Seducing Mr. Look-a-like Chapter 15



Seducing Mr. Look-a-Like
By: CatchMe

Chapter 15



HINDI makagalaw ang dalaga. Tila na-estatwa na yata siya ng maglapat ang kanilang labi. Ang mapupulang labi nitong matagal na niyang inaasam na mahalikan. Ang labing nagpapabaliw na yata sa kanya kung gaano kasarap halikan. At ito na. Itong ito na at naglapat na ang kanilang labi. "Anong gagawin ko?" nagugulohang tanong niya sa sarili ng walang aksyong ginawa ang dalaga. Nagmistula siyang tuod sa kinatatayuan, dahil sa pagkabigla.


Wala sa sariling ibinuka niya ang labi, hanggang sa maramdaman niyang gumapang ang kamay ng binata. Mula sa kanyang likod paakyat sa kanyang balikat. "Bahala na. Chance ko na 'to!" ani niyang ginantihan ang halik ng binata. Napapikit na rin siya ng hawakan nito ang likod ng kanyang ulo. Na tila naghahangad pa ng mas higit pa sa halik.


Nabigla rin ang binata sa kanyang ginawa ng halikan ang dalaga. Gusto niyang batukan ang sarili dahil sa kanyang reaksyon. Bibitawan na sana niya ito at hihingi ng tawad, ng maramdamang gumanti rin ito ng halik sa kanya. Tulak sa kanya ang ginawa nito, para mas lalong makaramdam ng pagnanasa sa dalaga. He caressed her back, up to her shoulder while he savored her sweet lips. Mas lalo pa niyang idiniin ang paghalik sa dalaga using his both hand at the back of Cher's head.


Biglang nahimasmasan ang dalaga ng maramdamang tila naging agresibo na ang binata. Kaya't naitulak ni Cher ito at namumula ang mukhang napayuko. "I'm sorry." nagugulohang sambit niya sabay kuha ng kanyang bag at tuloy tuloy na lumabas ng opisina ng binata.


"Cher! Sandali lang.!" habol ng binatang sinundan ang dalaga. Habang nagtatakang nakatingin sa kanya ang kanyang employee na nagmamadaling makababa sa hagdanan. Ngunit hindi na lumingon ang dalaga hanggang sa makalabas na sa main door ng gusali. "Damn!" mahinang mura na lamang niyang bumalik sa loob.


Napaupo siya sa kanyang chivel chair at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Nag alala siyang baka nagalit ang dalaga sa kanya. "Dammit, Trance! What you've done?" pagalit niyang anas sa sarili na muling tumayo. Tinungo niya ang slidding glassed window at dumungaw sa labas. Kalat na rin ang dilim sa paligid.


Muli siyang napabuntong hiningang nagpalakad-lakad sa loob ng hindi kalakihang opisina. Hanggang sa matigilan, at mapangiti dahil sa nangyaring halikan nila ng dalaga. Maya-maya pa ay umalis na rin siya.


Habang sakay ng taxi, ay hindi mapakali ang dalaga. Hindi pa rin siya makapaniwalang naghalikan sila ng binata sa opisina nito. Nahihiya siyang, natutuwa. Nahihiya, kung anong mukha ang ihaharap niya bukas sa binata. At natutuwa, dahil sa wakas ay nahalikan niya ang inaasam na labi ng binata. Bigla niyang hinaplos ang sariling labi. Na kani-kanina lang ay nahalikan nito. Nararamdaman pa rin niya ang init ng labi nito sa kanyang labi. Ang mabangong amoy ng hininga nitong ayaw maalis sa kanyang isipan. Napabuntong hininga siyang napasandal at ipinikit ang mata. "Nakakahiya! Anong gagawin ko bukas? Baka isipin ni papa Trance na, gusto ko rin ang ginawa niya?" nag alalang wika niya sa sarili. "Gusto mo naman talaga 'ah! Kunyari ka pa." sigaw ng kabilang utak ng dalaga. "Ah! Bahala na."



Kinabukasan, ay sinadya ng dalagang magpa-late. Dahil sa nahihiya siya sa binata at hindi niya alam kung anong sasabihin niya oras na magtanong ito. "Huh! Ano ba? Napa-paranoid na yata ako." naiinis na sambit niya sa sarili habang lulan ng elevator. Halos alas otso 'y medya na ng umaga. Pati paglakad niya ng makalabas ng elevator ay sobrang bagal din. Kung pwede nga lang na huwag nalang siyang humakbang para hindi makarating sa loob ng opisina ay ginawa na niya. Kaya heto siya. Daig pa niya ang prosesyon sa patay kung maglakad. Hanggang sapitin niya ang glassed door ng opisina. Nagdadalawang isip pa siya kung itutulak niya pabukas ang glassed door, or tatalikod nalang pabalik sa elevator. 


"Uh, bakit hindi kapa pumasok?"


Gulat na napalingon siya ng biglang may magsalita sa kanyang likuran. At ganun na lamang ang pagkabog ng kanyang puso ng masilayan ang gwapong mukha ng binata. Kaya't awtomatiko siyang napayuko at mabilis na itinulak pabukas ang glassed door. Ni hindi na niya binati ang binatang nakasunod sa kanyang likuran. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa cubicle niya. Nakayuko ang ulo niya ng lampasan siya ng binatang pumasok na rin sa private room.


"Whoahh!" napabuga siya ng hangin ng makaramdam na tila nangangapos na siya sa paghinga. Dahilan ng sobrang kabang nararamdaman niya. "Ano ka ba Cher? Huwag ka ngang magpa-apekto! Halik lang naman 'yun. Masyado ka namang O.A!" ani niya sa sarili ng makitang palapit si Karen sa kanya.


"Uy, girl? Uneasy ka yata ah? May problema ba?"


"Ha? Ah, wala." pilit ang ngiting sagot niya sa bagong kaibigan. Nagpapasalamat na rin siya. Kahit hindi man sila ganun ka close ng kaibigan ng kanyang pinsang si Rebecca, ay hindi naman iba ang pakikitungo ng mga ito sa kanya.


"Sigurado ka?"


"Oo naman! Huwag mo nalang akong pansinin."


"Sige," at nagpaalam na rin itong babalik sa cubicle nito.



"Sister," mahinang tawag ni Cher kay Michelle. Na agad namang lumapit sa kanya.


"Bakit sissy?"


"May sasabihin sana ako sayo 'eh. Nahihiya akong sabihin kay Karen."


"Ang alin?" interesado ang mukhang tanong ng dalaga.


Nagpalinga-linga muna siya bago inilapit ang labi sa tenga ng dalaga at ibinulong ang kanina pang gumugulo sa kanyang utak.


"What!? Oh my god!"


"Shhh! Huwag ka ngang maingay." 


"Oppss, sorry sissy." biglang hininaan ng dalaga ang boses na napangiti sa mga kasamahang napatingin sa kanila.


"Uy, ano yan ha? Hindi niyo ako sinasali. Hmp!" nagtatampong sabad ni Karen na bigla na lamang sumulpot sa likod ni Michelle.


"Ha? Ahm.. Ano kasi.." nag aalinlangang sagot ni Cher na napatingin kay Michelle.


"Okay lang yan sissy. Mapagkatiwalaan naman itong si Karen. Diba sissy?" ani ng dalagang nilingon ang kaibigan sa kanyang likuran. 


"Ofcourse! At bakit ganyan ang tingin mo sa akin? Na parang hindi ako mapagkakatiwalaan?" angal ni Karen sa natatawang si Michelle. 


"Wala! Mamaya nalang pag break. Si Cher nalang ang magsasabi sayo." saad ni Michelle. "Sissy, mamaya usap tayo!" kinikilig na sambit ng dalagang kinindatan si Cher. 


Napatango na lamang ang dalagang hindi mapakali sa kinauupuan. Nagulat pa siya ng biglang mag ring ang teleponong nasa kanyang mesa. Muling binundol ng kaba ang kanyang dibdib sa pag alalang si Trance ang tumawag sa kanyang mesa. 


"Montero-De Silva's Financial & Holdings Incorporation, Good morning!"


"Pasok ka muna dito sa office."


"Po? Ahm.. Busy ako." agap na sagot ng dalaga ng makilalang si Trance ang sa kabilang linya.


"Sandali lang. Pumasok ka muna dito."


"Busy nga ako, sir. Marami akong ginawa." pagdadahilan pa rin niya. Kahit ang totoo ay nahihiya siyang magpakita sa binata. "At ano naman ang ikakahiya ko? 'Eh sya naman ang hunalik sakin diba? ah ewan!"


"Papasok ka ba dito? O ako ako ang lalabas?" pabuntong hiningang wika ng binata sa kabilang linya.


"Ang kulit!" inis na sambit ng dalagang marahas na tumayo para pumasok ng private room. "Now, what?" agad na salubong niya dito.


"Excuse me? Don't you know how to talk in a nice way? Where's your manners anyway?"


"Aba! At may gana pang magtanong sa akin ng ganyan? Teka nga!" tiningnan niya ng masama ang binata. "Eh, ikaw sir? Where is your manners anyway? May manner ba kayong tinatawag sa sarili niyo?"


"What do you mean Ms. Arnaiz?"


"Wow! May amnesia ka pala 'eh! Tinatanong ko lang naman kung nasaan ang tinatawag mong manners when you kissed me on--"


"Stop that nonesense, will you?" agaw ng binatang tinitigan siya ng maigi. "What happened last night, is just nothing."


"What!? You mean, wala lang 'yun?" mulagat ang matang reaksyon niya.


"Nope! That's the only way, to stopped you. Dahil daig mo pa yata ang armalite kung makapag salita ka. And oh.. Why are you acting that way? Are you expecting something with those kissed?" natatawang napailing ang binata. "Forget it, that was just a kiss." dagdag pa nito.


No comments:

Post a Comment