Seducing Mr. Look-a-like Chapter 5




Seducing Mr. Look-a-Like

By: CatchMe



Chapter 4




"Sir,ma'am, saan po kayo?" baling ng taxi driver sa dalawa na hindi parin pinapausad ang taxi nang hindi pa rin nagsasalita kung saan ang kanilang destinasyon.



"Saan ka?" tanong ni Trance sa katabing dalaga.



"Nasa tabi mo. Hindi mo ba ako nakikita?" palisopong sagot ni Cher.



"Ganyan ka ba makipag-usap sa boss mo?" inis nanamang baling ni Trance dito.



"Bakit? Nasa opisina ba tayo?" pigil ang ngiting sagot ng dalaga nang mag iisang linya ang kilay ng katabi.



"Nauubos na ang pasinsya ko sa babaeng ito!" tikom ang labing pinipigilan ng binata ang sarili. "Manong, pakihatid ako sa--"


"Kuya, ako nalang ang unahin mo." agaw ng dalaga na ningitian ang binata. "Marikina tayo kuya." ani pa niya nang tumonog ang kanyang cell phone, habang ang binata ay napasandal na lamang sa upuan. "Teka saglit lang," at sinagot niya ang tumawag ng makita ang pangalan ng pinsang si Noel.



"Uh musta? Saan? Sama ako, kaya lang wala akong kotse ngayon eh, tsaka umuulan pa."



"Oo.. Talaga? Sige, sige. Oo, ingat din, byebye." at muling ini-off ang kanyang cell phone at isinukbit ang bag. 



Iniimbitahan siya ng kanyang pinsang singer na sumama sa Laguna dahil inimbitahan daw itong mag ribbon cutting ng gobernor. At dahil madadaanan ng mga ito ang lugar kung saan siya naroon ay dadaanan na lamang siya ng kanyang pinsang singer.



"Kuya, siya nalang pala ang ihatid mo, at baba nalang ako." ani niyang binalingan ang katabing binata. "Bukas nalang kita ligawan papa. Gagala muna ako." sambit pa niya sa sarili. "Sige po sir. Dahil parang masama yata ang loob mo sa akin dahil nagsisikip tayo dito sa taxi, ba-baba nalang ako. Ingat po kayo sir." at matamis na nginitian ang binatang nagtataka nang akma niyang buksan ang pintuan ng taksi.



"Teka!" pigil ni Trance nang magsalita ang dalaga. Napatingin siya sa labas na malakas ang ulan. 



"Yes, sir?" nagtatakang ring napatingin siya sa binata ng pigilan siya nito.



"Susu-ong ka sa ulan?"



"Uy, si sir concern na sa akin." biro niya dito nang bigla nanamang tumalim ang tingin nito sa kanya. "Biro lang sir. Masyado ka namang highblood. Sige, ingat ka papa!" Hindi na niya binigyan ng pagkakataong makapagsalita ang binata. Mabilis niyang binuksan ang pintuan ng taksi at nilagay ang bag sa kanyang ulo na mabilis bumaba at patakbo pabalik sa silong ng kanilang kompanya.



Naiwang napasunod ng tingin ang binata dito na nakakunot ang nuo. " Ganun ba kaimportante ang taong tumawag dito? Na hindi manlang inalintana na mababasa ito ng ulan para lang makasama ang taong nakausap niya?" Napabuntong hiningang sinulyapan niya ang dalaga na nakatayo na sa entrance at pinupunasan ang nabasang braso nito ng panyo. Binalingan niya ang driver at inutasang umalis na sa harap ng kumpanya.




Napabalikwas ng bangon ang dalaga ng makaramdam ng tila kinikiliti ang kanyang mukha. At hindi nga siya nagkamali nang mamulatan ang kapatid na si Reneboy na may hawak-hawak na feather duster na siyang ginamit sa pahapyaw na idinait sa kanyang mukha.



"Ikaw?!!"



"Yay! Gising na ang froglet!" gulat na sigaw rin ni Reneboy na bahagya pang napaatras ng bigla napabalikwas ang dalaga at itinaas ang kamao nitong tila uumbagin ang kapatid.



"Wala ka bang magawa sa buhay mo bakla ka? Ha?" galit na pinanliitan niya ito ng mata sabay baba ng kanyang kamao na hinablot ang unan at akmang batuhin ang kapatid.



"Oppss! Sista, huwag kang ganyan. Dapat ka pang magpasalamat sa akin, dahil nag waste pa me ng time to wake you up ha!" ani nitong iniharang ang hawak na feather duster na tila isang espada.



"Pasa-salamat? Hoy! Bakla ka, hindi ko kailangan ang presinsya mo sa dito sa kwarto ko! At huwag na huwag mo akong-- " napatigil siya sa kakasalita ng bigla na lamang siyang napa-hatshing ng sunod-sunod.



"Oh hayan, sick ka tuloy sista. Mas maganda sigurong--"



"Labas! Lumabas ka sa kwarto ko!" malakas na sigaw niya sa kapatid na binato ng unan. 



"Tse! Supladitang froglet! Diyan kana nga!" at padarag siyang iniwan ng kanyang kapatid na lumabas ng kwarto. Muli niyang ibinagsak ang katawan sa malambot na kama at nagtulakbong ng kumot.


Mabigat ang kanyang pakiramdam, dahil sa umaga na siyang nakauwi galing pa ng Laguna. Kasama niya ang kanyang pinsang si Noel na inimbitahan ng gobernor ng Laguna para mag ribbon cutting sa binuksang bagong building ng kapitolyo ng Laguna. At dahil siya ang laging kasama ng pinsan sa lahat ng shows, concert, at kung ano ano pa ay hindi na siya nag dalawang isip na samahan ito kahapon. Kahit nabasa pa siya ng ulan ay hindi na niya inalinta iyon dahil sa suportang ibinibigay sa pinsang singer na may kahawig rin kay Enrique Iglesias.



Muli siyang napa balikwas ng bangon at hinablot ang tissue sa kanyang bedside table na muling napa-hatshing. "Sisiponin nanaman ako!" inis na wika niiya nang maalalang may trabaho pala siya ngayong araw. Mabilis siyang tumayo at nagkakandarapang papasok na sana sa banyo ng biglang napaatras. Nilapitan niya ang tokador at kinuha ang frame ni Enrique Iglesias at hinalikan bago tumuloy sa banyo para maligo.



"Reneboooyyyy!! Nasaan ang susi ng kotse ko?" malakas na sigaw niyang dumulog sa mesa. Kanina pa niyang hindi makita ang susi ng kanyang kotse.



"Cher, pwede bang umayos ka? Kada-dalaga mong tao, eh para kang laking kanto kung umakto." saway ng kanyang mama na nagkakape sa dinning room habang nagbabasa ng newspaper.



Humalik muna ang dalaga sa ina at mabilis na umupo para kumain. "Sorry ma. Paano kasi, late na ako. At hindi ko pa mahagilap kung nasaan na yung susi ng kotse ko." 



"Paano mo makikita ang susi mo, wala naman dito ang kotse mo. Diba si Noel ang naghatid sayo kagabi?"



"Ay! Oo nga pala!" Pahampas sa noong ani niya ng maalalang nasa talyer ang kanyang kotse. 



"Nasaan ba ang kotse mo?"



"Nasa talyer pala ma. Nakabangga ako ng kotse kahapon." sagot niyang ngumo-nguya ng kanin.



"Ano?! Hanggang ngayon ba naman Cher, ay hindi ka pa rin nag iingat sa pagmamaneho? Mabuti walang may nangyaring masaya sayo."



Napailing na lamang ang dalaga na hindi sumagot sa ina. Alam niyang hindi kumporme ang kanyang magulang na nagmamaneho siya dahil sa palagi siyang may nababangga. At minsan na rin siyang naisugod sa hospital nang mabangga siya sa isang poste kung saan iniwas niya ang kanyang kotse sa asong biglang tumawid sa daan.



"Cher! Are you lestining?" agaw nang kanyang ina na kanina pa nagsasalita sa kanya na tila hindi niya naririnig ang sinasabi nito.



"Oo ma. Alam ko na. Kabisado ko na nga palagi niyong ipinaalala sa akin ni papa." sagot niyang uminom ng fresh orange juice. "diyos ko naman Cher! Kailan kapa ba mag aayos sa pagmamaneho? Hanggang kailan kaba makipag-kaskasan sa mga motorista? Tandaan mo, kababae mong tao at hindi ka nakikipag karera dahil wala ka sa car racing! At sa susunod na maaksidente ka dahil sa hindi mo pag iingat, babawiin namin ang kotse mo!" mahabang litanya niya sa paulit ulit na paalala ng kanya nang magulang sabay tayo.



"Cher! Maupo ka nga." tawag ng kanyang ina na sinundan siya ng tingin.



"Tapos na ako ma, kailangan ko nang umalis at late na talaga ako." ani niyang pinunasan ang labi at pumunta sa kusina para mag toothbrush.



"Magpahatid kana kay Reneboy!"



"Ay huwag na ma! At mas lalo akong male-late pag ang baklang iyon ang makakasama ko.!" pasigaw na sagot niya sa ina habang nag toothbrush.



"Kayo talagang dalawa! Kayo-kayo na nga lang, eh palagi pa kayong nag aasaran." napailing na wika ng ina nang balikan niya ito mesa.



"Kung bakit kasi naging bakla pa yun eh. Dinaig pa ng bruha ang katarayan ko. Oh, siya sige ma, alis na ako." paalam niya dito at agad na kinuha ang bag sa sofa at tuloy tuloy ng lumabas sa kanilang bahay.




Malalaki ang mga hakbang na na pumasok amg dalaga sa entrance ng building. Nahihiyq siya sa kung anong isipin ng kaniyang kaopisa sa pagihing late niya sa trabaho. Pangalawang araw pa naman niya iyo sa kompanya palagi pa siyang late. Inos nanamang kumuha siya ng tissue sa kanyang bah nang maramdamang nakikiliti nanaman ang kanyang ilong. Ganun talaga siya pag kulang ang kanyang tulog. Dagdagan pa na bahagya siyang nabasa ng ulan kahapon. Kaya't heto siya namumula na ang ilong sa kakapunas ng tissue.



"Oh, Cher! May sakit ka yata." puna ni Jonalyn ng makasalubong niya ito sa pasilyo ng lumabas siya ng elevator.



"Sipon lang." Nakangiting sagot niya dito. Dumeretso na rin siya sa kanilang opisina na nilampasan ang kaopisinang si Jonalyn.



"Sissy, kanina kapa ni sir hinahanap." salubong ni Michelle ng makapasok na siya sa glass door.



"Na late nga ako eh, pasinsya na ha." 



"Siya, pasukin mo agad sa office niya at baka importante ang ipapagawa sayo." tulak ni Michelle dito. Agad naman siyang sumunod at inilapag ang bag sa inuukopang cubicle bago pumasok sa private room.



"Morning sir, hinahanap niyo raw ako?" 



"At bakit ngayon kalang?" salubong na tanong ng binata ng makapasok ang dalaga.



"Ay, bakit sir? Na miss niyo kaagad ako?" sagot ng dalagang napangiti.



"What!? Inis na ibinaba ng binata ang hawak na folder. "Ang kapal talaga ng babaeng ito." ani niyang binalingan ang dalaga. "Ganyan kaba pag nagtatrabaho, lagi kang nale-late sa opisina?"



"Grabe ka naman sir. Dalawang araw lang naman akong late ah."



"Dalawang araw ka ngang late. At pangalang araw mo palang na nagtatrabaho dito, pero late ka? Aba, Ms. Arnaiz, baka iniisip mo, na dahil pinsan mo ang asawa ng presidente nitong kompanya at pinakikiusapan kalang na maging substitute niya ay maari mong gawin ang gusto mo!" 



Biglang natigilan si Cher at nakaramdam ng pagkapahiya sa sinabi ng binata. Pero sa kabila ng kaniyang isip ay ang pag alsa ng kanyang dugo sa pambibintang nitong ginagamit niyang dahilan ang pagiging magpinsan nila ng asawa ng presidente ng kompanya na minsan ay hindi manlang sumagi sa kanyang utak. 



"Mr. De Vera a.k.a Mr. Aloe Vera!" mariing tawag ng dalaga na hinarap ang binatang nakaupo sa likod ng mesa. "Watch your tongue bago ka magsalita! At bakit mo naisip na ginagamit ko ang pagiging magpinsan namin ni Rebecca? Ni hindi nga pumasok sa utak ko ang iniisip mo. Kung magsalita ka akala mo tama ang mga hinala mo! Hoy, for your information! Hindi ko iniisip na pinsan ko ang asawa ng presidente. Sadya lang talagang na late ako ngayon at sisiguraduhin kong hinding-hindi na ako mala-late ulit! Itaga mo yan sa abs mo!" inis na wika niya sabay talikod dito at nag martsa palabas ng opisina.



Tigagal na naiwan ang binatang hindi nakagalaw sa kanyang kina-uupuan. Hanggang sa makabawi at marahang napatawa sa inasal ng dalaga at napailing.



Inis na bumalik sa nakala-ang cubicle ang dalaga at padarag na naupo habang patuloy sa pagbubulong bulong ng kung ano-ano tungkol sa sinabi ng boss niyang gwapito pero ubod naman ng suplado. "Huh! Sarap bugbogin ang matigas niyang abs!" pahampas sa mesang wika niya sa sarili sabay bunot ng tissue.



Maya-maya pa ay inabala niya ang sarili sa kababasa ng files ng tumunog ang telepono sa kanyang mesa na siyang extension sa private room ng presidente. Hinayaan niya munang mag ring ng ilang beses, para makaganti sa boss niyang nambibintang sa kanya. "Maghintay ka diyan, Mr. Aloe Vera!" ani niyang ibinalik ang atensyon sa binabasa.



"Cher, sagutin mo yung phone mo. Malamang si sir De Vera yan." wika ni Jonalyn na dumungaw sa kanyang cubicle. 



"Hayaan mong maghintay, busy pa ako." Sagot niya dito. Napataas ng balikat na lamang si Jonalyn na bumalik sa kanyang cubicle. Muli nanaman siyang kumuha ng tissue at idinait sa kanyang ilong na namumula na sa kakapunas niya ng bigla siyang napa-hatsing ng malakas. 



"Sissy, uminom ka kaagad ng gamot bago lumala yang sipon mo!" pasigaw ng kaibigang si Cher na dumungaw sa cubicle nito na malapit sa pituan palabas sa opisina. 



Nginitian lamang niya ang kaibigan at yumuko. "Bakit pa kasi ako sinipon eh! Kakabadtrip naman to uh." wika niyang niyuko at pinulot ang nahulog na folder.



"Bingi ka ba? O nana-nadya ka?!" napaigtad ang dalaga ng marinig ang galit ng boses ng binata dahilan ng kanyang pagkauntog sa mesa.



"Patay!" napapikit siyang nag isip nang dahilan bago tumayo at hinarap ang binata. "Hindi ako bingi ah. Tsaka, anong nanadya? painosenting tanong niya dito na pinakunot pa ang noo na tila walang alam sa sinsabi nito sa kanya.



"Ikaw! Nananadya kana ha, at talagang pinapaubos mo ang pasinsya ko!" mataas ang boses na itinuro pa siya ng binata.



"Ako?" kunot pa rin ang nuong itinuro ang sarili at nagpalinga-lingang tiningnan ang kanyang likod kung may tao o wala. Dahilan ng lalong pagdilim ng gwapong mukha ng binata. "Ah, ako nga! Ako nga ang tinutukoy mo." patay malisyang wika ng dalaga na lihim na kininditan ang kaibigang si Michelle na nakatunghay sa kanila. Sa kanila rin nakatingin ang iba pang empleyadong nasa loob ng opisina.



"Huwag mong paubusin ang pasinsya ko Ms. Arnaiz, at tiyak na pagsisihan mo ang gagawin ko sayo.!" mariing pagbabanta ng binatang bahagyang inilapit ang mukha sa kanya.



"Weehhh! Pagbantaan ba naman ako? Ano yun? Hahalikan mo ako?" wika ng dalaga sa sariling napasinghap ng maamoy ang hininga ng binata. "B-Bakit? Anong gagawin mo?" matapang na sagot niyang pinantayan ang mga titig ng binata.



Ang titig nitong tila tumagos sa kanyang kaluluwa. At hindi niya napigilan ang sariling bumaba ang paningin sa matangos na ilong ng binata. Sa maupupulang labi nito na nagpapatakam sa kanya na mahalikan man lamang. At tila kay sarap pang kagatin ang labi nito. "Yay! Cher, nababaliw kana talaga!" sigaw ng kanyang utak at wala sa sariling napakagat ng labi. Hindi niya maiintindihan kung bakit tila mabibingi siya sa lakas ng tibok ng kanyang puso na tila gustong tumalon, na hindi niya maintindihan. Lalong lalo na nang palapit na palapit ang mukha ng binata sa mukha niya. At talagang nawawala na nga siya sa sa kanyang sarili dahil napapikit na siyang hinihintay ang pagdait ng labi nito sa kanya.



"Nakikinig ka ba?! O nanaginip kana?" malakas ang boses na wika ng binata sabay pitik ng kamay nito sa mukha ng dalaga.



Biglang napamulat ang dalaga at namula ang mukha ng makitang sa kanila nakatingin ang kanialang kaopisina na pinipigilan ang mga sariling mapatawa ng malakas.



"Malayo na yata ang lipad ng isip mo Ms. Arnaiz. Inaasahan mo bang... Hahalikan kita?" nanunudyo ang labing wika ng binata. "Huwag kang umasa, dahil hinding-hindi mangyayari iyon!" pang iinsultong dugtong nito at marahang tinawanan ang dalaga bago tinalikuran.

No comments:

Post a Comment