Seducing Mr. Look-a-like -Chapter 2


Seducing Mr. Look-a-Like
By: CatchMe


Chapter 2



Malalim ang isip na nagmamaneho ng kanyang kotse si Cher. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang mukha ng lalaking kakambal ni Enrique Iglesias para sa kanya. Napabunga siya ng hangin dahil sa nararamdamang panghihinayang na hindi manlang niya nakilala kahit pangalan nito.


"Papa na sana, pero nawala pa!" inis na wika niya sa sarili at mas lalo pang binilisan ang pagpatakbo ng kotse nito nang makita ang oras sa kanyang relo. "Shaks, late na ako." sambit niya sa sariling napabuga ng hangin.


Ilang minuto pa ang dumaan ay bigla niyang iniliko ang kotse papasok sa malaking gate ng building ng Montero-De Silva Financial Holdings Inc., dahilan ng pagkahulog nang kanyang cell phone na ipinatong niya kanina sa dash board. Napayuko siya saglit para pulutin ang kanyang cell phone at nang itaas niya ang kaniyang paningin ay bigla siyang napamulagat at mabilis na inapakan ang brake ng kanyang kotse. Ngunit huli na at sabay ng malakas na sigaw ng dalaga ay ang ingay ng pagkabangga ng kanyang kotse sa isa pang kotse na nasa parking lot ng kumpanya.


"Oh my.. Oh my god! Buhay pa ba ako?" kinakabahang sambit ng dalaga sa sariling napalingon sa taong kumakatok sa bintana ng kanyang kotse.


"Maam. Okay lang po ba kayo?" nag alalang tanong nang security guard kay Cher na abot hanggang langit ang kabang nararamdaman. Nag silapitan rin ang ibang tao na nakakita sa pagkabangga niya sa kotse na nasa parking lot.

"O-opo. Naku, pasinsya na po at hindi ko sinasadyang mabangga ang--" natigilan ang dalaga at hindi naituloy ang sasabihin nang makilala ang kotseng kanyang nabangga. "Teka, bakit nandito ang kotse ni papa Enrique?" ani niya sa sariling binuksan ang pintuan ng kanyang kotse at bumabang tiningnan ang kotse ng binata na kanya ring nabangga kanina. "Patay! Mas lalong lumaki ang damage ng kotse ni Papa Enrique!" napangiwing sambit niya sa sarili at nilingon ang security guard ng kumpanya. "Manong, kaninong kotse ito?" baling niya dito at bahagyang tumahimik muna ng makitang may kinausap ang guard na kasamahan nitong gwardiya din na agad tumalikod sa kanila matapos nitong kausapin. Nag si-alisan na rin ang ibang tao na lumapit sa kanila ng makitang hindi naman siya napaano.


"Kay Sir De Vera po maam. At pinaalam ko na po na aksidenteng nabangga niyo ang kanyang kotse." agad na sagot ng gwardya sa dalaga. Mas lalo pang napangiwi ang dalaga sa narinig mula sa dito.



Kakaupo lang ng binata sa chivel chair ng opisina ng kaibigang si Enrique ng pasukin siya ng nag alalang staff ng kumpanya.


"Sir, mawalang galang na po." ani nitong nagbigay galang muna sa binata. "Tumawag po kasi yung guard sa baba sir. Yung kotse niyo po ay di sinsadyang nabangga ng isa pang kotse." dagdag pa nang staff.


"What?!" gulat ba sambit ng binata at tumayo mula sa pagkakaupo sa shivel chair. "Naka park naman ng maayos ang kotse ko ah?" ani pa niya dito at lumakad palabas ng opisina. Nagkatinginan naman ang mga empleyadong napasunod ang tingin sa binata.


"Ang gwapo talaga niya ano? Kamukha ni Noel." wika ni Michelle na halatang kilig na kilig sa kanilang bagong president na isang buwang papasok sa kanilang opisina bilang pansamantalang substitute ng kanilang boss na si Enrique.


"Oo nga ano? Kamukhang kamukha talaga siya ni Noel. At may kahawig pa siya, si Enrique Iglesias. Magkamukha silang tatlo." sagot naman ni Jonalyn na siyang pumasok sa private office ng kanilang presidente para ipaalam ditong nabangga ang kotse nito nang maya maya lang ay mag ring ang cell phone ni Michelle na agad naman niyang sinagot ito.


Kaka-off lang ng dalaga ang hawak na cellphone matapos kausapin si Michelle na nagkaproblema siya kung kaya't malalate na siyang pumasok sa opisina. Magkakilala na rin sila ng dalaga dahil kasama nila itong abay sa kasal ng kanyang pinsan na si Rebecca sa Iloilo.
"What a day!" ani niya sa sariling tiningnan muli ang damage ng kotse nito at pati na rin ng kanyang sasakyan. "Wala na akong sahod nito, dahil mapupunta na sa pagpagawa ng kotse ang magiging sahod ko!" saad pa niyang napakamot sa batok. She take a deep breathe first, at inayos ang sarili ng mamataang paparating na ang binata papunta sa kanyang kinatatayuan na nasa gilid ng kotse nito.


"What the hell is she's doing here?" magkasalubong ang dalawang kilay na wika ng binata sa sarili ng makilala ang babaeng nakatayo sa gilid ng kanyang kotse. "At binangga pa ulit ang kotse ko?" dagdag pa niyang patuloy sa paglalakad palapit dito.


"Good morning po sir, aksidente pong nabangga ni Ms. Arnaiz ang kotse ninyo at willing naman po siyang bayaran ang pagpapaayos ng inyong sasakyan." salubong na wika ng guard kay Trance na seryoso ang mukhang nilapitan ang dalaga.


"Naku Mr.--- ano, ahm..."

"De Vera po ma'am." singit naman ng guard sa dalaga.


"Yes, Mr. De Vera, sorry po kasi--"


"Sinusundan mo ba ako? At hindi kana nakuntentong banggain ng isang beses ang kotse ko?" inis na wika ni Trance sa dalaga.


"Hindi naman sa ganun. Hindi ko lang talaga napansin ang kotse mo kasi nakayuko ako dahil pinulot ko yung nahulog na cell pho--"


"Ang sabihin mo ay napaka-kaskasadora mong driver at hindi ka nagbibigay ng atensyon sa iyong tinatahak!" agaw ni Trance sa sasabihin pa ng dalaga.


"Hindi ko nga sinasadya! Tsaka babayaran ko rin naman ang pagpagawa sa syota mo! Ay este sa kotse mo!" inis ring sagot ng dalaga. "Ang suplado naman nito. Kung hindi kalang kamukha ni papa Enrique, nunca akong magsayang ng oras sayo!" ani pa niya sa sariling nakasimangot.


"Mabuti naman, at nang sa susunod matuto kang magmaneho sa tamang daan!" asik na sagot ni Trance sa dalaga at binalingan ang gwardiya.


"Aba! Marunong naman akong magmaneho ah? Atsaka, aksidente lang talaga ang pagkabangga ko sa kotse mo." pagtatangol ni Cher sa sarili. Ngunit hindi naman siya pinansin ng binata na patuloy sa pakikipag usap sa gwardiya. Natahimik na lamang ang dalagang pinagsawa ang mata sa kakatitig sa ka look a alike ni Enrique Iglesias. "Hay, Lord. Di bali nang maubos ang aking sahod sa pagpapagawa ng kotse ni papa Enrique. Basta't mapapasaakin lang siya ay okay na." sambit niya sa sariling napangiti sa naisip. "Masarap kaya itong halikan? Shaks! Ang dumi nanaman ng utak ko!" muli sambit niya sa sarili nang biglang naglakad patalikod sa kanila ang binata ng walang paalam.


"Teka lang, sandali! Pwede bang mag usap muna tayo?" wika ng dalagang hinabol ang binata na bigla namang huminto at hinarap siya.


"At ano pa ang dapat nating pag usapan?" baling ng binatang pinameywangan ang dalaga.


"Baka pwede tayong mag usap ng maayos, while having a cup coffee." ani ng dalaga.


"Sorry Miss, but Im not interested. You can have yourself a cup of coffee if you want. But with me? No way!" asik nito at muling tinalikuran ang dalagang nabigla.


"Hey! Kung ayaw mong mag coffee, eh di, mag usap nalang tayo." pilit pa ng dalagang hinabol muli ang binata na papasok na sa building ng kumpanya.


"Dont you heared what I say?" muling wika ni Trance na nairita na sa kakulitan ng dalaga. "I said, Im not interested! Im not interested to you, and please, dont talk to me! mariing sambit pa ng binatang iniwan ang dalaga at tinungo ang elevator at agad na pumasok ng bumukas ito. Pasara na sana ang elevator ng mabilis namang naiharang ng dalaga ang katawan at pumasok sa loob.


"Hindi mo ba ako tatantanan? At pati dito ay sinusundan mo pa rin ako?" inis na sambit ni Trance sa dalaga ng sundan pa siya nito hanggang sa elevator.


"Bakit? Ikaw ba ang sinusundan ko? Dito kaya ako magtatrabaho. Eh ikaw? Dito ka rin ba nagtatrabaho?" sagot ng dalagang ngumiti pa sa binata.


"Wow! Ang malas ko naman ngayong araw!" wika ng binata na napabuntong hininga.


"Anong malas diyan? Swerte mo nga, at dapat ka pang magpasalamat dahil nakilala mo ako." mabilis na sagot ng dalaga na itinuro pa ang sarili.


"What?! Are you crazy? Swerte pa ba ang tawag mo sa dalawang beses mong binangga ang kotse ko?!" biglang bulalas ni Trance sa dalaga na hindi makapaniwala sa sinabi nito sa kanya.


"Hindi! Malas na kung malas kung nabanggaan ko man ang kotse mo, pero swerte ka dahil nakilala mo ako!" sagot naman ng dalaga.


"At paano ako naging maswerte sa pagkakilala sayo aber?"


"Kasi, maganda ako?" tanong na sagot ni Cher na ngumiti sa binata.


"Ang lakas din ng self confidence mo ano?" nang iinsultong tanong ng binatang bahagya pang tinawanan nang mahina ang sinabi ng dalaga.


"Self confidence lang ba? Marami akong baon niyan." nakangiting birong sagot ng dalaga na mas lalo pang nagpainis sa binata. "Hindi, biro lang. Masyado ka namang seryoso." natatawang saad pa ng dalaga. "Matagal kana ba dito? At anong traba--"


"Will you please dont talk me? And stop talking to me!" biglang agaw na wika ng binata na siyang nagpatahimik kay Cher sa kakasalita.


"Hmp! Suplado naman nito. Masyadong pakipot, mamaya ra-rapin pa kita dyan eh." mahinang bulong nang dalaga sa sarili ng mapatingin ang binata sa kanya.


"I said, dont talk to me." inis na sambit ng binatang tiningnan nang masama ang dalaga.


"Sarili ko ang kinakausap ko, hindi ikaw." sagot naman niya ng biglang bumukas ang elevator at lumabas ang binata na basta basta nalang siyang tinalikuran at iniwan. " Nice meeting you papa! Ingat!" pahabol na sigaw ng dalaga na natatawa sa binata bago magsara ang elevator. "Yay! Gwapo talaga ni papa ko Enrique." kinikilig na sambit ng dalaga na malawak ang ngiti sa labi ng mapansin ang button ng elevator. "Uy! Teka sandali, dito rin pala ako magtatrabaho." ani niyang pinindot muli ang button ng elevator. Nagpalinga linga muna ang dalaga sa pasilyo ngunit hindi na niya natanaw ang likod ng binata kung saan na ito patungo. Napailing na lamang siyang dumiretso sa opisina nang pinsang si Rebecca.


"Uy, Cher! Buti at dumating kana." agad na salubong ni Michelle sa dalaga at niyakap ito.


"Oo nga eh, sorry ha? Nagka aberya kasi sa baba." hinging paumanhin niya sa dalagang matalik na kaibigan ng pinsan.


"Okay lang yun, ang importante walang may nangyaring masama sayo." nakangiting sagot ni Michelle. "Guys, attention please, she's Cher. Pinsan ni Rebecca at katulad ni Sir Trance, ay one month din siyang magtatrabaho dito as a substitute of Rebecca." masayang pakilala ni Michelle sa dalaga. Kinamayan naman niya ang bagong mga katatrabaho na mainit siyang tinanggap bilang pansamantalang substitute ng kanyang pinsan.


"Thank you, and nice to meet you all guys." masayang pasasalamat ng dalaga ng magtaka nang hindi nakita si Karen. "Where's Karen?" tanong niya kay Michelle na iginaya siya sa cubicle ng pinsang si Rebecca.


"Nasa Cebu, kasama si sir Dave. Wala kasing available na analysis kaya siya na ang pinili ni sir Dave para isama sa Cebu." sagot ni Michelle na nakangiti. Napatungo na lamang ang dalaga at naupo sa kanyang table.


"Teka Cher, halika at ipakilala muna kita kay sir Trance." muling baling ni Michelle sa dalaga na agad namang tumayo at sumunod dito.


"Substitute din ni kuya Enrique?" bulong ni Cher na inayos ang sarili nang makaharap na sila sa pintuan ng private room ng kanilang presidente.


"Yep! At mainit yata ang ulo. Kaya huwag mo nalang pansinin pag pinuna niyang late kana." sagot ng dalaga na binuksan na ang pintuan ng opisina at tumambad sa kanila ang nakatalikod na binata paharap sa glass window. "Excuse po sir, andito na po si Ms. Arnaiz. Your secretary while you are here." wika ni Michelle sa binata. Pareho namang nabigla ang dalawa ng magtama ang kanilang mga mata at sabay na nagsalita.


-Ikaw?
-Ikaw?

Sabay na wika nina Trance at Cher na Kapwa rin natigilan.
"Teka, sigurado ka bang siya ang magiging secretary ko?" baling ni Trance kay Michelle na nagtataka ang mukha.


"Yes sir. Siya po yung pinsan ni ma'am Rebecca na isang buwang magtatarabaho dito bilang pansamantalang kapalit ni ma'am Rebecca habang wala sila dito." sagot ni Michelle na pinaglipat lipat ang tingin sa dalawa.


"See, itinadhana yata tayo." mahinang sambit ni Cher na nakatingin sa binata. "Kung
Siniswerte ka nga naman! Dito ko lang pala makikita si papa ko." sambit niya sa sariling hindi mapuknat ang ngiti sa labi.


"At bakit ganyan ka kung makatingin?" puna ni Trance sa dalagang kanina pa nakangiting nakaharap sa kanya.


"Bakit? Masama bang tumingin?" balik tanong ng dalagang nakangiti pa rin.


"Magkakilala na kayo sir?" nagugulohang tanong ni Cher na pinalipat lipat pa rin ang tingin sa dalawang tila may di pagkakaintindihan.


"Forget it, and you two can leave now." ani na lamang ng binata na tinapunan ng matalim na tingin ang dalaga.


"Sige po sir, labas na kami." paalam ni Michelle na nauna nang tumalikod.


"Nice to meet you sir. And see you around." wika ni Cher na kinindatan muna ang binata at nginitian ng ubos tamis bago tinalikuran at sumunod kay Michelle palabas ng private room ng opisina.


"Shit! Masasakal ko ang babaeng yun sa susunod na humarap siya sa akin!" inis na sambit ni Trance sa sariling naupo na lamang sa chivel chair ng kaibigan at kinuha ang folder sa kanyang attach
Case na binigay ni Enrique noong isang araw sa kanya at sinimulang basahin.



"Sissy, magkakilala ba kayo ni sir Trance?" baling ni Michelle kay Cher na may ngiti pa rin sa labi.


"Yep. Actually nag meet na kami kanina." masayang sagot ng dalaga.


"Talaga?" sorpresang sambit ni Michelle ng mag iba ang expression ng mukha. "Pero, bakit tila badtrip sayo?" saad pa niya sa dalagang napatawa.


"Paano kasi, di ko sinasadyang mabangga yung kotse niya."


"What?! You mean, ikaw ang bumangga sa kotse ni sir sa baba?" hindi makapaniwalang tanonh ni Michelle sa dalaga.


"Yeah." nakayukong sagot ni Cher. "At hindi lang once na nabangga ko ang kotse niya. Kundi twice pa!" dagdag pa niya dito na mas lalaong nagulat at lumaki pa ang mata.


"oh my God! No wonder na badtrip nga sayo si sir." bulalas muli ni Cher.


"Kaya nga eh, kaya gagawa nalang ako ng paraan para di siya mabadtrip sakin." nakangiting sagot ni Cher na hindi naman ininda ang galit ng binata sa kanya.


"Anong paraan naman yun sissy?" napangiti na ring tanong ni Michelle dito.


"Ipagtimpla ko siya ng kape! Peace offering at baka biglang mawala ang inis niya sa akin." mungkahi niyang kinindatan pa si Michelle.


"Hindi kaya yun mainis pa sayo sissy?" nag alalang tanong ni michelle.


"Ah! Hayaan mo siyang mainis. Hindi naman mamatay yun." natatawang sagot ng dalaga. "Saan nga pala yung kitchen niyo dito?" tanong pa niya kay Michelle.


"Dito, halika sasamahan na kita." turo nito sa kanya na agad naman siyang sumunod dito at gumawa ng kape.


"Uy, nakita pala kita sa tv noong isang araw. Kasama mo si Noel at pinsan niyong si CatchMe. Yung sa airport kayo galing Iloilo." maya-maya ay wika ni Michelle sa dalaga.


"Oo nga eh. Di na bago sa akin yan. Alam mo namang ako palagi ang kasama ni
kuya Noel. Ganyan ako ka-addict pag may concert at show si kuya. Feeling ko kasi si Enrique Iglesias na rin ang kasama ko." masayang sagot ni Cher sa bagong kaibigan.


"Nahalata mo rin bang kamukha rin ni Sir Trance si Noel at si Enrique Iglesias?"


"Oh my god! Halata mo rin??" agaw tanong ni Cher kay Michelle.


"Yeah, kaming lahat dito." natatawang sagot ni Michelle sa dalaga.


"Can I tell you a secret?" bulong ni Cher at ngumiti sa kaibigan.


"Ofcourse! Say it. You can trust me." agad na sagot ng dalaga sa kanya na tila naeexcite pa sa kanyang sasabihin.


"I like him!" kinikilig na wika ni Cher.


"Si sir Trance?"


"Yeah, I like him Michelle. And I think, na love at first sight na yata ako!" saad niyang tila nangangarap.


"Naku sissy, susuportahan kita diyan." Natatawang wika ni Michelle.


"Talaga!? Thank you ha?" masayang sambit ni Cher na niyakap ang bagong kaibigan. "Uy, sa katapusan ng buwan, ili-libre kita ng ticket sa concert ni kuya Noel sa araneta." wika pa niya dito.


"Wow! Libre nanaman akong makapanood ng concert ni papa Noel!" kinikilig na wika ni Michelle na excited na para sa concert ng hinahangaan ding singer. "Teka sissy, ibigay mo na yang kape ni Sir, at Lagyan mo na rin nang laway para mainlove agad sayo." biro ni Michelle na siyang nagpalakhak sa kanilang dalawa sa maliit na kusina ng kanilang opisina


"Adik ka talaga Michelle." natatawang sambit ni Cher na kinuha na ang tinimplang coffee at tatawa-tawang sabay na lumabas ang dalawa sa kusina.

No comments:

Post a Comment