Seducing Mr. Look-a-like Chapter 14


Seducing Mr. Look-a-Like
By: CatchMe

Chapter 14



"Hey!" mahinang tapik ni Trance sa malambot na pisngi ng dalaga na biglang napakislot at napamulat ng mata. "Don't tell me inaantok kana." natatawa pang saad ng binatang inabot ang baso.


"H-ha? Ahm.. Hindi! Napuwing lang kasi ako." palusot ng dalagang kinusot pa ang mga mata. "Yay! Nahuli nanaman ako."


"I see, akala ko na engkanto kana sa kagwapohan ko." biro pa nitong nagsalin ng orange juice para sa dalaga.


"Wow! How kapal your handsome face ha? Pero infairness. May katotohanan naman ang sinabi ni papa Trance. Kung pwede nga lang kitang yakapin, 'Eh di sana niyakap na kita. Oh, my papa! Pahalik nga.." maarteng wika ng kanyang isipan na sinundan ng tingin ang binata.


"Actually, gwapo ka naman talaga papa Trance 'eh."


Biglang napalingon ang binata sa kanya ng nakasalubong ang dalawang kilay.


"I mean, gwapo ka naman talaga sir Trance." kagat ang labing pagbabago niya sa sinabi. "C-crush nga kita noon 'eh.."


Hindi na maiwasan ng binatang mapangiting nakaharap sa dalaga..


"Oh my Papa! Huwag ka namang ganyan. Bakit ka ba ganyan kung makangiti sa akin? Mamaya pag hindi na ako makapag-timpi, re-reypin na kita. Sige ka." lihim na usal niyang iniwas ang tingin. Tinatambol nanaman ang kanyang puso at tila gustong umurong ng kanyang dila.


"I know. Here, drink this ng makaalis na tayo." abot nito sa hawak na baso ng orange juice at nakangiting itinuro sa kanya ang dining table para maupo ang dalaga.


Muli itong napaharap sa refrigerator at kinuha ang box ng cake. Pinaghiwa siya nito ng dalawang slice at inilapag sa mesa kaharap niya. "Kumain ka ng marami, para mas lalo kang magkalaman. Masyado ka namang slim. Mas mabuti na yang magkalaman ka para ganahan naman ang boyfriend mong yumakap sayo."


"What!? Excuse me no? Wala akong boyfriend!" biglang reaksyon ng dalagang napamulagat pa ang mga mata.


"Hus! Maniwala ako sayo."


"Totoo naman ah! Bakit? Sino ba ang nagsabing may boyfriend ako ha?" 


"Nevermind." napailing na lamang na sagot ng binatang kumuha ng brandy. "Kung wala siyang boyfriend, sino ang lalaking humalik sa kanya noong isang linggo sa bar?"


Nagtatakang sinundan nang dalaga ng tingin ang binatang nag shot ng brandy. Ilang minutong walang may nagsalita sa kanilang dalawa. Ng tumikhim ang binatang naupo sa kaharap niyang mesa.


"Sige na, kainin mo na yang cake mo. Huwag kang mag alala, at walang lason 'yan." 


"Bakit? Sinabi ko bang may lason ito?" irap niya sa nakangiting binata. "Sana ginayumahan mo na. Para mas lalo akong ma-inlove sayo papa. Ayiehh!" kinikilig na sambit niya sa sariling hindi rin mapigilan ang mapangiti.


"At para saan naman yan?"


"Ang alin?" nagtatakang baling ng dalaga.


"That mysterious smile."


Napahagalpak ng tawa ang dalaga. "Anong mysterious, mysterious smile ka diyan? Ano akala mo sa akin, may pagananasa pa rin sayo?" wika na lamang ng dalagang patuloy sa pagtawa.


Biglang natigilan si Trance sa sinabi ng kaharap. "Meaning.. Wala na siyang pagnanasa sa akin?" tila dissapointed na tanong niya sa sariling biglang pinag seryoso ang mukha. "Bilisan mo na 'dyan, at aalis na tayo."


"Aba, anong nangyari kay papa?" sinundan niya ng tingin ang binatang biglang tumayo at pumunta sa sala. "May nasabi ba akong hindi maganda? Oh my. Huwag ka namang ganyan papa Trance. Hindi ako mabubuhay pag ganyang suplading ka nanaman sa akin. Hindi ko na to keribels papa.. No!" maarteng wika niya sa sarili ng biglang umayos sa pagkakaupo ng magtama ang paningin nila ng binata. Ibinalik na lamang niya ang pansin sa kinakaing cake, at uminom ng juice tsaka tumayo. Niligpit muna niya ang pinagkainan at sumunod sa sala.


"T-Trance, galit kaba sa akin?" nag alalang tanong niya dito ng hindi manlang siya tinapunan ng tingin ng binata.


"Hindi. Why should I?" hindi nakatinging sagot nito na may kinuhang susi sa isang isang glass na cabinet. "Here's your key."


Inabot niya ang susi ng sariling kotse at kinuha ang bag na sumunod sa binatang nagpatiuna ng humakbang sa pinto ng condo nito.


"Akin na ulit ang susi."


"Ha? Teka.." muli niyang ibinalik ang susi dito at tinalikuran na siya ng binata.



Kanina pa silang walang imikan habang tumatakbo ang kotse ng binata. Naiilang na rin ang dalaga dito. Nagtataka sa pagbago ng ikinilos ng binata. Na kani-kanina lang ay tumatawa pa naman ito. Hindi niya mahagilap sa isipan kung anong dahilan at kung bakit tila galit ito sa kanya. Hanggang makarating sila sa La'De Vera Motor's Inc. Nagtatakang napatingin siya sa binatang seryoso pa rin ang mukha. 


"Akala ko ba sa casa tayo pupunta? Anong gagawin natin dito? Bibili ng bagong kotse?" ani niya sa katabing pinatay na ang makina ng kotse nito. Hindi manlang siya nito sinagot. Bagkus ay binuksan nito ang pintuan ng kotse at lumabas. Kaya napilitan na lamang siyang sumunod sa binata. "Trance!" mahinang tawag niya sa binatang tuloy tuloy sa pagpasok ng gusali na hindi manlang siya nilingon nito. "Kainis! Ano kaya ang problema nito? Wala naman akong kasalanan ah?" inis na rin siyang pumasok sa gusali. Napatingin siya sa paligid na nag uumpisa ng magkalat ang dilim.


"Good evening sir." magalang na bati ng babaeng attendant. Ngunit hindi manlang ito tinapunan ng tingin ng binata. Deretso itong umakyat sa hagdanan paakyat sa pangalawang palapag ng gusali. Nag aalinlangang napasunod ang dalaga sa binata at pilit na ngitian ang attendant ng batiin din siya nito. 


"Pasinsya na kayo sa fiancee ko, mainit ang ulo 'eh." lihim niyang bulong sa babae ng biglang manlaki ang mga mata nito.


"Talaga po ma'am? Fiancee kayo ni Mr. De Vera?" mulagat ang mga matang napatutop pa sa sariling baba ang attendant.


"Shhh, huwag kang maingay." ani niyang inilagay pa ang daliri sa sariling baba para patahimikin ang kaharap na babae. "Teka, kilala mo siya?" pag iiba niya sa usapang itinuro pa ang likuran ng binata ng pumasok ito sa isang pinto.


"Yes, ma'am. Si Mr. De Vera po ang may ari nitong La'De Vera Motor's."


"Ano!?" nanlaki ang mga matang biglang napataas ang boses ng dalaga. Dahilan para maagaw nila ang pansin ng iba pang attendant. "Sigurado kang si Trance ang may ari nito?"


"Ano bang pinagtsismisan mo diyan? Umakyat ka nga dito. And you, bumalik ka sa trabaho mo." turo ng binata sa kanyang kausap.


Hindi na nagawang sumagot ng babaeng attendant at nagmamadaling tumalikod sa kanya. Naiwan naman siyang naiinis sa inakto ng binata. Naniningkit ang mga matang umakyat na rin siya pumasok sa pintuan kung saan ito pumasok.


"Hoy! Ang bastos mo ha. Ganyan ka ba makipag usap sa mga empleyado mo? Wala kang kamodo-modo. Tsaka, bakit ba mainit 'yang ulo mo? Kung galit ka sa akin, sabihin mo. Huwag 'yang nandamay ka pa ng ibang tao!"


"Excuse me? At sino ka para pagsabihan ako ng ganyan?"


"Aba.. Hindi mo ba ako kilala? Hoy! Mr. Trance De Vera, ako lang naman si Cher Arnaiz. Isang babaeng, seksi at may angking mala-dyosang kagandahan! At---"


Biglang napatawa ng malakas ang binata sa sinabi niya. Dahilan ng pagtigil niya sa kakasalita. "At sinong baliw na may saltik ang ulong nagsabi sayong, mala dyosa yang kagandahan mo?"


"Tumahimik ka! Hindi pa ako tapos. Tsaka, joke lang yun." biglang bawi naman niya ng makaramdam ng pagkapahiya ng pagtawanan ng binata. Kinapalan na lamang niya ang mukha na tila hindi naapektohan. "Ito, totoo na ito. Ako lang naman ang babaeng ayaw na ayaw na sigawan ng mga katulad mong..." hindi niya nagawang banggitin ang sigaw ng kanyang isipan.


"What?"


"Nevermind. Nag iba na ang isip ko at tiyak na hindi mo magugutuhan ang sasabihin ko." kaila na lamang niya. Sa katunayan ay nangangati nanaman ang kanyang baba, na banggitin kung gaano kagwapo ito. Kung gaano katigas ang abs nito. Na isang ngiti lang nito ay tila naluluwag na ang suot niyang panty. "Shit! Ang dumi ng utak ko! Erase! Erase! Erase!"


"Come on. Say it." pilit ng binatang naamuse sa pag iba ng ekpresyon ng kanyang mukha.


"Wala!" 


"I know, na may meron. Come on, say it." pilit pa rin ng binatang tumayo sa kina uupuan.


"Ano to? Sapilitan?" bulong niya sa sariling tiningnan muli ng masama ang binata. "Katulad mong.. Walang modo! Walang respito sa babae! Wala kang itinatagong pagka gentleman. Lahat ng masamang ugali nasa sayo na. Suplado, isnabero, metikuloso, palasigaw, palautos, pala--" biglang namanhid ang katawan ng dalaga ng bigla na lamang siyang halikan ng binata sa kanyang labi.

No comments:

Post a Comment