Seducing Mr. Look-a-like Chapter 12


Seducing Mr. Look-a-Like
By: CatchMe

Chapter 12



NGUNIT hindi pa man nakalapit ang binata, ay bigla itong napahinto. Instead, galit na lumabas na lamang siya at sumakay sa kanyang kotse. Pinaharurot niya ito palayo sa naturang mamahaling Bar & Restaurant.



PAGKA-BABA ng taxi, ay malalaki ang hakbang ng dalagang papasok ng building. Mag aalas otso na at mali-late nanaman siya.


"Walang hiyang alarm clock kasi yun 'eh! Hindi man lang ako ginising!" inis na sisi niya sa orasan ng dere-deretsong tinungo ang elevator.


"So, your late again."


Napatingin siya sa kanyang katabi ng marinig ang swabeng boses. Ang pinapangarap niyang boss ay nakatayo sa kanyang tabi at seryoso ang mukha.


"A-ay sir, good morning po."


"Ganyan ka nalang ba palagi Ms. Arnaiz? Paano ka aasenso kung palagi kang late?"


"Sir, di pa naman--"


"Bakit ka nga pala na late? Napuyat ka ba kagabi sa pinang-gagawa niyo?" sarkastikong tiningnan ng binata ang mukha ng sekretaryang nagtataka.


"Pardon sir?"


"Bingi ka ba? Sa susunod, siguradohin mong hindi kana male-late. Your a secretary, at dapat mas nauna ka pang dumating sa opisina kesa sa boss mo! But look, mas nauna pa ako palagi sa i-- hey! What are you doing!?" galit na hinarap niya ang dalaga ng hablutin nito ang kanyang hawak na attach case ng bumukas ang elevator.


"Sisiguradohin ko sayong ako ang mauuna sa opisina ngayong araw sir!" sabay hagis ng malakas ang hawak na attach case ng binata at nagmamadaling pinindot ang close botton ng elevator.


"What the-- hoy!"


Tinatambol ang pusong, napapikit ng mariin ang dalaga ng magsara ang elevator. "Patay! Cher, ano nanamang katarantadohan ang ginawa mo? Tiyak na mamalasin ka nanaman ngayong araw. Huhuhu, anong gagawin ko?" ani niya sa sariling hindi mapakali sa loob ng elevator.


"Sissy! Thank you talaga kagab--"


"Sister! Itago mo ako. Itago mo ako bilis!"


"Teka, ano bang nangyari sayo? Sinong humahabol sayo? My god! Sister, hinahabol ka ng bombay na inutangan mo?" mulagat ang matang wika ni Michelle dahil sa hindi mapakali ang kaibigan.


"Oo, sister! Kaya itago mo ako. Saan ba ako magtatago? Dito! Dito sister! Dito na ako magtatago." turo niya sa mesa ng kaibigan. "Huwag mo akong ituro pag may naghanap sa akin ha? Alalahanin mo, ako ang nag asikaso sa proposal ng boyfriend mo kagabi." ani pa niyang mabilis ng pumasok sa cubicle ng kaibigan at nagtago sa ilalim ng mesa.


"Sissy, ano kaba? Para ka ngang may saltik. Lumabas ka nga 'dyan."


"Huwag kang maingay." mahinang anas niyang inilagay pa ang daliri sa kanyang baba.


"Paano kasi sissy, sa dinami dami ng pagtataguan sa ilalim kapa ng mesa--"


"Ms. Arnaiz!"


"Ay kalabaw!" napakislot na biglang wika ni Michelle ng may kalakasang tawag ng kanilang amo sa pangalan ng kaibigan. "Ay, good morning po sir."


"Nasaan ang sekretaryang may saltik!?" salubong ang kilay na baling ng binata sa isang empleyada ng hindi makita ang dalaga sa cubicle nito.


"Po? S-si Ms. Arnaiz po ba sir?"


"Yes!"


"Po? Ahm.. S-sa.. Ahm.. Di ko po alam sir." kagat-labing sagot ng dalagang napayuko.


"What!? Pinagtatakpan mo ba ang magaling na sekretaryang 'yun? Tell me, where is she?" naiinis ng hinarap ng binata ang hindi mapakaling empleyada. Nang mahagip ng paningin nito ang pares ng mga paang nakalabas sa ilalim ng mesa sa loob ng isa sa mga cubicle ng opisina.


"Eh sir, pasinsya na po. Hindi ko po talaga alam kung nasaan si Ms. Arnaiz."



KAGAT ang labing nakikinig lamang ang dalagang ipinagkasya ang katawan sa ilalim ng mesa. "Diyos ko po. Anong gagawin ko? Kung bakit ko pa kasi hinagis ang walang hiyang attach case na 'yun eh." sisi niya sa sarili ng hindi na muling narinig ang boses ng kanilang boss. Maya-maya pa ay dahan dahan siyang gumalaw at inilabas ang kanyang ulo para silipin kung wala na ang binata ng biglang...


"So, you think you can hide yourself from me huh?"


Nauntog ang ulong nagulat ang dalaga at biglang nag iinit ang mukha ng bumulaga sa kanya ang gwapong mukha ng kanyang pinagtataguan.


"Uy, sir! Kayo pala! Ano kasi sir, may hinanap lang ako dito sa ilalim. Saan na ba yun?" kaila niyang inilabas ang buong katawan sa ilalim ng mesa. "Michelle, wala pala dito. Baka makita mo, pakibigay nalang sa akin ha?" baling naman niya sa kaibigang hindi niya mawari kung kinakabahan o gusto lang mag bulonghawit sa tawa.


"Sige! Ako na ang maghahanap." agad na sagot naman ng kaibigan.


"Sir, good morning po." nakangiwing pilit na ngumiti ng dalaga sa binatang tinitigan siya ng masama.


"Pumasok ka sa opisina. And you owned me an explaination!"


Napakamot na lamang sa ulong sinundan ng tingin ng dalawa ang kanilang among pumasok na sa private room.


"Ano bang ginawa mo?" agad na tanong ng kaibigan.


"Tsaka ko na sasabihin sister. Mag isip muna ako ng palusot.com." ani niyang napakamot sa ulo at tinungo ang sariling cubicle.



Nakayuko ang ulong pumasok ang dalaga sa opisina ng presidente. Habang wala pa ring maisip na dahilan sa binata. Nanatili siyang nakatayo ng makalapit sa mesa nito at ipinikit ang mga mata sa ano mang sasabihin ng kanyang amo.


"Now, what?"


"Sir? Sorry po kanina. Kasi, ikaw 'eh! Masyado ka namang suplado. Lahat nalang pinupuna mo. Kesyo ganito. Kesyo ganun. Aba, nakakarindi din kaya 'yun. Tsaka, hindi ko naman talaga intensyon na ihagis ang attach case mo." nahihiyang nakayuko pa rin ang ulo. "Na curious lang ako kung hanggang saan ang layo, ng attach case niyo pag hinagis ko. Kaya, yun. Sinubukan ko. At malayo nga pala ang binagsakan niya. Malakas pala akong manghagis sir?" nakangiti ng itinaas niya ang paningin sa mukha ng binata. Ngunit bigla namang napalis ang kanyang matamis na ngiti.


"Marami pa ba kayong may saltik Cher?"


"Po? Naku sir, wala po! Ako lang talaga ang may salti-- teka, wala akong saltik sir ha! Sobra ka naman. Sa ganda kong ito? Pagkakamalan niyo akong may saltik?"


Hindi malaman ng binata kong ano ang mararamdaman sa kaharap na dalaga. Magagalit ba siya dito? O matatawa sa inakto nito? "Gezz, mababaliw na talaga ako pag ito ang kaharap ako."


"So, kung wala kang saltik, ano ang tawag mo sa sarili mo?" ani na lamang niyang lihim na napangiti.


"Ha? Ahm.. Basta! Wala akong saltik. Tsaka, bakit kaba nagagalit sa akin sir? Nagagalit ba kayo dahil sa..." nahihiyang napayuko muli ang dalaga. "..sinabi ko? Sorry po talaga, sir. Nabigla lang po ako."


"Nabigla saan?"


"Sa sinabi ko." yuko pa rin ang ulong hindi na napigilang mailang. Nag-iinit nanaman ang kanyang mukha dahil sa kahihiyang natamo noong isang araw sa conference room.


"Ano bang sinabi mo?" naamuse ng tanong ng binatang naaliw sa nakikitang pamumula ng dalaga at tila hindi na mapakali sa kinatatayuan.


"Basta, 'yun na y'un. Huwag mo ng itanong sir. Kinalimutan ko na nga 'yun 'eh. Isipin mo nalang na.. Nagbibiro lang ako. Tsaka, promise hinding hindi na kita gugulohin." maagap na sagot ng dalaga ng biglang matigilan. "Huh? Kaya ko ba? Waahhh huwag naman sana Lord. Gugulohin pa rin kita papa Trance. Bibigyan lang kita ng kunting oras para mag lie low 'yang galit mo sa akin. Pinapangako ko pa ring, gagapang ka sa aking kagandahan!"


"Are you sure?"


"Opo sir! Kaya huwag na kayong magalit sa akin. Pinapangako ko sa mahal na santol, na hindi muna kita gugulohin ngayon."


"What!?"


"Po?"


"Pinapangako saan?"


"Sa mahal na santol po sir." mahinang sagot ng dalaga sa napakunot nu-ong binata.


"At kailan pa naging santol ang--"


"Ngayon lang sir!" agaw ng dalaga. "Kaya santol, kasi hindi pa ako sigurado sa sinabi ko." napatawang ani niya. "Pero susubukan kong hindi kayo gulohin sir. Promise! Cross my heart, mamatay man ang lahat ng mga babaeng umaaligid sa inyo."


"You're really something." napailing na lamang na wika ng binata. Pero teka lang. Bakit parang nakaramdam siya ng pagtutol sa sinabi ng dalagang hindi na siya gugulohin nito?

No comments:

Post a Comment