Seducing Mr. Look-a-like Chapter 6

Seducing Mr. Look-a-Like
By: CatchMe

Chapter 6



GULAT na napabaling ng tingin ang dalaga sa kanyang likuran at napahinga ng maluwag ng makita ang kaibigang si Michelle.


"Nag day dreaming ka nanaman Sissy."


"Hindi naman! Na-iinspire lang talaga ako kay papa Trance. Este kay papa Enrique pala"

Nakangiting baling niya kay Michelle na natawa sa kanyang sinabi. Muli niyang inayos ang papeles na hindi natapos basahin at inilagay sa folder.


"Talagang highblood si sir sayo ano? Wala ka talagang pinag kaiba kay Rebecca. Pareho kayong palaban."


"Huwag ka ng magtaka sister. Sa dugo na namin yan."


Muli siyang napangiti sa sinabi ng kaibigan. Hindi naman talaga ganun ka kapal ang kanyang mukha. Naaliw lang naman siyang inisin ang binata dahil mabilis itong magalit. At ang cute niyang tingnan pag namumula yung mukha nito dahil sa kagagawan niya. Tsaka yung ano niya. Yung lips niya na ang pula pula. "Hayy papa ko."


"Pero infairness sissy ha? Nakuha mo ang atensyon ni sir ng bonggang bongga!"


Napahampas pa ang kaibigan sa kanyang braso at tiyak niyang kinilig din ito kay papa Trance niya na tinawanan lamang niya.


"Talaga sister? 'Eh sa tingin mo ba, mapapa-ibig ko si papa Trance?"


Bigla siyang kinilig sa isiping mapapaibig ang binata gamit ang kanyang kagandan. "O pwede na rin siguro ang aking kakulitan." napangiting wika niya sa sarili.


"Ofcourse sissy. I'm sure, mabibingwit mo si papa Trance. Aba! Sa ganda mong yan? Hindi mo kayang sungkitin at mapapalambot ang pusong bato ni sir?"


Sutsot pa ng kaibigan, na siya pang mas lalong nag patulak sa dalagang patunayan na mapapaluhod niya ang binata sa kanyang kagandahan.


"Anong hindi? Papatunayan ko sayo sister, na magiging akin din 'yang si papa Trance! Promise! Kahit itaga mo pa sa pimples mo ang sinabi ko!" irap pa niya dito.


"Sissy naman eh! Bakit sa pimples ko pa? Eh pwede namang itaga sa bato. O di kaya sa hangin nalang!" reklamo nito sa kanya.


Napahagalpak na lamang siya sa tawa ng makita ang reaksyon ng kaibigan na ipinadyak pa ang mga paa.


"Oh, siya sige. Sa bato na kung sa bato." tatawa tawang bawi niya dito.


"Pero, sa totoo lang sissy, para lang kayong pinag biyak na bunga ni Rebecca. Magaganda, mataas, maganda ang hubog ng katawan at tsak--"


"Michelle! Tomboy ka!? Oh my god! Pinag nanasaan mo ba ang kagandahan ko!?"


Mulagat ang matang napatingin sa kaibigan ang dalaga na pigil pigil ang muling mapahagalpak sa tawa dahil sa pag iba ng mukha ito.


"Excuse me no!? Ako? Tomboy?! Patawa ka sissy. Para kang may saltik kaya nababadtrip sayo si sir 'eh. Hmp! Balik na nga ako sa cubicle ko! Dyan ka na!"


Inis na nag martsang pabalik ang kaibigan sa cubicle nitong iniwan siya. Habang tatawa tawang sinundan naman niya ito ng tingin.


"Biro lang yun sister! Ikaw talaga!" pahabol pa niya ditong natatawa pa rin.



Nagtitipa na ang dalaga sa kanyang laptop ng mag ring ang teleponong nasa kanyang table na agad naman niyang sinagot at inipit ang telepono sa pagitan ng kanyang balikat at tenga. Habang hindi inaalis ang mga mata sa screen ng kanyang laptop.


"Where's the document?" bungad kaagad ng binata sa teleponong hawak ng sagutin ng kinaiinisang sekretarya ang tawag niya.


"Nandito sir."


"At anong balak mo sa dokumentong iyan? Ipakain sa ipis? Kanina ko pa hinihintay ang mga iyan na ibigay mo sa akin, tapos hindi mo pa magawang ihatid dito sa loob?"


Inis na napaayos ng upo ang dalaga sa iritadong boses ng kanyang among pinagpapantasyahan kani-kanina lang.


"Ano ba talaga sir? Hindi ko kayo maintindihan. Ang sabi mo kaninang pumasok ako diyan, ay.. Get out! Get out! Tapos ngayon pinapabalik mo nanaman ako diyan?"


"Will you please--"


" Ano ba ang problema mo sir? Ikaw na yata ang may tama sa ulo sir eh! Pabago-bago ka ng isip.! Eh kung ako kaya sa posisyon mo at ako ang gagawa niyan sayo, masaya kaba? Ha? Masaya kaba?" inis pa ring pinag taasan niya ng boses ang magaling niyang amo. Na hindi na nakapagsalita aa kabilang linya.


"Hello sir? Hello? Hello? Nawawala nanaman kayo sir eh. Hello? Hell- aayy!!" napaigtad at mabilis na tumayo ang dalaga ng biglang magsalita ang galit na boses ng kanyang amo sa harap ng kanyang cubicle. Nahulog pa ang teleponong nakaipit sa kanyang tenga dahil sa pagka bigla dito.


"Ginagalit mo talaga ako Ms. Arnaiz ha?! Sumusobra kana, hindi ka ba talaga marunong rumispito sa amo mo?!"


"Po? Ahm ano po sir. Kasi.." kinakabahan at hindi mapakaling inayos muna niya ang teleponong nahulog. "Kasi.. Kasi.."


"What!?"


"Ay kasi bata!" gulat na sambit ng dalaga ng biglang tumaas nanaman ang boses ng binata. "Uh ayan nagulat tuloy ako sir." kagat ang labing napayuko ang dalaga na tiningnan ng matalim ng binata.


"Follow me inside, and bring the documents that I posted on your memo board!"


Mabilis ang mga hakbang na bumalik ang binata sa private room. Halos magiba na yata ang pintuan ng opisina ng kanyang kaibigan sa sobrang galit na nararamdaman para sa sekretaryang... Hindi niya alam kung may tama nga ang utak nito o talagang sinasadya nitong galitin siya!


"Gezz!! Help me!" patingalang wika niya habang papalapit sa table nito at pabagsak ang katawang naupo sa chivel chair na nasa likod ng kanyang mesa.


"Huhuhu! Cher naman kasi eh! Masyado mo namang pinapairal 'yang pagka highblood mo. Pag nagkataong hindi mo mapapaibig si Papa Trance? Ay ewan ko! Ewan ko lang Cher! Hinding hindi kita mapapatawad!"


Pagalit na wika niya sa sariling napakamot sa ulo.


"Ah! Ewan! Bahala na!" kinakabahang kinuha niya ang folder na kanina pa niya naayos at malilit ang hakbang na tinungo ang private.


Nginitian pa niya ng pilit ang mga kasamahang nakatingin sa kanya na tila nagpapahiwatig na "Hala ka!" na mas lalong nagpakaba sa kanya.


Nang makaharap sa pintuan ng private room ay lumingon siya sa cubicle ni Michelle at nakita niya ang kaibigang ngkakanda-haba ang leeg sa kakasilip sa kanya.


"Aja! Sissy!" ani nito, na itinaas ang nakakuyom na kamao nito na naka sign pa ng go! Nag aalinlangang napayuko ang dalaga at nilakasan ang loob na tinulak ang pintuan at muling isinara ng makapasok.


"Prangkahin mo nga ako, Ms. Arnaiz! May saltik ba yang ulo mo?! O nananadya kang galitin ako?" bungad kaagad ng binata ng makapasok ang dalaga.


Biglang nagpanting ang tenga ng dalaga sa narinig buhat sa amo. Oo, at inaamin niyang umusok ang tenga niya sa narinig. At hindi lang basta tenga niya ang umusok! Pati na yata ang ilong niyang sinisipon ay umuusok na rin. At nangangati ang ilong niyang bugahan ng apoy ang binata!


"Ano? Ang sakit mo namang magsalita sir! Hindi porke't gusto kita 'eh yan na kaagad ang hinala mo sa akin!?"


"Kung ganun, bakit hindi mo kaagad ibinigay ang papeles na iyan?"


"Eh, diba sabi mo ayaw mo akong makita? So, hindi ako pumasok para hindi ka mabadtrip. 'eh yan, tingnan mo. Nabadtrip ka tuloy dahil pinapasok mo nanaman ako dito." dahilan pa ng dalagang tila bata.


"Argh! Sobra na talaga! Be calm, Trance. Be calm. Huwag mong patulan ang kabaliwan ng babaeng ito. Or else, sasakit lang ang ulo mo!" wika ng binata sa sariling huminga mg malalim at napabuga ng hangin. "Iwanan mo yang dokumento, and leave the room!"


"Sir?"


"What? Don't you hear what I said? Put that document here! And leave the room!" mariing wika niyang pinagpag ng kanyang palad ang mesa.


"Ah, okay sir. Here." nakangiting inilapag ng dalaga ang hawak na folder at nanatiling nakatayo sa harap ng binata.


"And leave the room!"


"Alam, mo ikaw sir. Hindi ka talaga marunong kumausap sa akin ng matino."


"At ako pa ang pinagsasabihan mo ng ganyan? How dare y--"


"Ay ewan! Ang suplado mo! Diyan kana nga!" wika na lamang ng dalagang tinalikuran ang binata para lumabas ng opisina. Ngunit di pa man tuluyang nakalabas ay muling tinawag ni Trance ang dalagang nabuksan na ang pinto.


"Oh bakit? Na miss mo ako kaagad?" baling ng dalagang napangiti.


"Will you please be serious!" Kailangang mong icheck ang conference room, at be sure na handa na ang lahat bago mag umpisa ang meeting."


"Yun lang ba sir? Baka may idagdag kapa lubos-lubosin mo na."


"At makinig kang mabuti mamaya sa pinag uusapan namin ng mga board of directors at isulat mo ang mahalagang pinag usapan namin. Maliwanag!?" pahabol ng binatang matiim na tiningnan ang dalagang nasa pintuan.


"Oo! Hindi ako bingi!" inis na sagot ng dalaga.


"Buti, at di mo kailangan ng hearing aid!" paasik na wika ng binata.


"Sobrang suplado naman nito. At masyado ng inaalipusta ang dangal ko! Hmp! Mamaya halikan pa kita diyan eh!" May kalakasang sambit ni Cher na hindi nakaligtas sa pandinig ng binata.


"Anong sinabi mo?"


"Ha? Ah, eh.. Secret! Wala kang clue! Sige, bye!" sagot ng dalagang mabilis na binuksan ang pintuan at kinindatan ang binata bago lumabas ng opisina.

No comments:

Post a Comment