Seducing Mr. Look-a-like Chapter 9



Seducing Mr. Look-a-Like
By: CatchMe

Chapter 9



NATIGILAN ang binata ng hindi pa man nakalapit sa dalaga ay may tumigil na kotse sa harap nito. Nakangingiting sinalubong ng dalaga ang lalaking bumaba sa kotse at pinagbukas ito ng pintuan. Agad naman itong sumakay at naiwang magkasalubong ang mga kilay ng binatang sinundan ng tingin ang papalayong kotse na sinakyan ng dalaga.


"Who is he?" sambit ni Trance sa sariling muling pumasok sa kanyang kotse. "Maybe, her boyfriend." kibit balikat na sagot din niya sa sariling katanungan. Pinausad na lamang niya ang kanyang bagong kotse palabas sa malaking gate ng Montero-De Silva's Finacial Holdings Inc.



"Saan ang destinasyon natin kuya?" baling ni Cher na nginitian ang pinsang pinaandar na ang kotse nito.


"Sa Greenhills. May ime-meet kasi ako, at kailangan ko ang presence mo as a date." nakangiting ring sagot ng binatang singer na inilikod na ang kotse palabas ng kompaya ng kaibigang si Enrique.


"Yay! Nanaman? I'm sure si Frelyn nanaman yan ano?"


"Yeah, tumpak mo kas!" nakangising baling ng gwapong mukha ng binatang singer.


"Bakit kasi hindi ka nalang mag hanap ng girlfriend mo kuya? Tsaka, bakit ba di ka pa rin ba makapag move-on kay Frelyn? My God, kuya! Marami namang nagkakandarapa sayo, you have to choose and pick kung sinong gusto mo sa lahat ng nababaliw sayo." mahabang litanya ng dalaga.


"Akala mo madali lang yun? Uy, Cher mahal ko si Frelyn ah. And I keep hoping na, magugustuhan niya rin ako."


"Asa kapa kuya. Kung talagang may pagmamahal siya sayo, 'eh di sana mag girlfriend na kayo. Kaya ka nga niya hindi sinagot, kasi wala siyang pag ibig sayo. You have to accept the fact na hindi kayo ni Frelyn ang itinadhana sa isa't isa. Maybe, meron talagang nakalaan para sayo."


Bigla siyang natigilan sa sinabi sa kanyang pinsan ng maalala ang kanyang boss. 


"Ang galing kong mag advice kay kuya, 'Eh sarili ko, ganun din ang ginagawa." napabuntong hiningang napailing na lamang ang dalaga.


"Don't mind me nalang. Musta na pala kayo ni Robert?" tukoy nito sa manliligaw niyang kaibigan ng binata.


"Ah, ang kulit kuya. Tsaka, tigilan mo nga yung kakarito mo sa akin ng nga kaibigan mo. Di pa naman ako nagmamadaling makapag asawa para hagisan mo ng mga kalalakihan." 


"Ayaw mo nun? Marami kang mapagpipilian." natatawang sagot ni Noel.


"Huh! Kung si Papa Trance yan, 'eh di sana ni rape ko na agad para makapag asawa na ako." sambit niya sa sarili. "Ay ewan ko sayo Kuya. By the way, kailangan kita bukas at mahalaga ang role mo sa mangyayari bukas ng gabi." pag iiba na lamang niya sa usapan.


"What is it? May lakad ako bukas ng gabi eh."


"No kuya. You have to be there. Cancels your schedule tomorrow night, dahil may mahalaga tayong dadalohan." muling saad niya dito. Walang nagawa ang binata at napakamot na lamang sa ulo habang binabagtas ng kotse nito ang kahabaan ng EDSA.



Pagmulat ng mata ay mataas na sikat ng araw ang sumalubong kay Cher. Dahilan ng bigla niya pagpikit at muling tinakpan ang mukha. Nang bigla na lamang siyang mapa balikwas ng bangon at awtomatikong napatingin sa kanyang alarm clock na nasa bedside table.


"O-M-G, bakit hindi tumunog ang alarm clock ko!? Shaks! Sobrang late na ako." mabilis siyang tumayo at agad na pumasok ng banyo para maligo ng mabilisan. 


Pagkatapos maligo ay agad niyang hinalungkat ang kanyang kabinet. Naghanap siya ng kanyang isusuot ng pumasok ang kanyang ina sa kwarto nito.


"Oh hija, gising kana pala."


"Ma, bakit di niyo ako ginising? Late nanaman ako uh." reklamo niya ina.


"Sinadya ko talagang hindi ka gisingin, dahil malala 'yung sipon mo kagabi. Magpahinga ka muna para gumaling ka agad." wika ng kanyang mama na inayos ang kanyang kama.


"Pero ma, substitute nga lang ako ni ate Rebecca, tapos mag aabsent pa ako?"


"Hija, mas importante pa ba ang trabaho kesa sa kalusugan mo? And besides, you dont have a choice. Dahil natawagan ko na ang opisina niyo, to let them know na may sakit ka."


"Pero ma.." baling niya sa ina at napakamot na lamang siya sa ulo na lumapit sa kama. 


"Magpahinga ka muna anak. Tingnan mo nga yang mukha mo. You look tired kahit kagigising mo lang." wika pa ng kanyang ina.


"Hindi ko tuloy masisilayan ang gwapong mukha ni Papa Trance!" ani niya sa sariling napabuntong hininga. "Hay papa, mami-miss kita. Kahit pinaiyak mo ako kahapon, di pa rin nabawasan ang pagmamahal ko sayo." dagdag pa niyang pinagsalikop ang mga kamay.


"Sunod kana sa dining room hija at mag breakfast ka. Para makainom ka ng gamot. Kung saan saan kasi kayo sumosuot ng pinsan mong si Noel. Ni hindi mo manlang inaalagaan ang sarili mo at nagkakasakit kana."


"Sige ma, susunod na ako." sagot niya sa inang muling tumayo at lumapit sa kanyang kabinet na humugot ng damit pam-bahay. "Aasikasuhin ko nalang ang venue kung saan mag po-propose ang boyfriend ni sister Michelle. Hay, ang swerte naman niya." wika niya sa sarili.



Lihim na nadismaya si Trance ng makarating ng opisina ay hindi nakita ang dalaga sa cubicle nito. Kaya tumuloy na lamang siya sa private room at inilapag ang hawak na attach case sa mesa. Tiningnan niya ang relong suot at magpapasado alas otso na ng umaga.


"Pa sumpa sumpa pa kahapong hindi na magpapa-late. But look what she done? Late nanaman." ani niya sa sariling naupo sa chivel chair na sa harap ng mesa.


Inabala ng binata ang sarili sa kababasa ng mga papeles na nakapatong sa kanyang mesa. Habang panay ang tingin niya sa kanyang timex wrist watch.


"Himala, hindi yata nangulit ang babaeng may saltik sa ulo." ani pa niya sa sariling napahinga ng malalim.


Maya-maya ay tiningnan niya ang teleponong nasa kanyang mesa. Nag dadalawang-isip siya kong tatawag sa table ng dalaga o hindi. "Galit kaya siya sa akin dahil nasigawan ko?" tanong niya sa sariling kinuha ang telepono at nag dial. 


Ngunit, hindi pa man natapos ang number na kanyang ide-nial ay muli niya itong ibinaba ang awtibido ng telepono. Napasandal siya sa kanyang upuan habang hinahaplos ng palad nito ang kanyang noo.


Maya-maya ay kinuha muli ng binata ang telepono at muling idenial. Napabuga siya ng hangin ng mag ring na ang teleponong konektado sa mesa ng substitute secretary ng kanyang kaibigan.


Nakailang ring muna bago may sumagot at napakunot ang kanyang no-o ng ibang empleyado ang sumagot at hindi boses ng dalagang kinaiinisan. "Galit talaga siya sa akin? Bakit iba ang pinasagot nito ng telepono? Malamang nga galit talaga siya sa akin." wika niya niya ng bumalik ang kanyang atensyon at hindi pa pala siya nakapagsalita ng may sumagot sa kabilang linya.


"Oh yes, can you made me a cup of coffee please?"


"Moment sir." sagot ng empleyadang sumagot sa telepono.


Ilang minuto lang ay kumatok at pumasok ang empleyadang sumagot sa phone. Maingat nitong inilapag ang dala-dalang mainit na kape at nag paalam ng lumabas ng private room.


Muling napatingin ang binata sa kanyang timex wrist watch at pasado alas nueve ng umaga ng maisipang tawagan na naman ang sekretaryang kinaiinisan. Ngunit nadismaya nanaman siya ng iba ang sumagot sa telepono. Kaya wala sa sariling ibinaba na lamang ang hawak na telepono at lumabas ng opisina.


"Ay? Bakit di sumagot si sir?" nagtatakang wika ni Jonalyn na siyang sumagot sa teleponong nasa mesa ni Cher.


"Sino yun sissy?" tawag ni Michelle sa kanya.


"Di sumagot eh." ani niyang bumalik na lamang sa kanyang cubicle.



Paglabas ng opisina ay dumeretso kaagad ang binata sa cubicle ng sekrearyang may saltik daw umano sa ulo. At nagtataka ang mukha ng hindi makita ang dalaga sa cubicle nito.


"Where is Ms. Arnaiz?" tanong niya kay Jonalyn na siyang linaka malapit na cubicle sa cubicle ng dalaga.


"Ay sir, tumawag kasi yung mother niya na mag aabsent daw muna si Ms. Arnaiz dahil may sakit daw po siya sir." napatayong sagot ng dalaga sa substitute president ng kanilang kompanya.


"So, tinatablan din pala ng sakit ang babaeng yun? Paano naman kasi hini siya magkakasakit 'eh nabasa ng ulan nung isang araw!" wika niya sa sariling naka pameywang pa.


"Sir?" pukaw ni Jonalyn sa amo ng hindi ito nakapagsalita.


"Yes?" biglang baling naman ng binata dito. 


"Sabi ko po sir, ano po ba yung kailangan niyo at ako na po ang gagawa." magalang na sagot ng dalaga dito.


"Nevermind." ani niyang pumihit na pabalik ng private room. 


Ngunit bigla siyang napahinto at napatingin sa teleponong biglang nag kring sa mesa ng dalaga. May kung anong excitement na naramdaman ang binatang mabilis na lumapit sa cubicle ng dalaga para sagutin ang telepono.


"Hello, Ms Arnaiz?" agad niyang sagot ng biglang natigilan sa inakto.






No comments:

Post a Comment