Seducing Mr. Look-a-like -Chapter 1


Seducing Mr. Look-a-Like

By: CatchMe


Chapter 1




"Oh shacks! Hahalikan niya ako!" kilig na tili nang utak ni Cher nang pababa nang pababa ang labi nang hinahangaang singer na si Enrique Iglesias sa kanyang mapupulang labi. Hindi niya maipaliwanag ang kasayang naramdaman nang siya ang napili nitong kunin sa audience at iakyat sa stage para kantahan ng Hero. Ang pinaka hit na kanta nito mula pa noong 2001 hanggang sa ngayon. Kunti na lamang ang pagitan nang kanilang mga labi habang matiim na tinitigan siya nang supah dupat hot and sexy singer na si Enrique Iglesias. Nangangati na ang labi nang dalagang naghihintay na dumampi ang tila masarap na labi nang binata sa kanyang labi. Kung pwede lang hilahin na niya ito at paliguan nang halik ay ginawa na sana niya kung hindi lang siya nahihiya sa paligid at sa takot na baka durugin siya nang pinong-pino nang mga kababaihang naghahangad ring mayakap o mahawakan man lang ang sikat na singer sa buong mundo.
"Weehhh, idampi mo na papa, pleeeeeasssseee..!!!!" muling sigaw nang isipan nang dalagang nagsusumamo pang ilapat na ni Enrique Iglesias ang maalinamnam na labi nito sa kanya. Ngunit, parang biro namang tila nanadya ang singer na binibitin ang dalagang kanina pa nangangawit ang nguso sa kahihintay sa paglapat nang kanilang labi.



"I-can-be.. Your he-ro.." patapos na kanta ni Enrique na titig na tigtig pa rin sa dalagang si Cher habang hawak nang mabangong kamay nito ang mukha ng dalaga. Samantalang ang isang kamay nito ay nakahawak sa microphone habang patapos na kinakanta ang sikat na kantang hero na pumatok sa lahat nang mga adik na fans nang binata.


"Oh, papa, kiss me now. Come, on kiss me now papa!" muling sigaw nang utak ni Cher nang biglang ipikit niya ang kanyang mga mata at itinaas ang ngusong sobrang tulis sa paghahandang hahalikan na siya ni Enrique Iglesias sa labi nang makita nitong dahan dahan na ring pumikit ang sikat na singer. At gahibla na lamang ang pagitan nang kanilang mga labi at maglalapat na ito kaya't mas lalo pa niyang itinaas ang nanulis na nguso sa labi ng binata nang bigla siyang magulat.


"Hoy ate! Wake-up na you, at mataas na ang jump jump ni haring araw!" sigaw nang kanyang kapatid na si Reneboy na binatukan pa siya nito sa ulo. Napabalikwas naman nang bangon ang dalaga at sumigaw nang ubod lakas.


"Argh.!! Sino nagsabi sayong gisingiiinnnn mo akooo.!!?" sigaw niya sa kapatid sabay bato nang unan dito. 


"Yuck ate, na sa-saw mo vah ang itchuserang face mo sa salamirror? Ewww!! Its look like pwet ng ugly duckling! Its super tulis you know.! Yuckie.!" maarteng sambit nito sa kanya na tila diring diring sa nakikitang mukha ng kapatid niyang nanunulis ang nguso habang yakap-yakap ng mahigpit ang malaking unan.


"Kahit kailan bakla ka! Panira ka talaga ng moment! Hindi mo ba alam kung sino ang napapaniginipan ko? Si Enrique Iglesias! As in Si ENRIQUE IGLESIAS, ang supah dupah hotie and sexy man in my eyes!" gigil na wika niya sa kapatid na pinasingkit pa ang mga mata. "And he's going to kiss me, kung hindi mo lang ako binatukan!" sigaw pa niya sa kapatid na bakla.


"Yuck! Pwede ba ate? Tigil na you sa hoping-hoping, and dreaming-dreaming dahil neva you na mahawakan kahit damit lang ni Fafa Enrique! NEVA! As in N.E.V.E.R! In short NEVA.!" muling maarting wika nang kanyang kapatid na ibinato pabalik ang unan sa dalaga.


"Shooting star talagang bakla to, uh." inis na wika nang dalagang padabog na tumayo sa kanyang kama nang matigilang napaharap sa kanyang tokador at mabilis na lumapit. "Good morning papa ko, i love you." ani niya sa mukha ni Enrique Iglesias na masayang nakangiti sa isang di kalakahihang frame na nasa tokador at hinalikan pa nito ang labi ng sikat na singer.


"Yuckie! Ate your over o.a ha. If tao lang yang frame ni fafa Enrique? Naduduwal na siya sa paraan nang pag-kisakis mo to him. You know why? Dahil hindi pa you nakapag mumog eh, hinarass you na agad.!" sambit nang kanyang kapatid na nag roll eyes pa ito habang maarteng nakangiwi ang labi. 


"Tse! Inggit kalang dahil wala kang beauty like me." maarte ding sagot nang dalaga sa kapatid at muling ibinaba ang frame ni Enrique sa tokador. "Bye papa, shower muna ako. Tara! Sama ka, at papaliguan kita nang halik mula ulo hanggang paa." yaya nang dalagang napangiti sa kapilyahang iniisip.


"Oh my gosh! My sista is baliw-liw." saad ni Reneboy na napahampas nang mahina sa noo nang marinig ang sinabi nito at umakma nang lalabas sa kwarto nang kapatid na si Cher.


"Hoy, bakla mas mabuti pa ngang lumayas ka na sa kwarto ko nang mabawasan ang kapangitan dito.!" baling nang dalaga sa kapatid.


"Sureness sista, atleast me, hindi like you na baliw-liw. Yuck! Mas better to gora na me than tigil me here in your kwarto, and listen to your talking-talking na over pa sa lahat ng mga baliw-liw na nagkalat sa menta.!" eww!! Babosh, baliw-liw.!" maarting sagot nang kanyang kapatid na ikinaiinis nang dalaga.


"Adik! Ikaw na ang pinaka adik na nakilala ko! Malanding bakla!" sigaw naman niya sa kapatid na mabilis na lumabas nang kanyang kwarto. "Damn! Ang sarap batukan nang baklang yun. Kung hindi ko lang kapatid yun, tiyak matagal ko na siyang binalatan nang buhay!" inis pa ring sambit nang dalaga at muling tumingin sa frame kung saan nakangiti ng ubod tamis ang kanyang kinababaliwang singer. "Oh, papa ko, kailan ko pa mahahawakan ang iyong kakisigan?" tila nangangarap ng gising na kausap niya sa frame na hawak at niyakap ng mahigpit. Muli niya itong tiningnan at ipinikit ang mga matang inalala ang naudlot na halik ni papa Enrique sa kanyang hindi natuloy dahil sa nabatukan siya nang kanyang kapatid sa ulo. Muli ay nanariwa sa kanyang utak ang naganap sa kanyang panaginip at muli niyang itinuon ang labi ni Enrique sa kanyang nanunulis na labi para gawaran ng halik ang sikat na singer sa labi ng muling bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at iniluwa nito muli ang kanyang baklang kapatid.


"Ano nanaman ha!?" sigaw niyang tanong sa kapatid na mabilis ibinaba ang larawan ni Enrique sa kanyang tokador.


"Eww! Huwag na you mag acting-acting ate ko, dahil kitakits na kitang you halik the frame of fafa Enrique! So, stop hiding-hiding your acting dahil hindi na you makalusot from my eyes. And you know? Its dagdag lang yan for your baliw-liw." sagot nitong pinag cross ang mga braso sa dibdib.


"Argh! Lumabas ka bakla! Hindi kita kailangan dito! You always sira may moment with my fafa Enrique!" sigaw naman nang dalaga dito. "Oh my, nahawa na ako sa baklang ito!" inis na sambit nanaman ng dalaga sa sarili at binato ang kapatid ng isang stuffed toy na nasa kanyang tokador.


"Oppss! Di you me na reach." Pang iinis pa nang kapatid niya sa kanya nang mabilis itong umiwas sa ibinato niyang stuffed toy dito.


"Ano bang kailangan mo at bumalik ka bakla?" sambit niyang sumeryoso ang mukha.


"Ava! You look serious na sista ha? But who cares? Im not takot to you." sambit naman nang kanyang kapatid nang akma nanaman niya itong batuhin nang isang jewelry box. "Oh, ow. Sista hurt na yan." kinakabahang saad nang kapatid nang akma niyang batuhin ng hawak na jewelry box.


"Talagang malalagyan ka ng sungay pag hindi ka pa lumabas dito, bakla ka." galit na pagbabanta ng dalaga dito.


"Chilaks ate ko, i mean sista kong ubod ng pretty. Itchus lang." saad nitong bigla namang binawi ang sinabi. "I came pasok ulit to paalala you, it's your unang araw sa super big & tall cmpany nina sista Rebecca. And sabi ni mamskie, pag hindi pa you gumalawgaw diyan, I gonna buhos you a tubig from your banyo. So if I am you, na hindi ko naman pinapangarap to be like you na baliwliw, Im gonna gora on your banyo so that you can goli-goli na and fix your sarili. Nang maka-gora ka na sa company na super big and tall." sagot nito sabay talikod sa kanya. "Oh, ciao sista ko!" baling pa nito bago ibinagsak ang kanyang pintuan.


"Argh! Sarap kalbuhin ang baklang to!" inis na sambit ng dalaga sa sariling inyos ang frame ng paboritong singer sa tokador. Muli niyang sinulyapan ang litrato at masayang tinungo na ang sariling banyo para maligo.




"I can be your hero, baby! I can kiss away the pain. I will stand by your forever.. You can take my, breath away.." feel na feel na kanta ng dalaga habang nagmamaneho ng kotse nito patungo sa kompanya ng asawa ng pinsang si Rebecca. Siya daw muna ang temporary secretary na papalit sa pinsan habang nasa bakasyon ito kasama ang buong pamilya ng De Silva. Noong isang linggo lang ay muling nagpakasal ang mag asawang Rebecca at Enrique na idiniraos pa sa Iloilo. Kaya't binigyan sila ng magulang ng asawa nitong si Enrique nang isang buwan na bakasyon para sa kanilang honeymoon. Ngunit gaya ng kwento ng pinsang si Rebecca ay pinilit daw umano ni Enrique ang magulang na magbabakasyon na lamang silang lahat para mas lalong masaya na hindi naman tinanggihan ng magulang nito. At ngayon andito siya para maging substitute ng pinsan bilang secretary ng Presidente ng kumpanya nina Enrique Montero De Silva. 


"I can be.. Your hero! I can kiss away the pain! I will stand by your forever.. You-can take... My.. Breath away.." tudo bigay na kanta ulit niya nang mapatingin ang dalaga sa rear mirror at nakitang hindi pa pala siya nakapag-lipstick. Inabot niya ng isang kamay ang kanyang bag at kinapa ang lipstick nito at nang matagpuan ay agad siyang nag apply sa kanyang labi habang nag mamaneho nang biglang bumangga ang kanyang kotse sa isa pang kotse sa kanyang unahan.


"Oh no!" napatampal sa noong sambit ng dalaga at nagmamadaling bumaba sa kanyang kotse at tiningnan ang damage nito dahil sa biglang pagtigil ng kotseng nauna sa kanya.


"Oh my--" muling napatampal ng noo ang dalaga ng makitang natupi ang unahang bahagi ng kanyang kotse. "Bakit ba kasing basta-basta nalang tumitigil ang walang hiyang driver na ito sa gitna nang kalsada?!" galit na sambit pa niya sa sarili at huminga ng malalim para harapin ang taong nagmamaneho ng kotseng biglang tumigil sa gitna ng kalsada.




Kaka-off lang ni Trance ng kanyang cellphone. It was Enrique De Silva, his bestfriend. Ang kanyang matalik na kaibigang kapartner niya sa itinayong negosyo na La'De Vera Motor's. Malaki ang kanyang utang na loob sa matalik na kaibigan dahil hindi ito nagdadalawang isip na tumulong sa kanya at tanggapin ang pakikipagsosyo sa pinatayo niyang negosyo. At heto siya ngayon, bilang ganti sa kaibigan sa lahat ng tulong nito at sa di pag attend sa kasal nitong idinaos pa sa ILOILO ay pumayag siyang maging kapalit muna nito sa sariling negosyo ng pamilya nito as a temporary president ng Montero-De Silva's Finacial Holdings Inc., habang ang buong pamilya nito ay isang buwang magbabakasyon sa ibang bansa. Ipinatong niya ang kanyang cellphone sa dash board at biglang inihinto ang kotse nang mag kulay pula ang stop sign. He about to get his mobile again ng biglang may bumangga sa kanyang kotse at mula sa kanyang side view mirror ay nakita niya ang isang babaeng nagmamadaling bumaba sa kotse nito at tiningnan ang uluhang bahagi ng kotse kung saan ay naibangga nito sa kanyang kotse.


"Women, kahit kailan may mga babae pa ring careless pagdating sa pamamaneho. Ano siya? Natutulog habang nag mamaneho?" ani niya sa sariling isinuot ang rayban at lumabas ng katukin ng babae ang salamin nang kanyang kotse.


"Hoy! Tingnan mo kung anong nangyari sa kotse ko! Aba, anong akala mo sa kalsada? Parking lot at basta basta ka nalang titigil kung kailan mo gusto?" galit na salubong ng dalaga sa driver ng kotseng nakabangga niya. Ngunit hindi niya napigilang mapasinghap nang malanghap ang mild scent na gamit na pabango ng lalaking bumaba sa kotse. "Aba, kahit ganyan ka pa kabango at kakisig ang katawan mo, hinding hindi ko papalampasin ang pagkayupi ng kotse ko!" inis pa niyang sambit sa sarili nang inis ding nagsalita ang binata.


"Excuse me? You mean, ako pa ang may kasalan nang pagkakabangga mo sa akin?" inis na sambit ng binata.


"At sinong dapat kung sisihin aber?" nakataas ang kilay na sagot naman ng dalaga at pina-maywangan pa ang binata.


"Miss, dont you see the traffic sign?" ani nitong itinuro pa ang ilaw na kulay pula pa rin. "Its red. Meaning, stop! So, bakit ako ang sisihin mo sa katangahan mong hindi tumutingin sa dinadaanan mo." dagdag pa nang binata. Mabilis namang tumingin ang dalaga sa itinuro nitong ilaw at ganun na lamang pagkapahiya niya nang madiskubring kulay pula nga ito.


"Oh, shit!" mahinang mura nang dalaga at muling itinampal ang kanang palad sa noo.


"and uh, I think nayupi yata ang hulihan nang kotse ko dahil binangga mo, siguro responsibilidad mong ipagawa ang kotse ko right?" sambit pa ng binatang idiniin pa ang salitang binangga. Napahiya namang tumango ang dalaga.


"Naku, sorry po sir, hindi ko kasi napansin na naka red light pala ang--"


"Im in hurry Miss, if you dont mind, pakibigay nalang ng calling card mo sa akin para macontact kita sa pagpapagawa ng kotse ko." agaw nang binata sa sasabihin pa sana ng dalaga.


"Ano!? How about my car? May damage di yun ah." biglang sagot nang dalaga.


"I dont care about your car. Ikaw ang nakabangga sa akin, so ikaw ang may kasalanan. And this your responsibility to pay the damage." muling saad ni Trance nang mapansin ang tila pag papanic ng mukha nang dalaga. "Akin na ang calling card mo." ani pa niya dito.


"Wala akong calling card!" inis na sagot ni Cher sa binatang biglang napangiti. "Aba, at pangiti-ngiti pa ang lalaking ito. Hoy mister, kung inaakala mong madala mo ako sa pangiti-ngiti mo, nagkakamali ka! Hindi lang ikaw ang lalaking nagpapansin sa akin!" inis na sambit niya sa sarili.


Hindi naman napigilan ni Trance ang mapangiti sa mukha nang dalaga, kinuha niya ang sariling cellphone at kinunan ng letrato ang dalaga.


"Hoy! Anong ginagawa mo? Burahin mo yan!" biglang agaw ni Cher sa cell phone nang binata nang walang sabi sabing kinunan siya nang letrato nito gamit ang ang hawak na cell phone. "Ano ba, burahin mo sabi yan! Meron akong calling card dito, pero burahin mo muna yan." muling saad ng dalaga dito.


"Give me your phone." wika ni Trance matapos isave ang letrato ng dalaga. 


"Basta, i-delete mo muna yan at bibigyan na kita nang calling card!" inis na saad ni Cher at tinalikuran ang binatang bumalik sa kanyang kotse at kinuha ang bag nang mag ring ang kanyang cell phone. Sinagot muna nang dalaga ang tumawag habang nasa likod naman niya ang binatang sinundan siya sa kanyang kotse. Pagkatapos makipag usap sa kanyang cell phone ay agad namang inagaw ni Trance ang cell phone nang dalaga buhat sa kamay nito. "Hey! Ano ba? Sobra kana ha! Ibalik mo nga sakin yan!" galit nang sambit ni Cher sa binata. Ngunit hindi naman siya nito pinakinggan, bagkus ay may idenial itong number sa kanyang cell phone na agad namang nag ring ang hawak nitong cell phone.


"Look Miss, Nagmamadali ako at kailangan ko nang umalis." saad nang binatang inalis ang suot na rayban. "I already have your photo and phone number and I'll call you soon, regarding for the payment of my car damage." dagdag pa nang binata na ibinalik sa kamay nang dalaga ang cell phone nito at tumalikod na pabalik sa sariling kotse.


Biglang napasinghap ang dalaga nang tanggalin ng binata ang suot na rayban at masilayan ang kabuo-ang mukha nito sabay kabog nang malakas ang kanyang dibdib.
"E-enrique Iglesias?" hindi makapaniwalang sambit niya na siya namang pagtalikod ng binata sa kanya. "Oh my god! My papa!" saad niya sa sariling sinundan ang binata. "Hey! Wait!" sigaw ni Cher na hinabol pa ang binata sa sasakyan nito. Ngunit hindi na ito lumingon at tuloy tuloy nang sumakay at pinaharurot ang kotse niton na iniwanan ang dalagang nabugahan ng usok mula sa kotse ng binata.



"Shit! Impatiko, at walang modo!" inis na sambit ni Cher sa sariling bumalik na lamang sa kotse. "Sino kaya yun? Ni hindi man lang nagpakilala kung sino siya! Shaks! Infairness, Si Enrique Iglesias yata yun? Oh my god! Lord, ibigay mo nalang siya sa akin please! Kahit luluhod pa ako araw araw sa simbahan gagawin ko, basta ibigay mo nalang siya sa akin Lord." muling saad niya sa sarili nang makita ang kanyang mukha sa salamin. "Oh, shit!" napamurang sambit nang dalaga nang makita mula sa salamin ang mukhang may guhit ng lipstick at naalala niyang naglalagay pala siya ng lipstick kanina nang mabangga niya ang kotse ng binata. "Nakakahiya naman to uh!" inis niyang sambit sabay bunot nang tissue sa dash board ng kanyang kotse at pinunasan ang mukhang may bahid ng pulang lipstick.


No comments:

Post a Comment