake ka nanaman ba ng saltik mo!?"


"Anong saltik? Baka ikaw may saltik! Bakit kasi hindi mo nalang aaminin na nami-miss mo ako. Na nami-miss mo ang kagandahan ko." at binuntutan nanaman ng malakas na tawa ng dalaga ng marinig ang malakas na pag bagsak ng telepono sa kabilang linya.


"Hala! Napikon si papa Trance." nag alalang biglang napatigil ang dalagang inilayo ang hawak na cellphone sa kanyang tenga.



INIS na napaupo ang binata sa chivel chair na tila napagod at isinandal ang likod sa sandalan ng upuan. "Sobra talaga ang babaeng 'yun. Ang lakas ng self confidence sa katawan. Ano feeling niya? Ganun na siya kaganda?"


"Maganda naman talaga diba?" sagot ng kabilang isip ng binata.


"Oo, na. Oo, na. Maganda na kung maganda. Pero may saltik pa rin ang babaeng yun." nanggigil pa ring wika niya sa sarili ng tumunog ang kanyang telepono sa ibabaw ng mesa. Tiningnan na lamang niya ito at hinayaang patuloy sa pagtunog hanggang sa kusang tumigil ito. Maya maya pa ay may pumasok sa private room. Isa sa empleyada ng kompanya. Hawak hawak nito ang nakabukas ng laptop at inilapag sa kanyang mesa.


"Sir, tumawag po si Ms. Arnaiz. Yung files daw na pinapagawa niyo sa kanya ay nandito pa po sa documents niya. Paki check nalang daw po at ipi-print out ko nalang."


Tinanggap naman ito ng binata at tiningnan ng makalabas na ng private room ang empleyada. Napangiti siya sa sariling nakatingin lang sa screen ng laptop. Dahil ang totoo ay wala naman talaga siyang kailangan. Nasabi na lamang niya ito sa dalaga dahil wala siya ma mahanap na sagot kung bakit siya napatawag dito. Hanggang sa mapakunot nuo ng may limang minuto na siyang nakatitig lang sa laptop ng dalaga ay lumabas sa screen saver nito ang imahe ng gwapong lalaki.


"Enrique Iglesias?" napailing na sambit niya sa sarili ng may maisipan. Tiningnan niya ang laman ng laptop ng dalaga. Hanggang sa mapaduko siya sa photo album na naruon. Tulak ng kuryusidad ay isa-isa niyang binuksan ito at tumambad ang maraming larawan ng binatang singer na si Enrique Iglesias.


Yes. Kilala niya si Enrique Iglesias. Ang tinguriang The Hotest male singer of the world. Dahil sa taglay nitong kagwapohan at kamatsuhan. At hindi lang ilang beses siyang mapag-kamalang si Enrique Iglesias dahil kamukha daw umano niya ang sikat na international singer. At meron pa daw siyang kamukha na lokal na sikat na singer daw bansang Pilipinas, ayon sa kapatid niyang babae.


Syempre, hindi na siya nag-aksaya ng panahong kilalanin kung sino man yun. Dahil hindi naman siya interesado. Ano siya? Bakla na magkakandarapa sa isang sikat na male singer? Muli siyang napailing at mahinang napatawa.


Maya-maya pa ay binuksan niya ang isa pang folder na "Me, I, & Myself" ang nakalagay na filename. At ganun na lamang ang lawak ng kanyang ngiti ng masilayan ang iba't ibang kuha na litrato ng dalaga. Hindi pa niya napigilang mapahalakhak dahil sa isang litrato ng dalagang nakangiwi at may bahid ng make-up ang mukha na tila isang mangkukulam, dahil sa sabog pa ang buhok nito. Tila ito pinagkaisahan at ninakawan ng litrato.


Enjoy na enjoy siyang nanunuod sa slide show ng dalaga, habang hindi mapuknit ang ngiti sa kanyang labi. Nang bigla na lamang makarinig ng marahang katok at bumukas ang pintuan ng private room. Mabilis siyang umayos ng upo at pinindot ang mouse para ibalik sa documents files, at nagkukunyaring busy sa pagbabasa.


"Ahm, tapos na po ba sir?"


Seryosong nag angat ng mukha ang binata at muling napayuko. "Print this out, emmediately."

"Yes, sir. I will."


Napabuga siya ng hangin na sinundan ang empleyadang dala-dala ang laptop ng substitute secretary na may saltik. At muling napailing na kinuha ang folder na nasa kanyang mesa at binasa.



"Whoaah! Congratulations sister!" masayang bati ng dalaga sa kaibigang si Michelle. Habang mangiyak-ngiyak itong kayakap ang kasintahang si Rufino. Nasa isang mamahaling Bar and Restaurant sila. Kasama sina Frelyn, Jonalyn, Mai, MariChu, Maria Trexie, Angel Jean, Hilda, Vanessa, Cherielyn at magkasintahang sina Zakuragi at Hanamichi.


Maluha-luhang tinitigan ng kaibigan ang kumikislap na engagement ring na binigay ng kasintahan nitong si Rufino. Habang patapos ng kantahin ng pinsan niyang si Noel ang kantang beautiful girl. Nakangiting lumapit ang pinsang singer sa mga ito at binati.


"Taran! Kainan na!!" masayang sigaw ni Jonalyn. Lumapit naman ang lahat at pinagsaluhan ang pagkaing nakahain sa mahabang mesa.


Pagkatapos kumain, at ligpitin ng waitress ang kanilang pinagkainan ay umorder sila ng inumin. Nasa maliit na stage naman si Jonalyn kasama sina Frelyn at Cherielyn na kumakanta habang nakatingin sa malaking flat intertainment screen ng Bar & Restaurant.


"Buti, at ito ang nakuha mong venue kas. May privacy tayo mula sa ibang customer." wika ni Noel na umupo sa kanyang tabi hawak ang bote ng inumin.


"Syempre! Ako pa?" turo niya sa sariling natatawa. "Baka nakalimutan mo. Isa akong event organizer."


"Swerte ng dalawa ano?" pag iiba ng binatang singer sa usapan.


"Ano?"


"Sabi ko ang swerte ng dalawang magkasintahan! Enggaged na sila, tayo hindi pa!" may kalakasang sagot ni Noel na inilapit ang baba sa tenga ng dala. Maingay kasi sa kanilang pwesto dahil sa malakas na boses ng kanilang kaopisina na kumakanta.



KAKAPASOK lang ni Trance sa isang sikat na Bar & Restaurant para makipag kita sa isa niyang kliyente. Ini-rekomenda sa kanya ng isa niyang kaibigan na bibili daw ng isang mamahaling brand new na kotse sa kanya. Nagtataka pa siya kung bakit gusto pa nitong dito pa sila mag meet sa bar. Kung maari namang pumunta ito sa La'De Vera Motor's. Napatiim bagang na lamang siyang naupo malapit sa counter at umorder ng chivas sa bartender. Napalinga siya sa kabuo-an ng sikat na Bar & Restaurant ng mapakun0t nu-o ng makita ang pamilyar na mukha sa loob ng isang reserved room ng naturang bar.


"What the hell is she's doing here?"


Dahil glassed wall ang ginamit na wall ng reserved room, kitang-kita niya ang dalagang masayang ipinapalakpak ang mga kamay mula sa kanyang kinauupuan sa counter. Ibinaling niya ang paningin sa kabila kung saan nakatingin ang dalaga. At nakita niya ang halos lahat na empleyado ng opisina ay nasa loob ng reserved room. Tila may salo-salong nagaganap at nagkakasayahan ang mga ito.


"Sir, heto na po yung order niyo."


"Thank you." matipid niyang sagot sa bartender at ibinalik ang paningin sa dalaga. Napatayo siya bigla ng may isang lalaking tumabi sa dalaga. Maya maya pa ay napatawa ito ng ilapit ng lalaki ang baba nito sa tenga ng kinaiinisang sekretarya.


"Ganito ba ang babaeng may sakit? She's flirting with that man!" nagpupuyos ang kaloobang naglakad siya palapit sa reserved room. Para ilayo ang dalaga sa katabi nitong lalaki. Na para sa kanya ay isang manyak!


No comments:

Post a Comment