Seducing Mr. Look-a- like Chapter 16



Seducing Mr. Look-a-Like
By: CatchMe

Chapter 16


NANINGKIT ang magagandang mata ng dalaga sa sinabi ng kanyang gwapong kaharap. Hinding hindi siya makakapayag na ganun lang ang sasabihin nito pagkatapos maangkin ang kanyang labi. "Ganun lang ba 'yun? Pagkatapos mong nakawin ang mala-virgin kong labi, sasabihin mong--"


"Ms. Arnaiz, please--"


"Pleasin mo 'yang mukha mo! Patapusin mo muna akong magsalita, hayop ka! Hayop ka sa kagwapohan! At kung sino-sino nalang ang 'yung halikan!" dire-diretsong sagot ng dalaga na tila daig pa ang machine gun sa kakasalita. "Hindi mo ba alam, na inosenti pa itong labi ko? Ang labi kong walang muwang sa tinatawag na halik ay iyo ng natikman? Aba! Mr. Trance De Vera, alyas Aloe Vera, pagsisihan mo ang panghahalik mo sa akin! Dahil hahanap-hanapin mo rin ang inosenti kong labi! Tandaan mo yan, at itaga mo sa puso mo ang sinabi ko!" at agad na nag-martsa palabas ang dalagang nagpupuyos sa galit.



"Whoah! Anu daw?" nabiglang wika ng binata sa sariling sinundan ng tingin ang dalaga. Ni hindi na niya nagawang magsalita kung bakit niya ito ipinatawag. Naiwan na lamang siyang napabuga ng hangin. Hanggang sa unti-unting natatawa ng ma-absorb sa kanyang utak ang lahat ng pinagsasabi nito sa kanya.


"She's little crazy.." ani niyang natatawa. "No, she's not little crazy. She's really crazy. Ng dahil lang sa halik, ay nagkakaganun agad? Akala mo kung ni-rape ko siya kung magsalita. Eh, halik lang naman 'yung ginawa ko ah?"



Hindi maipinta ang mukha ng lumabas ang dalaga. Ni hindi niya pinansin ang mga tao sa paligid ng pinagtitinginan siya ng mga ito ng malakas niyang ibinagsak ang pintuan ng private room ng presidente. "Huh! Halik lang naman daw 'yun!" ani niya sa sariling naiinis sa binata. "Kahit na halik lang 'yun! Eh, First kiss ko kaya 'yun!" pagmamaktol pa rin niyang nakaupo sa kanyang mesa.


"Sissy, world war 4 ba 'yan?" napabaling siya sa kaibigang si Michelle na lumapit sa kanyang cubicle.


"Sinabi mo pa sister. At tiyak na aabutin pa ito ng world war 5." inis pa ring baling niya sa kaibigan.


"Bakit? Anong nangyari?" tanong agad nitong napilitan ng pumasok sa kanyang cubicle.


"Yung magaling na lalaking ubod ng gwapo diyan sa loob ng private room na 'yan. Sasabihin ba namang wala lang 'yung nangyaring halikan namin kagabi.." pagsusumbong niya sa kaibigang hindi napigilan ang mapatawa ng malakas. "Sister naman 'eh! Pinagtatawanan mo ako!"


Natahimik naman bigla ang dalaga ng mapansing nagtatampo na siya. "Yun lang sissy? At nagkakaganyan ka na?" natatawa pa ring saad nito.


"Hindi naman sa ganun sister, hindi lang basta halik 'yun 'eh. But he stealed my first kiss! Tapos sasabihin niyang wala lang 'yun? At iyon lang ang paraan niya para patigilin ako sa kakasalita? Aba! Hindi pwede sa akin yan. 'panu pala kung nakakabuntis ang halik? At bigla akong nabuntis dahil sa nahalikan niya ako? Sasabihin pa rin ba niya na wala lang yun?!" mga nakakabaliw na dahilan ng dalagang mas lalong nagpatawa ng malakas kay Michelle.


"Sissy..." tumatawa pa ring sambit ni Michelle na hindi makakapagsalita ng maayos dahil sa hindi mapigil-pigil ang pagtawa sa kanya.


"Ah basta sister! Pagsisihan niya ang ginawa niya. Dahil isinusumpa kong hinding-hindi niya makakalimutan ang halik na 'yun! At 'yun ang magiging dahilan na mas lalo pa siyang gagapang palapit sa akin. At babaliktad na ang bilog na mundo, dahil siya ang hahabol sa akin!" aniyang hindi na pinansin kung pinagtatawan man siya ng kaibigan sa kanyang pinagsasabi.


"Sissy, grabe. Ikaw na! Ikaw na talaga 'yan. Wala ng hihigit pa sayo." patuloy pa rin sa pagtawang wika ni Michelle.


"Alam mo sister.. Kung pagtatawanan mo lang ako, pwedeng bumalik ka nalang sa cubicle mo?" reklamong baling niya sa natatawang kaibigan.


"Oh siya! Usap tayo mamaya. May solusyon ako 'dyan sa problema mo." sagot ng dalagang tumatawa pa rin bago siya tinalikuran at bumalik sa cubicle nito.


"Bwesit! Bwesit kang lalaki ka!" inis niyang wika sa sarili.



BREAKTIME nila ng umagang 'yun at nasa canteen silang tatlo. Hindi mapigil-pigil sa pagtawa sina Michelle at Karen sa kanyang ikinuwento. Habang siya naman ay hindi pa rin maipinta ang pagmumukha dahil sa inis.


"Ganito gawin natin sissy.." maya-maya ay wika ni Michelle. "Nabasa ko kasi ito noon. Pero nakalimutan ko na kung paano 'yun."


"Ang ano naman 'yan?" nakasimangot na sambit ng dalaga.


"Gagawa nalang tayo ng sariling law natin para malaman natin kung may gusyo nga sayo si sir De Vera."


"Wow! Girl, gusto ko 'yan!" agaw ni Karen.


"Law? Anong klaseng law naman yan sister?"


"Basta! Ganito ang gawin mo. Law # 1. Huwag mong pansinin si papa Trance." nakangiting wika ni Michelle.


"Paano pag hindi niya pinansin at magagalit si sir? Tapos sabihin ni sir na anong klaseng sekretarya si Cher at hindi siya pinapansin pag tinatanong o inuutusan ni sir?" si Karen.


"Hindi naman ganyan sissy. Syempre, susundin ni Cher 'yung utos ni sir. Tapos sasagot kalang kung anong itinatanong niya. Since na madaldal ka at palaban. Bakit hindi mo muna zipperan yang baba mo sissy? Kunyari deadma ka sa kanya. Na kunyari hindi siya ng eexist sa paligid mo." paliwanag nito sa dalawang kaibigan. "I'm sure, makukuha mo na ang pansin ni sir. At doon niya mare-realize na nami-miss pala niya ang mala Enrique Iglesias mong boses.! Hahahaha!"


"Wow! Ang galing mo sister ha? Pero kailangan bang pagtawanan mo pa ako?" reklamo pa rin ni Cher sa kaibigan,


"Paano kasi sissy, ako na kinikilig sa inyo ni sir.."


"Oo nga naman Cher. Malay mo? May lihim na palang pagtingin sayo si sir. Kasi pag wala, hinding hindi ka niya hahalikan!" segunda naman ni Karen.


"So, effective kaya 'yan?" paniniguro pa niya.


"Kaya nga subokan natin. Panu natin malalaman pag hindi natin sinubukan diba?" natatawang sambit ni Michelle. "At ito pa. Law # 2. Kailangang may pagpapadala ng chocolates and flowers sayo dito sa office. Yung dapat makikita ni sir pag dumating ang deliveries para sayo. At kung talagang may gust0 sayo si sir, tiyak na ma-aalarma yun."


"Wow! Girl, ang galing galing mo talaga! Bilib na talaga ako sayo girl.. Pwede kayang gawin ko rin 'yan sa akin?" naeengganyong wika ni Karen na hinagod pa sa braso ang kaibigang si Michelle.


"Hmp! Ang arte mo sissy ha? If I know, hindi mo na yan kailangan para kay sir Dave. 'eh halata naman kayong dalawa 'eh. Ikaw na pumalit sa pwesto ni sissy Rebecca sa pagka denial queen." irap nito sa kaibigan at muling hinarap si Cher.


"Grabe ka naman girl. Hindi kaya!" namumula ang pisnging biglang sagot ni Karen.


"Tse! Denial ka! Nahuli ko kaya kayong-- hmp!"


"Shhh.. Ang bunganga mo girl. Please..." biglang takip ni Karen sa baba ng kaibigan.


"Kaya nga, huwag ka kasing maging denial queen kung nahahalata naman kayo." natatawang sambit ni Michelle. "Teka nga, saan na ba ako." muling baling niya kay Cher.


"Law # 2?" si Cher.


"Ay oo nga pala sissy. Tama. Oh ano? Okay na ba ang law # 1 at 2 natin?"


"Eh sino naman ang magpapadala ng flowers and chocolates?" sabad ulit ni Karen.


"Huwag mo ng problemahin yun. Kahit si Cher na ang magpadala ng Flowers and chocolates sa sarili niya ay okay lang.. Hehehehe.. Hindi naman malalaman ni papa Trance kung sino ang nagpadala."


"Alam mo ikaw, sister? Parang may tama ka rin.. Pag iyan hindi upemekto kay papa ko Trance, ay ewan ko lang.. Dadaanin ko na talaga siya sa dahas!"


Muling napatawa ang dalawang kaibigan sa sinabi nito. "Bakit girl? Re-rapin mo ba si sir?" si Karen na patuloy pa rin ang pagtawa.


"Hindi! Kikidnapin ko muna siya, bago gahasain." nakangiti na ring pabiro ng dalaga. Atleast, parang nabuhayan na rin siya ng loob sa suhestyon ng mga bagong kaibigan. "Teka, what if, hindi tumalab kay papa ko Trance ang law # 1 at 2. Anong ggawin natin sister?"


"Well, law # 3. Kailangan nating gumamit ng lalaki. Para pagselosin si sir." excited na wika ni Michelle na malapad ang ngiti sa labi. "Siguro marami ka namang maha-hire na maging boyfriend mo para pagselosin si sir diba?"


"Excuse me lang sister ha? Ano akala mo sa beauty ko? Ganun ka pangit para mag hire pa ng lalaking maging boyfriend ko? Aba! Marami yata akong suitors." taas ang kilay na wika niyang nakangiti.


"Hush! Oh siya.. Goodluck sa laws nating tatlo." masayang itinaas ni Michelle ang kamay. Sumunod naman si Karen at napilitan namang nagtaas ng kamay ang dalaga sa naisip ng kaibigan. "Go for the win! Sissy!"




No comments:

Post a Comment