Seducing Mr. Look-a-like Chapter 8



Seducing Mr. Look-a-like
By: CatchMe

Chapter 8



HINDI makagalaw sa kinatatayuan ang dalaga sa sinabi ng binatang mabilis siyang tinalikuran at bumalik sa conference room. Hanggang sa di niya namalayang nahulog na pala ang luha sa kanyang mukha.


Mabilis niyang pinunasan ang luha at pinakalma ang sarili at pumasok na sa opisina. Yuko ang ulong bumalik siya sa cubicle ng pinsang si Rebecca na hindi pinansin ang kaibigang si Michelle ng tanungin siya nito.


"Okay ka lang sissy? Pasan mo yata ang mundo?" 


Nagulat pa ang dalaga ng magsalita ang kaibigan sa kanyang likuran na hindi na niya napansing sumunod pala sa kanyang cubicle.


"M-masama lang ang pakiramdam ko sister." matipid na sagot niyang hindi tumingin sa kaibigan.


"Ganun ba? Dapat kasi magpahinga ka, tingnan mo yang ilong mo uh. Namumula na sa kaka singhot mo."


"Huwag mo nalang akong pansinin. Nag eemote ako eh." ani pa niyang kumuha ng tissue.


"Oh siya sissy. Parang nanibago lang kasi ako. Napaka-hyper mo pa kanina ng pumunta ka sa conference room at hindi mo alintana ang sipon mo. Tapos ngayon, parang pasan mo ang mundo? Uy! Ano ba ang nangyari sa coference? At napabalik ka dito kaagad? Pinalayas ka ni sir?" sunod sunod na tanong nitong kinalabit pa ang kanyang balikat. 


"Paano kasi, laging baboy ang ulam kaya't tumaas ang b.p. Ayun, pinalayas ako!" kaila ng dalaga. 


"Yaan mo sissy. Lalambot din yan. Manalig ka sa kagandahan mo at tiyak na gagapang si sir papunta sayo!"


Napatawa na lamang siya sa sinabi nito at napailing. "Sigurado kang gagapang? Ano yun? Yung babae sa The Grudge? O yung babae sa The Ring?"


"Kahit saan dun, basta tiyak kong gagapang sayo si sir pag nainlove na siya sayo! Ikaw pa? 'Eh malakas yata ang kili-kili powers mo!"


"Tse! Anong kili-kili powers ka diyan!?" Natatawang reklamo ng dalaga.


"Hindi, biro lang yun. Ang ibig kong sabihin, iyang sex appeal mo! No one can resist you beauty sissy! Not even Mr. Trance De Vera! Oh diba? Bongga!"


"Oh siya! Sige na. Pagagapangin na natin si papa Trance sa mala The Grudge kong kagandahan!" sabay na nagtawanan ang dalawa.


"Oh kitam? Ngumiti ka rin. Dapat kasi lagi kang ngumiti sissy para mas lalo kang gumanda. Huwag mong hayaang magkaroon ng space ang kalungkutan sa mala The Grudge mong mukha." natatawang wika ni Michelle.


"Bumalik ka na nga sa cubicle mo, lukaret ka!" pagtataboy niya dito na tatawa tawang tinalikuran siya. Napailing na lamang ang dalaga at biglang napalis ang ngiti sa labi ng maalala ang sinabi ng binata.


Papasok na si Trance ng opisina mula sa conference room ng magkasalubong ang paningin nila ng dalaga. He see's the pain in her eyes na hindi niya maipaliwanag kung bakit nakaramdam siya ng pagsisi.


"Pagsi-sisi? For what?" ani niyang iwinaksi ang naisip at napailing ng binawi ng dalaga ang paningin nito sa kanya. 


Dumeretso na lamang siyang pumasok sa private room at napaupo sa sofa. Maya-maya ay napatayong lumapit sa glass window at tumanaw sa kawalan. Napabuntong hininga siyang, bumalik sa sofa at inihilamos ang sariling palad sa kanyang mukha.


Sumapit ang alas singko ay matamlay na nag ayos ng kanyang gamit ang dalaga para umuwi. Iniwan na lamang niya ang kanyang laptop para hindi na siya mahirapan bukas.


"Kailangan ko na talagang matulog, bago pa lumala itong sipon ko." ani niyang tumayo na at isinukbit ang bag para lumapit sa cubicle ng kaibigang si Michelle.


"Tara na sister." yaya niya sa kaibigang hindi pa tapos sa tinitipa nito sa harap ng computer.


"Sissy, mauna kana. Tatapusin ko lang ito."


"Hintayin nalang kita--"


"Ay huwag na! Alam kong masama ang pakiramdam mo. Kaya go kana sissy. You have to take a rest para di na lumala 'yang sipon mo."


"Sigurado ka sister?"


"Yup. Don't mind me here. Sige na, mauna kana para makapag pahinga ka."


"Sige. Mauna na ako." nakangiting paalam niya sa kaibigan at humakbang palabas ng opisina.


"Ingat ka sissy!" pahabol pa ni Michelle dito na kinaway pa siya.


"Ikaw din!" sagot niya at tuluyan ng lumabas ng opisina. 



Seryoso ang mukhang lumabas si Trance ng private room para umuwi. At napahinga siya ng maluwag ng hindi makita ang dalaga sa cubicle nito.


"Thank god! At hindi ko nasilayan ang baliw dito sa opisina." ani niyang deretso ng lumabas. 


Ngunit, bigla siyang napahinto sa gitna ng hallway ng makita ang dalagang nakatayo sa harap ng elevator. At plano sana niyang umatras para bumalik na lamang sa opisina, para hindi makasabay ang dalaga sa elevator. Sa takot na baka kung ano-ano pang kabaliwan ang gagawin nito sa kanya. 


Pero nilapitan ito ng isang empleyada rin ng kumpanya at hinila papasok sa isang pintuan na may sampung hakbang mula sa elevator at hindi niya alam kong ano iyon.


Napakibit-balikat na lamang siya at itinuloy ang lakad papuntang elevator at tamang tama namang bumukas ito. Kaya pumasok agad siya sa loob.



Nakaharap na ang dalaga sa elevator at naghihintay na bumukas ito ng may tumawag sa kanya. "Oh, bakit Jo?" nagatatakang napatingin ang dalaga ng hilahin siya ni Jonalyn papasok sa canteen.


"Wala na kasi akong kasabwat eh. Nakiusap sa akin si Rufino na gusto niyang sorpresahin si Michelle."


"Sinong Rufino?" 


"Yung boyfriend ni Michelle. Mag po-propose daw bukas. At kailangan mo akong tulungan kong paano niya sorpresahin si Michelle."


"Ganun ba? Ang swerte naman ni Michelle. Saan mag po-propose si Rufino? Dito sa opisina?"


"Sa ibang lugar sana, saan ba ang maganda? Tsaka naiisip ko kasi si Noel. Yung pinsan mong singer. Idol din kasi yun ni Michelle. Pwede kayang.. I-invite natin si Noel. Tapos kunyari mag da-date sina Rufino at Michelle. Then kakantahan ni Noel, habang kumakanta si Noel, tsaka mag propose si Rufino.! Diba nakakakilig?" masayang wika ni Jonalyn. "Kaya lang, baka hindi pwede si Noel.." biglang bawi nitong lumongkot ang mukha.


"Alam ko na! Sige ganyan nalang ang plano. Ako na ang bahala kay NoEL. tatawagan kita mamaya about sa venue." excited na ring wika ni Cher. 


"Talaga? Sige, thank you ha?"


"Okay lang yun. Basta tawagan kita mamaya, o di kaya sasabihin ko nalang sayo bukas pag nagkita na tayo dito."


"Sige, sige. I'm sure, ma sho-shock si Michelle nito." kinikilig na wika ni Jonalyn. "Ay oo nga pala, sige na Cher. Sinisipon ka pala. Syensya na sa istorbo ha?" 


"Wala yun. Masaya nga ako para kay Michelle." natatawang sagot niya dito. Maya maya pa ay nagpaalam na rin siya, sa dalaga at muling bumalik sa elevator.


Pagkalabas ng exit ay tinawag siya ng security guard na agad naman niyang nilapitan.


"Bakit po kuya?" nakakunot ang mukhang lumapit siya dito.


"May naghihintay po sayo ma'am. Pinsan niyo po, si Noel." magalang na sagot ng guard na agad namang nginitian ng dalaga.


"Si Noel? Bakit hindi siya umakyat sa taas?"


"Po?" nagtatakang wika ng guard.


"I mean, si Noel po kuya? Bakit hindi nalang siya umakyat sa taas?"


"Ang sabi lang po niya, ay sa parking lot nalang daw maghihinatay. At baka daw dumogin nanaman siya ng mga empleyado sa taas." natatawa na ring sagot ng guard. "Teka, at tatawagan ko siya. May binigay siyang number sa akin na pag bumaba ka 'eh tawagan ko na lamang siya."


"Ah.. Kilala niyo rin pala siya kuya?"


"Oo naman, ilang beses na ring nakapunta dito si Idol Noel ng nandito si ma'am Rebecca. Yun nga lang, lagi siyang dinudumog ng mga empleyado dito. Kaya siguro natakot ng umakyat sa taas." natatawa pa ring sagot ng guard. 


"Tsaka, ang bait na bata 'yang si Noel, masyadong simple, at hindi arogante. Kung hindi mo siya titigang mabuti ay hindi mapag kaka-malang, isa siyang celebrity." dagdag pa nito na ikinatuwa ng dalaga.

"Thank you po kuya. Fans ka rin pala ni kuya. Sige po kuya pakitawag nalang na nandito na ako. Lowbat pala yung cell phone kaya siguro di niya na ako nakontak." ani niyang agad namang sinunod ng security guard.


"Ma'am okay na po."


"Thank you kuya ha? Hayaan mo bibigyan kita ng limang ticket para sa concert ni kuya sa katapusan ng buwan."


"Talaga po ma'am! Naku, thank you po. Siguradong matutuwa ang misis ko nito at anak." masayang sagot ng guard at nagpaalam na rin siya dito.



Kanina pa ang binata sa loob ng kanyang kotse na nakatanaw sa exit glass door ng building. At bigla siyang napaayos ng upo ng matanaw na ang dalagang lumabas sa exit door na lumapit muna sa guard. He decided to say sorry to her, for what he said kanina. Kaya hinintay niya ang paglabas ng dalaga sa kumpanya. 


Nang makitang palapit na ito sa gilid ng kalsada, ay binuksan niya ang pintuan ng sariling kotse at tinawag ang dalaga.


No comments:

Post a Comment