Seducing Mr. Look-a-like -Chapter 3



Seducing Mr. Look-a-Like
By: CatchMe

Chapter 3



MAHINANG mga katok ang pumukaw kay Trance mula sa kanyang binabasang papeles na iniwan ng kaibigang si Enrique. Kasunod ay marahang pagbukas ng pinto na hindi na niya pinag-aksayahan ng oras na tapunan ng tingin ang kung sino mang pumasok na empleyado sa opisina hanggang sa may ilapag itong umuusok na kape sa kanyang table at napatigil ng marinig ang boses ng babaeng kinaiinisan niya.


"Coffee sir! Para mawala ang antok mo." nakangiting wika ni Cher na pinalamlam pa ang mga matang tila napuwing.


"Excuse me? Mukha ba akong inaantok?" seryosong sagot ng binata na gumuhit ang inis sa mukha nang tingnan ang dalaga, ay tila ilaw na napundi ang mga mata nitong panay ang kurap.

"Ay, baka lang kako sir, eh inaantok kayo. Mas mabuti na yung open eyes kayong nagbabasa ng mga papeles." nakangiti pa ring wika ng dalaga na mas lalo pang itinudo ang pagpapacute sa binata.


"Will you please, stop winking your eyes?" inis na wika ni Trance na inalis ang tingin sa dalaga.


"Bakit sir? Takot ka bang mainlove sa beautiful eyes ko?" birong saad ng dalaga na pinagsalikop ang mga kamay at natawa ng bahagya.


"Gezz! You look like a fireflies!" ani niyang ibinalik ang atensyon sa binabasang papeles.


"Sobra ka naman sir. Hindi mo ba alam na karamihan sa nagpapa cute ay ginagamit ang mga mata para makuha ang atensyon ng mga taong gusto nila--"


"So, your using that tactics to seduce me?" agaw ng binata na muling tiningnan sa mukha ang dalaga. "It's better for you to forget and stop it! Cause it wont work to me. You know why? Cause I am not, interested to you.!" wika pa ng binata na tinapunan ng matalim na tingin ang nabiglang dalaga.


"A-"


"You can leave me now!" mabilis na utos ni Trance na siyang hindi pagkaroon nang chance ng dalaga na makapag salita. "Leave!" ulit pa nito ng hindi pa gugalaw sa kinatatayuan ang dalaga.


"Leave!" mahinang ulit na sambit ni Cher na iginalaw-galaw pa ang labi sa sinabi ng kanyang masungit na boss nang siya ay tumalikod na dito para lumabas ng opisina. "Akala mo kung sinong gwapito! Che! Mahuhulog ka rin sa bitag ko! Masyado ka pang pakipot, papa Enrique!" ani niya sa sariling binuksan ang pintuan ng opisina at tuluyang lumabas.


"Oh ano? Natuwa ba?" salubong agad ni Michelle sa dalaga nang makalabas na sya ng opisina.


"Masyadong pakipot eh. Inismiran lang ang beauty ko!" inis na sumbong ng dalaga sa bagong kaibigan.


"Okay lang yan sissy. Marami pa ang oras mong mapapaamo si sir." alo naman ni Michelle dito at inakbayan patungo sa cubicle ng pinsang si Rebecca kung saan siya ang umuukopa. "Dapat patience ka parati para maging matagumpay ka sa larangan ng pag-ibig sissy!" sutsot pa ni Michelle na ikinilig naman ni Cher.


"Tama ka diyan, sister! Ang galing mo talaga!" masayang sagot ni Cher na nakipag high five pa kay Michelle.


"Oh, siya sige. Balik na muna ako sa cubicle ko ha." paalam ni Michelle sa kanya at tinungo na ang cubicle nito. Naiwan namang nakangiti ang dalagang inayos ang kanyang mesa at tiningnan ang mga gamit na naiwan ng pinsan niyang si Rebecca.


Kanina pa nakaupo si Cher sa cubicle ng pinsan niyang si Rebecca. Ngunit wala man lang ibinigay na trabaho sa kanya. Kaya naisipan niyang lapitan si Michelle para tanungin ito.
"Sister, wala ba akong gagawin? Kanina pa ako nakatunganga doon wala man lang akong ginagawa."


"Hintayin mo lang. Mamaya tatawag yang si sir sa phone mo sa table pag may kailangan." sagot ni Michelle na ibinalik ang pansin sa ginagawa. Kaya napilitan na lamang na bumalik ang dalaga sa kanyang cubicle.


"Nakakabagot naman itong walang ginagawa. Buti sana kung kaharap ko si papa Trance, di pa ako magsasawa sa kakatitig sa kanya." ani niyang napangiti sa sarili. She sight nang walang maisip na gagawin, kaya kinuha na lamang niya ang kanyang cell phone at nakinig ng kanta ng paborito niyang singer na si Enrique Iglesias. Naglagay na rin siya ng headset para hindi maka-distract sa iba niyang ka-opisina ang kanyang pinapakinggang musika.



Inis na ibinaba ni Trance ang teleponong hawak nang walang sumasagot buhat sa labas ng opisina na kung saan ang extentsion ay nasa cubicle nang secretary ng president ng kumpanya. Padarag na tumayo ang binata sa kinauupuang chivel chair at lumabas ng opisina.
"Where is everybody?" nagtatakang tanong niya sa sariling tiningnan ang suot na timex wristwatch. "Alas dose na pala. Malamang lumabas na ang lahat ng empleyado para kumain." ani niyang babalik na lamang sana sa loob ng private office para magpadeliver ng lunch nang marinig ang may kalakasang boses buhat sa isang cubicle na malapit lang sa private office ng presidente.


"Mamacita cada vez, que yo te miro no me puedo controlar.
Que me mates mamacitas, de un suspiro mira que barbaridad."


He lead a step behind the cubicle where he heard a voice singing an unknown music. At ganun na lamang ang kanyang pagkainis muli nang malamang ang babaeng bumangga sa kanyang kotse ang kumakanta ng musikang ni hindi niya alam kung anong lenggwahe ang kinakanta nito.


"Mamacitas si supiera lo que quieres yo te lo padria dar." kanta ni Cher na isa sa paborito niyang kanta ni Enrique Iglesias na mamacita.


"Por un beso mamacita que con eso ua no quero nado más" feel feel pa niyang kanta habang pinapagalaw-galaw pa ang katawan na tila isinasabay sa magandang tugtog ang galaw ng katawan nito at bahagya pang nag he-headbang ang dalaga.


"Mamacit--"


"Hey!!"


"Ay! Mamacita ko!!" gulat na sambit ni Cher na mabilis na tumayo ng sigawan ng kanyang gwapong amo at malakas na ibinagsak sa table niya ang hawak na libro. "S-sir, bakit po?" natatarantang tanong nang dalaga na inayos ang sarili at ngumiti sa binata kahit nakaramdam ng kaba dito dahil sa pagkagulat.


"Hindi mo ba naririnig ang ring ng telephone? Kung ilang beses na akong nagconnect sayo dito, ay hindi mo sinasagot?"


"Po? Naku sir hindi ko kasi narinig tsaka-- teka lang, nasaan na ang mga tao dito sir?" nagtatakang balik tanong nang dalaga ng wala siyang makitang tao sa loob ng kanilang opisina.


"Why are you asking me that? Diba dapat ako ang nagtatanong sayo kung nasaan ang mga tao dito?" balik tanong din ni Trance sa dalaga. "And what the hell are you doing here na hindi mo manlang narinig ang ingay ng telepono.?" saad pa ni Trance ng maagaw ng kanyang pansin ang suot nitong headphone na nasakasabit pa sa tenga nito.


"Kasi sir, ano po. Ahm--"


"What is this?" tanong ni Trance na hinugot ang headset sa kanyang tenga. Napangiwi na lamang ang dalaga at pilit na ngumiti ng matamis sa kanyang gwapong amo. "Your lestining a music while working hours?" nakakunot ang no-ong tanong ng binata.


"Kasi sir--"


"Dont you know the rules of this company? Your not doing your job--"


"Teka sir!" muling agaw ng dalaga kay Trance. "Paano kasi wala akong ginagawa kanina. Ni wala man lang silang binigay na trabaho sa akin, and Im so bored kaya nakinig nalang ako ng music, at hindi ko po alam kung nasaan na ang ibang--
Ohh.. Lunch break na pala sir kung kaya't walang tao dito." pag iiba na lamang ni Cher sa usapan nang makitang alas dose na pala ng tanghali. "Hindi manlang ako nilapitan ni Michelle para yayaing mag lunch?" nagtatakang tanong nang dalaga sa sarili.


Inis na napabuntong hininga na lamang si Trance at akma na sanang talikuran ang dalaga nang maalala ang sadya.
"Here!" hagis niya sa hawak na susi nang kanyang kotse sa table ng dalaga. "Ibigay mo yan sa guard sa baba."


"Bakit ako ang magbibigay? Eh, kotse mo yun diba?" reklamo ng dalaga.


"Ano bang posisyon mo dito?" balik tanong ni Trance.


"Secretary."


"Oh see? Your my secretary. At inuutusan kitang ihatid mo sa guard ang susing iyan para maipaayos ang kotse kong binangga mo!" inis namang wika ni Trance. "Ano bang klaseng babae ito? Napaka reklamador!" ani niya sa sariling tinalikuran na ang dalaga nang magkibit-balikat lamang ito sa kanya.


"Okay. Maisabay na nga ang kotse ko sa pag-pagawa." wika ni Cher sa sariling kinuha rin ang sariling susi at lamabas ng opisina.



"Where have you been?" salubong ni Cher sa kaibigang si Michelle ng makasalubong sa hall way ng ground floor ng building.


"May importante lang akong pinuntahan. Ikaw? Saan ka pupunta?"


"Diyan lang sa guard, ihahatid ko lang ito." sagot ng dalagang ipinakita ang hawak na susi. "Saglit lang ha? Hintayin mo na ako at bibigay ko lang ito sa guard. May ichi-chika ako sayo sister!" ani pa niyang binilisan ang paglakad patungo sa security guard.



NAG-AAYOS na ang dalaga ng kanyang sarili para umuwi. Nauna nang umalis si Michelle dahil sa may pinuntahan nanaman ito. Tinapunan niya ng sulyap ang nakasarang pinto ng private room at muling sinipat ang sarili. "Tagal naman lumabas ni Papa Enrique." wika niya sa sarili nang maisipan kaninang yayaing mag dinner ang binata as a peace offering dito ng biglang bumukas ang saradong pinto at inuwa nanaman nito ang mala adonis na nilalang na kanyang pinagpantasyahan. "Here you are papa!" excited na sigaw ng kanyang utak at biglang napatayo sa kina-uupuan at hinablot ang kanyang bag na nakapatong sa mesa at pasimpleng sinundan ang binatang palabas na nang kanilang opisina.


"Ahm, sabay na tayo sir." nakangiting wika ng dalagang nakasunod sa likod ng binata.


"I dont need a company, cause I can manage myself! So please, get lost!" inis na baling ni Trance sa dalagang nakabuntot sa kaniya at mabilis na tinalikuran at tinungo ang elevator.


"Aba! Sinabi ko lang namang sasabay ah? Masyado talagang pakipot ang isang ito. Teka nga." bulong ni Cher sa sariling sinundan pa rin ang binata na naghihintay sa pagbukas ng elevator.


"Masyado ka namang pakipot sir. Baka mamaya sa sobrang kakaiwas mo sa akin eh mainlove ka pa ng di sinasadya." nakangiting wika ni Cher ng malapitan ang Binata.


Salubong ang mga kilay na napatingin si Lance sa dalaga. "Di ka naman ganun ka ambitious ano?" nang iinsultong tanong niya dito.


"Di naman sir, opinyon lang naman eh." pagtatanggol ng dalaga sa sarili. "Tsaka who knows? Baka nga mainlove ka pa sa akin. Aba! Yan na talaga ang tinatawag na destiny!" dagdag pang wika ni Cher.


"Ang lakas talaga ng kumpiyansa mo sa iyong sarili. Wala ka bang natirang hiya sa iyong katawan at nasasabi mo sa akin ang mga walang kwentang bagay na yan?" Mariing wika ng binata.


"Grabe ka naman! Bakit?Masama bang ipahayag ng babae ang nararamdaman niya sa isang lalaki?"


"What do you think?" balik tanong din ni Trance sa dalaga.


"Hindi! Dahil pinapakita lang ng babae na may gusto siya kay lalaki dahil daw si lalaki ay torpe o di kaya--"


"Please stop this nonsense!" inis na agaw ni Trance sa sasabihin pa sana ng dalaga. "I dont want to
hear anything from you! So please keep your mouth shut up! Dahil naririndi na ako sa kakasalita mo!" sambit ni Trance at pumasok na sa kakabukas lang na elevator na gad namang sinundan ng dalaga.


"Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin? Im just trying to make friend with you pero nakakarami ka na nang insulto ha!?" napipikon nang sambit ng dalaga.


"You're trying to make friend to me? Or you're trying to seduce me?" nang iinsultong ring sagot ni Trance sa dalaga ng biglang natigilan ito. "And if you dont want to hear an utter word from me, then stop pursueing your self to me!" dagdag pa nang binata.


Hindi makapagsalita ang dalaga dahil sa narinig mula sa labi ng binata. "Huh! Super Duper Pakipot talaga ng isang ito. Kung hindi ka lang talaga kamukha ni Papa Enrique, hinding hindi ko ibaba ang aking pagkababae! Ay este ang aking delikadeza!" inis na sambit ni Cher sa sarili. "Maswerte ka pa dahil pinagtutuunan pa kita ng pansin.!" dagdag pa niya sa kanyang sarili.


"Bakit ba, hindi nalang tayo maging magkaibigan? I mean, let's start to know each other. Hindi yung parang sakalin mo na ako sa paraan nang pananalita mo sa akin." maya maya pa ay hirit nanaman nang dalagang pinapahinahon ang sarili.


"Forget it! Dahil hinding hindi mangyayari yun!" sagot ng binatang muling bumalatay ang pagkainis nanaman sa mukha dahil sa makulit na dalaga.


"Pwede kaya! Kung tanggalin mo lang iyang inis mo sa akin. Tsaka malay mo baka-- Teka lang sandali!" tawag ni Cher nang tuloy tuloy na lumabas ang binata ng bumukas ang elevator. Ngunit hindi na siya nilingon ng binata at binilisan pa ang paglakad palabas ng building.


"Ano bang klaseng babae iyon. Wala na bang natirang respito sa sarili at akala mo isang napaka-desperadang tao. Tsk tsk! Maganda sana, mukha namang may sayad ang ulo." wika ni Trance sa Sariling mas lalong pang binilisan ang paghakbang nang marinig ang pagtawag sa kanya ng dalaga. "Manigas ka!" ani pa niya.


"Pahabol pa ang lalaking ito. Humanda ka pag naabutan kita at hindi kita pauuwiin!" inis na wika ni Cher sa sarili na hinahabol pa rin ang binatang tumawag na ng Taxi. Kaya mas lalo pa niyang bilisan ang paglakad at tamang tama namang huminto ang kotse ay agad niyang sinabayan sa pagsakay ang binata sa taxi.


"What the--"


"Oh ano? Anong what the ka diyan ha?" pang iinis pa ng dalaga ng biglang bumagsak ang malakas na ulan.


"Ako ang tumawag sa taxi, na ito tapos sasakay ka nalang ng basta basta? Pwede bang lumabas ka at maraming taxi pa ang nakahelira sa likod!" mariing wika ni Trance na itinuro pa ang mga nakaparadang taxi.


"Hindi mo ba nakikitang bumagsak ang ulan? Pano kung mabasa ako at magkakasakit? O mas mabuti siguro kung ikaw nalang ang bumaba at doon sumakay! Malakas naman yata ang katawan mo at hindi kayang tablan ng sakit!" sagot naman ng dalagang pinagsalikop ang mga braso sa kanyang dibdib habang lihim na pinadaanan ng tingin ang katawan ng binata. "Whew! Talagang di ka tatablan ng sakit. Sa malabakal mo sigurong abs? Takot na ang sakit na dumapo sayo papa." nakangiting wika ni Cher sa sarili.


"Shit! Napupuno na ako sa babaeng ito!" galit na sambit ng binata sa sariling ikunuyom ang palad at napabuga ng hangin.

No comments:

Post a Comment