Seducing Mr. Look-a-like Chapter 10



Seducing Mr. Look-a-Like
By: CatchMe

Chapter 10



Muli siyang nadismaya at binalingan ang dalagang nasa kanyang likuran.


"Talk to him." ani niyang inabot ang telepono dito.


Napatiim baga na lamang siyang bumalik sa private room habang kausap ng empleyadang si Jonalyn ang kliyente sa kabilang linya. Napahampas siya ng mahina sa sariling noo dahil sa kanyang inakto. He step toward on his table ng mamataan ang nakapatong niyang celphone sa mesa. And excitedly, dinampot niya ito at hinanap ang phone number ng dalaga.


"Here you are.." anas niya sa sariling napangiti at idenayal ang number nito.


Ngunit hindi pa man nagri-ring ang hawak na celphone ay agad naman niyang ini-off at ibinalik sa mesa.


"Bakit ko naman siya tatawagan? 'Eh galit ako sa kanya diba?" napabuntong hiningang wika niya sa sarili.


"Well, dahil kailangan mong mag apologize dahil nasigawan mo siya kahapon Trance. And masyado yata niyang dinibdib ang sinabi mo kaya't nagkasakit tuloy." sagot ng isang bahagi ng kanyang utak.


"Masakit ba akong mag-salita? Hindi ko naman sinasadya yun. Besides, pinagsisihan ko na yung sinabi ko sa kanya kahapon." depensa naman ng kabilang bahagi ng kanyang utak habang naglalakad ng paroon at pa-ritong naka tingala sa kisame.


"Kahit na Trance, mali ka pa rin. She's a woman dude! You have to respect her!" pagalit na sambit naman niya sa sariling tila may kausap na tao.


"Ahh!! Ewan! Nabigla lang ako! Nabigla lang ako, dahil hindi ko iniexpect yung sinabi niya.! Gezz! In front of the board of directors ay sisigaw siya ng ganun? My god! She's crazy!" Nakapamewang ng tumigil sa kakalakad habang kausap ang sarili ng biglang napatawang mag isa.


"Oh, Trance! Your crazy men. Bakit mo ba iniisip ang babaeng iyon? Ano ngayon kung nasigawan mo, 'eh kasalanan naman niya. Huwag kang makunsinsya dahil tama lang ang ginawa mo! Para matauhan ang babaeng may saltik ang ulo!" wika niyang napailing at napabuga ng hanging tinungo ang mesa.


"Huh! Makapag trabaho na nga! Bago pa ako mahawaan sa kabaliwan ng babaeng may saltik!"



Mag iisang oras ng inabala ng binata ang sarili. Ngunit maya-maya pa ay napahinto sa binabasa ang binatang napatingin muli sa kanyang celphone na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Kinuha niya ang celphone number ng dalaga at idenial gamit ang teleponong nasa private room ng presidente ng kompanya.



"Hija, balita ko aalis daw si Noel papuntang Haite?" baling ng ina ni Cher habang kumakain sila ng agahan.


Maagang umalis ang kanyang ama dahil may meeting daw ito sa opisina. Samantalang si Reneboy ay may pasok pa sa kilalang unibersidad sa Manila at ilang buwan na lamang ay gagraduate na rin ang nakakabatang kapatid niya sa college.


"Opo ma. Yun nga ang napag usapan namin ni kuya kagabi. Sa dinami daming mga sikat na singers dito sa bansa ay siya pa ang mapiling representative ng Pilipinas sa buo-ing revival song ni Michael Jackson."


"Ang swerte ng pinsan mong yan ah. Sana tuloy tuloy na ang swerteng dumating sa kanya."


"Tsaka ma.." ani niyang di muna itinuloy ang sasabihin at tiyak niyang hindi nanaman siya papayagan ng kanyang magulang sa kanyang plano.


"Yes?"


"Ahm, kasi po ma.. Ano.. Ahm.."


"Ano yun hija?" nagtatakang baling ng kanyang ina.


"Kasi po, gusto kong sumama kay kuya sa Haite. Andun kasi si Enrique Iglesias ma, at gustong gusto ko na pong makita sa personal si papa Enriq--"


"Uy Cher! Tumigil ka. Alam mong hindi papayag ang papa mo sa pinaplano mong yan."


"Pero ma.. Minsan lang naman yun diba? Alam niyo namang obsessed ako kay Enrique Iglesias. Kakayanin ba ng kunsinsiya mong ipagkait sa akin ang aking greatest dream ma? Tsaka kasama ko naman si kuya Noel." agap na sagot niya sa inang napatigil sa pagsubo at tiningnan siya sa mukha.


"Hija, sa akin walang problema. Pero ang papa mo, yan malaking problema. Hanggat maari ay ayaw niyang patuloy kang na oobsessed sa singer na yun dahil malaki kana. Tingnan mo nga yung kwarto mo? Kulang nalang at pati sahig lagyan mo ng mukha ng lalaking singer na yun. I'm sure pag may nakakita ng kwarto mo malamang mapagkamalan kang may sira ang ulo."


"Mama naman eh. Iniiba mo ang usapan. Basta ma pumayag kana. Alam ko namang kaya mong pakiusapan si papa diba? Sige na ma please.." lambing niyang nilapitan ang ina at niyakap.


"Cher.. Alam mong ga-graduate na ang kapatid mo at marami tayong gagastusin sa--"

"Dont worry ma, yung sasahorin ko sa pagiging substitute secretary ko kay ate Rebecca yun ang gagamitin kong pang gastos." agaw niyang hinalikan ang ina sa pisngi. "Tsaka, wala namang masyadong gastusin dahil libre naman yun ma. Ang Pangulo ng Pilipinas na po ang gagastos para sa byahe ni kuya papuntang Haite. Dahil ako ang makakasama ni Kuya, libre na rin ang expences ko!" masayang dagdag ng dalaga.


Napailing na lamang ang kanyang ina sa inakto ng anak na dalaga ng nakangiti. "Hindi ako sigurado diyan hija. I can't promise you na papayagan ka ng papa mo. But for me, walang problema. You have my permission to travel in Haite with your cousin Noel."


"Yes! I love you ma." masayang niyakap niya ang ina at muling hinalikan sa pisngi.


"Mag ingat ka lang hija, alam mo namang ayaw ng papa mong na--"


"Dont worry ma, I will. Matagal pa naman yun. Ang importante pumayag na kayo. Matututuwa si Kuya Noel nito." putol niya sa sasabihin pa ng ina.


Masayang naupo muli ang dalaga para ipagpatuloy ang pagkain ng mag ring ang kanyang cellphone na nasa sala. Bigla siyang napatayo para sagutin ng pigilan siya ng kanyang ina at ito na ang kusang tumayo para sagutin ang cellphone nito. Sinundan na lamang niya ng tingin ang ina at masayang ipinagpatuloy ang pagkain.


"Yay! Makikita ko na si papa Enrique!!!" sigaw ng utak niyang kinikilig at excited ng makita ang sikat na singer sa mundo. "Hahalikan ko talaga si Papa Enrique pag nag kita kami. Tapos yayakapin ko siya ng sobrang higpit. Para mafe-feel niya ang init ng aking katawan. Tapos.. Tapos... Ah basta.. Yun na yun." natatawa pang wika niya sa sarili ng tawagin mama niya ang kanyang pangalan.


"Yes ma?"


"Si Trance."


"Po!?" biglang tumayo at uminom ng tubig ang dalagang mabilis na lumapit sa inang hawak pa rin ang kanyang cellphone. "bakit daw ma?" mahinang bulong pa niya dito.


"Sagutin mo nalang, para alam mo." ani nitong iniabot ang cellphone sa kanya at bumalik sa mesa.


"Hello, sir?"


"Ito ba ang sinasabi mong hindi kana male-late Ms. Arnaiz? It's your third day as a substitute secretary, pero absent ka kaagad?" mga katagang lumabas sa labi ng binata ng hindi alam kung anong sasabihin, dahil sa napatawag siya ng walang dahilan.


"Huh? Kasi ano, m-may... Ahmm may sakit ako sir." kagat ang labing sagot ng dalaga.


Sa totoo lang, hindi naman talaga malala ang sipon niya. Ang mama lang niya ang nagpapanic lagi. Kahit konting karamdaman nila ng kapatid na si Reneboy ay gusto ng kanilang ina na manatili lang sa kama at huwag lumabas ng bahay.


"Tsaka, naipaalam na ni mama na absent ako sir. Wala bang may nagsabi sa inyo na absent ako ngayon?" dagdag pa ng dalaga.


Biglang natigilan ang binata. Hindi alam kung anong sasabihin sa dalaga kung bakit siya napatawag, 'eh alam naman niyang may sakit nga ito.


"Shit! Trance, mag isip ka ng alibi mo bilis!" sigaw ng utak ng binatang hindi pa rin nakapagsalita.


"Hello? Hello sir? Andiyan pa ba kayo?" nagtatakang tanong ni Cher sa kabilang linya ng kanina pa siya salita ng salita ay hindi pa rin nakasagot ang mahal niyang amo.


"Oh yes! Napatawag lang ako dahil--"


"Uy sir! Dont tell me, na napatawag ka dahil nami-miss ko agad ako?" napahagikgik na birong agaw ng dalaga.


"What!? Are you crazy? I'm just calling you because of.. of.. Ahm.." napabuntong hiningang walang maisip na dahilan ang binata.

No comments:

Post a Comment