Seducing Mr. Look-a-like Chapter 7


Seducing Mr. Look-a-Like
By: CatchMe

Chapter 7


NAIWANG napailing ang binata sa ginawa ng dalaga. "She's crazy little witch!" na hindi napigilang mapangiti ng maalala ang sinabi nitong hindi nakaligtas sa kanyang pandinig.


Pagkasara ng pinto ng private room ay may kinuhang folder ang dalaga sa kanyang cubicle at lumapit kay Michelle na abala sa binabasa nitong papeles rin.


"Sister, nasaan ang conference room?"


"Sa kabila pa sissy. Pangalawang pinto mula sa labas ng opisina." baling ni Michelle na agad ibinalik ang paningin sa binabasa.


Lumabas na rin siya ng opisina at tinungo ang conference room. Inilapag niya ang dalang folders sa mesa. Naglagay na rin siya ng mineral water sa mesang may kaharap na silya. Pagkatapos niyang ayusin ang lahat ay muli siyang lumabas ng conference room para bumalik sa opisina.


Ngunit nakasalubong niya ang mga board of directors na kasali sa meeting. Na agad naman niyang pinapasok sa conference room at nag paalam munang lumabas para ipaalam sa presidenteng kompleto na ang lahat.


Dumaan muna siya ng banyo at naghilamos ng makaramdam nanaman siya ng muling pagka-antok at mahirap ng masita nanaman siya ng substitute president ng asawa ng pinsan niyang si Rebecca.


Sinipat niya ang sariling mukha sa salamin habang pinupunasan ng kanyang panyo ang basang mukha. Bigla siyang natigilan ng mapansin ang pamumula ng kanyang ilong, sanhi ng kanyang sipon. "Ang pangit! Bawas charm nanaman tong ilong ko uh!" reklamo niyang napangiwi.


Napabuntong-hininga siya ng maala ang among ubod ng suplado. Ngunit maya maya'y napangiting tinitigan ang sarili sa salamin.


"Magiging akin ka pa rin papa! Tandaan mo yan!" ani niya bago lumabas ng banyo.



Palabas na ng private room ang binata ng makasalubong ang kinaiinisang sekretarya. Agad itong ngumiti sa kanya na tila namumungay pa ang mga mata bunga ng pag-init ng kanyang dugo.


"Ano bang problema ng babaeng ito? Para talagang may saltik ang ulo!" wika niyang tiningnan ng seryoso ang dalaga.


"Handa na ba ang conference room?"


"Kanina pa sir. Andun na rin ang mga board of directors. Halos kompleto na rin ang lahat. Ikaw na nga lang ang kulang." sagot nitong nakangiti.


Agad naman niyang tinalikuran ito, at lumabas ng opisina ng mapahinto at humarap sa dalaga.


"Bakit ka nandito? Diba sinabi kong dapat nasa conference room ka para mag take down notes for the important things of our discussion?"


"Alam ko! Kaya nga't susunod na ako sa likod mo." nakangiti pa rin ang labi ng dalagang lumapit sa binata.


"Tara na sir! Mahirap ng paghintayin natin ang board of directors." ani niyang binundol pa ng kanyang siko ang binatang napapiksi sa kanyang ginawa.


"At nasaan ang ballpen at notes mo? Don't tell me na susugod ka sa gyera na walang dalang baril?"


"Ay! Oo nga pala." napakamot sa ulong bumalik ang dalaga sa cubicle at kumuha ng kanyang kailangan.


Pabalik na siya sa kinatatayuan ng binata, ngunit wala na ito. Kaya sumunod na lamang siya sa conference room. Nagsasalita na ang kanyang amo, ng pumasok siya at bahagya siyang ngumiti sa ibang naroon at yumuko bilang pag galang sa mga ito.


Naupo ang dalaga sa isang bakanteng silya, na nasa hulihan at kinuha ang kanyang ballpen, sabay buklat ng hawak na notepad.


All ears na nakikinig ang dalaga sa sinasabi nito, habang nagsusulat ng sa tingin niya ay importante. Samantalang nagsu-suggest naman ang iba sa binata.


Mula sa pakikinig ay wala sa sariling lumipad ang kanyang isipan ng hindi maalis ang kanyang pagkatitig sa binata. Napangiti siyang sa isiping si Enrique Iglesias ang nasa kanyang harapan at nagsasalita.


Hindi mapuknit-puknit ang mga ngiti sa labi habang sinusundan ng tingin ang palakad lakad na binata na may itinuturo mula sa projector.


"Yay! Papa ko, ang ganda ng mga mata mo. Perfect!" ani niyang tinitigan ng maigi ang mukha ng binata kahit na maya maya ay napapatalikod ito at muling humarap sa lahat.


"At ang labi mo papa, ang ganda ng hugis! Namumula at nakakatakam talaga. Kailan ko pa ba yan matitikman?" muli niyang kausap sa sarili na napanganga pa habang pinagmamasdan ang bawat galaw ng labi ng binata.


"Haayy.. Papa ko, ligawan mo na kasi ako eh! O di kaya ako nalang ang manligaw sayo.
Huwag ka kasing masyadong pakipot sa akin. Pinapahirapan mo talaga akong sungkitin iyang puso mo! Tsaka, mabait naman ako papa. Aalagaan kita at bubusogin ng aking pagmamahal."


"Excuse me Miss, may sinasabi ka ba?"


Naagaw ang pansin ng dalaga ng mag salita ang isang matandang nakaupo sa unahan na napalingon sa kanya. Natigil naman sa pagsasalita ang binata na nakuha ang kanilang atensyon ng magsalita ang isa sa mga board of directors.


"Yes, Ms. Arnaiz?" ulit nitong tanong sa dalaga na tiningnan ng masama.


"Huh? W-wala po sir." nagtatakang sagot ng dalaga sa mga ito ng makaramdam ng pag iinit ng mukha.


"Nagsasalita ba ako? Parang hindi naman diba?" tanong niya sa sariling ngumiti sa lahat na nakatingin sa kanya at iniyuko ang ulo. "Cher, umayos ka ha! Huwag ka munang mangarap ngayon. Pay attention Cher! Pay, attention." saad pa niya sa sariling umayos sa pagkakaupo.


Muling nagsalita ang binatang nakatayo sa harapan at itinuloy ang naudlot na sinasabi nito. Bumalik naman ang atensyon ng lahat sa binata. Habang ang dalaga ay nagkukuwaring may isinusulat.


Maya maya pa ay nasa binata na ang konsentrasyon ng lahat, pati na rin ng dalaga. Hanggang sa muling lumipad nanaman ang kanyang utak.


"Nagalit yata si Papa ko Trance. Ikaw kasi Cher eh! Kung saan-saan lumilipad yang utak mo! Paano nalang pag nagalit siya sayo? Ha? Paano mo maisa-sa katuparan ang plano mong luluhod siya sayo? Kung sa simula palang ay badtrip na siya? Hay, ewan ko sayo Cher! Hanggang pangarap ka nalang!"


Napabuntong hiningang lumaylay ang balikat ng dalaga sa iniisip. Lalo pa ng biglang sumagi ulit sa kanyang utak ang sinabi ng boss niyang hinding hindi daw umano ito magkakagusto sa kanya. Napapiksi siyang napasimangot.


"Ah basta! Sisiguradohin kong magiging akin ka! Mamatay man si superman at batman! Basta's mapapasa-akin ka pa rin papa Trance!" sigaw ng kanyang utak na sinabayan pa niya ng pagpadyak ng kanyang paa.


Magiging akin ka, Mr. Trance De Vera! Magiging akin ka! Weither you like it or not, you'll be mine! Narinig mo? You'll be mine! Mine! Mine! And mine! Walang kokontra!" napahingal siyang napahalukipkip ng kanyang braso at isinandal ang katawan sa silya. Ng biglang manigas ang kanyang katawan at lumaki ang mga mata ng lahat ng tao sa conference room ay nakabuka ang mga babang nakatingin sa dalaga.


"Oh my... God! Did I shout?" hindi makahingang tanong niya sa sariling gustong kumaripas ng takbo dahil sa pagkapahiya.


"What did you say Ms. Arnaiz?" nanliit ang mga matang wika ng binata na tila gustong tirisin ng pinong-pino ang dalagang namumula ang pisngi dahil sa pagkapahiya.


"Ha? Ahm.. S-sorry po, nag p-practice lang po ako, para sa-- sa... audition ng Pinoy big brother?" nakangiwi ang labing sagot niya dito. Sabay tayong nag excuse ang dalaga at mabilis na lumabas ng conference room.


"Exuse me, gentlemen. I'll be right back." paalam ng binatang sinundan ang dalagang mabilis na lumabas ng confeence room. Habang nakabuka pa rin ang baba ng mga board of directors na sinundan siya ng tingin hanggang sa makalabas ng pintuan.


"Shit! Shit! Pahamak ka talaga Cher! Nakakahiya ka!" pakumpas kumpas ang kamay na lumakad ang dalaga pabalik sa opisina.


"Ano nanamang ka saltikan ang pumasok sa biyak mong bungo para sumigaw ka sa conference room? Ha!?" galit ang boses na hinawakan ng binata ang braso ng dalaga ng maabutan sa hallway.


Nanigas ang katawang biglang napahinto ang dalaga at sapilitan siyang iniharap ng binata dito. "S-sir.. Hindi ko po sinasadya. A-akala ko..."


"Anong akala mo? Nasa loob ka ng mental, instead ng conference room? Wake-up, Ms. Arnaiz! Kahit kailan, hinding hindi ako magkakagusto sa babaeng may saltik ang ulo! Your always ruining my time! Your.., your... Oh shit! Get out of my sight!" galit na tumalikod muli ang binata at bumalik ng conference room. Samantalang naiwang natigagal ang dalaga sa kanyang kinatatayuan.

No comments:

Post a Comment